Chapter 21

10.3K 399 7
                                    

Napangiti ako ng makitang hindi pa nakakalayo yung sasakyan na sumundo kina Sandoval. Kaya mas binilisan ko pa ang pagmaneho ko gamit ang motorbike ni Kuya na hiniram ko sa kanya kanina. Nagdadalawang isip pa nga ito kanina kung papahiramain niya ako o hindi. Kailangan ko pang magmakaawa sa kanya at pilitin siya, bago niya pa ako pahihiramin.

Nang malagpasan kuna yung sasakyan na sumundo sa kanila kanina. Mabilis kung hinirang yung motorbike na ginamit ko sa harapan ng sasakyan, dahilan para agad itong magpreno. At napangiti ako ng maimagine ko kung ano ang naging sitwasyon nila sa loob.

" What is your problem.. magpapakamatay kaba!? " galit na sigaw ni Sandoval ng makababa ito sa sasakyan.

" Kung gusto mong magpakamatay? Huwag mo kaming idamay! " sabi naman ni Geo na lumabas din, kasunod yung tatlo.

Napangiti ako ng makita ko yung galit sa mukha nila. Lalo na at hindi pa nila nakikita ang mukha ko, dahil naka helmet ako.

" Kung gusto kung magpakamatay? Edi sana nagpasagasa nalang ako sa inyo. " sabi ko

Pareho naman silang nanliliksik na tumingin sa akin.

" Tarantado ka pala eh. " galit na sabi ni Oscar na papunta sa deriksyon ko.

Hindi ko naman pinansin yun, bumaba nalang ako sa motorbike ko at inalis yung helmet na nasa ulo ko, saka tumingin sa kanila. Mas lalo akong napangisi ng makita ko yung gulat sa mukha ni Oscar na napahinto, maging sina Geo at Hanz ay gulat ring nakatingin sa akin. Habang si Sandoval ay sobrang sama kung makatingin sa akin na akala mo malaki ang kasalanan ko sa kanya.

" What is in your mind, Lady. Hindi mo ba alam na delikado yung ginawa mo!? " galit na sigaw nito sa akin na ikinagulat ko.

Talaga kasi yung literal na sigaw at talagang matatakot ka sa kanya, lalo nat nanliliksik ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Pero agad din akong nakabawi sa pagkagulat at nakangising nakatingin sa kanya.

" Dont worry. Hindi ko ginagawa ang isang bagay kung hindi ako marunong. At isa pa, matagal pa ako mamamatay. " nakangising sabi ko sa kanila.

Nagulat naman ako, dahil kasing bilis ng kidlat na nasa harapan kuna si Sandoval habang hawak ang isang kamay ko at seryusong nakatingin sa akin.

" What do you want? And who are you? " seryuso nitong tanong sa akin.

Nakangisi parin akong nakatingin sa kanya at mabilis na inalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya na ikinasinghap ng tatlo at ikinabigla niya.

Sumandal ako sa motor ko, at tumingin sa kanila.

" Ako nga dapat ang magtanong nyan sa inyo... Sino ba talaga kayo? At ano ang kailangan niyo sa akin.. para paimbestigahan ako? " seryusong tanong ko sa kanila.

Nakita ko yung pagkabigla sa mukha nilang apat. Akala kasi nila, hindi ko malalaman ang bagay na yun. Marami akong mga galamay sa probinsya namin... At kahit wala ako don.. malalaman at malalaman ko kung ano ang nangyayari doon. Lalo na yung pag-imbestiga nila sa akin.

" Maaaring may nalaman kayo tungkol sa akin.. at nalaman niyo din kung ano ang mga pinagagawa ko doon. Pero isa lang ang masasabi ko sa inyo... Hindi niyo parin ako lubusang kilala. " malamig at seryusong sabi ko sa kanila.

Natigilan naman sila sa sinabi ko at kita ko yung takot sa mga mata nila. Pwera nalang kay Sandoval na seryuso ay nakakunot noong nakatingin sa akin.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now