Chapter 22

10.1K 366 10
                                    

Matapos nila sabihin sa akin kung sino sila at pati narin ang ginagawa nila. Nauna na akong lumabas sa kwartong yun para makaalis na don sa bahay nila. Naaasiwa kasi ako kapag nasa bahay ako na sobrang laki.. pakiramdam ko kasi parang sinasakal ako at hindi ako mahinga? Ewan ko ba, siguro hindi lang ako sanay sa malamansyong bahay.

Hindi pa man ako nakakaabot sa pinto ng may biglang humila sa akin paharap sa kanya.

" Where are you going? " tanong nito sa akin.

Binawi ko yung kamay ko at sinalubong yung tingin niya.

" Uuwi na ako. Paplanuhin ko pa kasi ang pagtugis sa mga sindikatong yun. " nakangising sabi ko sa kanya.

Sumama naman ang tingin niya sa akin na mas lalo ko lang ikinangiti. Ang dali talagang pagalitin ang isang toh.

Hinigit ako nito papalapit sa akin at masama parin ang tingin nito sa akin.

" Dont you dare. " seryuso nitong sabi sa akin.

At nagulat nalang ako ng nauna itong lumakad habang hila-hila parin ako palabas ng bahay niya. Hanggang sa makarating kami sa motorbike na dala ko.

" Hop in. " sabi nito ng makasakay siya sa maotorbike ko.

Bahagya namang napataas ang isang kilay ko dahil hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa isip ng lalakeng toh. Kakarating niya lang sa bahay niya, tapos aalis na naman siya? Akala ko ba may importante pa silang tatapusin?

" At saan mo na namang balak pumunta? "

Hinawakan ako nito sa bewang at hinila papalapit sa kanya. Hinalikan muna ako sandali nito sa labi, bago niya ako sinagot.


" We go to the date, baby. " nakangiti nitong sabi sa akin.

Bigla na naman akong natulala sa ngiti niya. Ewan ko, talagang mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya. At hindi lang yun, napahawak ako sa dibdib ko. Dahil kusa nalang ito tumitibok ng mabilis. Yung tibok na akala mo may sakit ka sa puso?

At dahil gusto ko naman yung sinabi niya, sumakay na ako sa likuran niya at yumakap sa bewang niya. At talagang inayos niya pa yung pagkakayakap ko sa kanya, yung sobrang higpit na siguradong hindi ako mahuhulog sa bilis ng pagmaneho niya? At tulad kanina, panay parin ang tingin niya sa sidemirror para matingnan lang ako. At sa tuwing tumitingin siya, ngumingiti lang ako sa kanya na ikinailing niya.

Nakarating kami sa mall, dahil mukhang yun ang unang pumasok sa isip niya. Pagkababa namin sa motorbike, nakatingin lang ako sa kanya habang inaalis niya yung helmet sa ulo niya na siyang gumamit kanina, saka humarap sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

" I told you na ikaw ang gumamit ng helmet. Gumulo tuloy ang buhok mo. " sabi nito sa akin, habang patuloy na inaayos yung buhok ko.

Dahil sa ginawa niya, marami tuloy mga taong napatingin sa akin. At meron pang iba na parang naiingit at kinikilig. Well, kahit naman ako ay may kilig na nararamdaman sa ginawa niya.

" Atleast, maganda parin ako. " pagmamayabang ko.

" Yes you are. " nakangiti nitong sabi.

Pumasok na kami sa loob ng mall, at talagang napapatingin sa amin yung mga tao, lalo na sa kanya. Pano ba naman kasi parang artista itong kasama ko, dahil sa kasikigan nito at kagwapuhan.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now