Chapter 29

9K 374 17
                                    

Kinaumagahan! Maaga ako nagising para samahan si Tatay na pumunta sa farm namin.. ng madatnan ko yung apat sa kusina na kumakain kasama yung kapatid ko at si nanay.

" Ate! " masiglang sabi ng kapatid ko na bumaba pa ng upuan niya at yumakap papunta sa akin na sinalubong ko naman.

" Kamusta kapatid. " nakangiting bati ko sa kanya at hinalikan siya sa may pisngi.

" Okay lang ako, Ate. Pero sana hindi kana lang umalis. Nagsilabasan tuloy yung mga loko dito sa- "

" Kristine! " saway sa kanya ni Nanay.

Napangiti nalang ako at ginulo yung buhok niya.

" Hayaan mo, Tin. Huhulihin natin sila. " sabi ko sa kanya at inaya na siyang bumalik sa upuan niya kanina.

" Good morning, KC. " bati sa akin ni Oscar, at sumunod namang bumati sa akin yung dalawa.

Tumango lang ako sa kanilang tatlo, saka napatingin kay Sandoval na tahimik lang.

Tsk! Galit parin ba siya sa akin? Ganun ba ka big deal.. na hindi ko alam ang pangalan niya.

" Si Tatay, Nay? " tanong ko sa kanya.

" Nauna ng pumunta sa may farm, sumunod nalang daw kayo doon. " sabi nito sa akin.

Tumango nalang ako at nagpaalam sa kanila na hihintay ko nalang sila sa labas ng bahay ng pigilan ako ni Geo.

" Hindi ka kakain, KC? " tanong nito sa akin.

Pero sa halip na ako yung sumagot sa tanong niya, umepal na naman yung kapatid ko.

" Mamaya pa yan kakain si Ate, Kuya. Mas gusto niya kasing doon kumain sa farm namin, kaysa dito. " sabi ng magaling kung kapatid.

" Bakit naman? " curious na tanong sa kanya ni Hanz.

Pansin ko rin yung pagtigil ni Sandoval sa pagkain na mukhang gusto din yata nitong marinig ang sasabihin ng kapatid ko.

" Nandon kasi yung mga tropa niyang matatakaw sa pagkain. " nakangiti nitong sabi.

Tiningnan ko siya ng masama na ikinatawa niya lang. Maging si Nanay at tumawa na rin, kasama yung tatli
Ong ugok. Pero sa Sandoval, sobrang seryuso kung makatingin sa akin.

Ano na naman ba ang problema ng isang toh?

Lumabas na ako ng bahay at doon sila hinintay. At habang hinhintay ko sila sa labas, dinama ko muna yung hangin na dumadampi sa balat ko ngayon. Ramdam ko yung lamig ng paligid dito sa bayan namin, dulot ng ulan kagabi. Sobrang sariwa ng paligid namin dito sa aming bayan. At talagang mapapansin mo yung kagandahan ng paligid namin dito. Talagang ang sarap sa pakiramdam.

Nang dumating na yung apat kasama yung kapatid ko. Nagpaalam na kami kay Nanay na aalis na at pupunta kami sa may farm ngayon.

Naglalad lang kami papunta sa farm namin, at hindi ginamit yung sasakyan na ginamit namin papunta dito sa probinsya. Mas masarap kasing maglakad-lakad, lalo na kapag ganito kaganda ang umagaw namin. Tamang-tama lang ang init at lamig dito sa probinsya namin, kaya walang problema kung maglakad lang kami papunta sa farm namin. At subukan lang nilang magreklamong apat dyan, inudnod ko talaga yung mga mukha nila sa putikan. Medyo basa-basa pa naman yung nilalakaran namin.

" Ganito ka ba talaga kasikat sa lugar niyo, KC? " tanong sa akin ni Oscar.

" Parang daig mo pa yung tumatakbong kandidato sa lugar niyo... Dahil sa sobrang kasikatan mo. " sabi naman ni Hanz.

" O baka naman.. tinakot mo sila ng husto, KC. "

Binatukan ko ng malakas si Geo dahil sa sinabi niya.

" Loko ka! Hindi ba pwedeng kilala lang talaga ako dito. " sabi ko sa kanya.

Sadyang malikot lang talaga yung mga paa ko kaya kahit saan lang ako napupunta. At sa bawat lugar na dinadaanan ko o ng mga kaibigan ko na si Nuel at Sam, sadyang walang araw na hindi kami magpapasabak sa gulo. Marami kasing mga loko-loko sa bayan namin na talagang binibigyan na namin ng leksyon para hindi na maulit at wala ng mga tarantado dito sa lugar namin.

" Hindi ka maging kakila-kilala sa lugar niyo kung wala kang ginawa diba? "

Napatingin ako kay Sandoval ng magsalita siya.

" Abat! Nagsasalita ka pala? Akala ko may pipi na kaming kasama. " pang-aasar ko sa kanya.

Sumama naman ang tingin nuto sa akin. At rinig ko yung pagtawa ng apat naming kasama.

" Mabuti pang ako nalang ang tanungin mo, Kuya Zeke. Walang kwentang kausap yan si Ate eh. "

Babatukan ko sana siya ng bigla siyang nagtago sa likod ni Sandoval na pumagitna naman sa aming dalawa.

" So, kinakampihan mo siya? " nakapameywang kung tanong sa kanya.

" She's right. " seryusong sabi nito.

Napatingin naman ako sa kapatid ko na nakatigilid yung ulo. Habang nang-aasar na nakangiting nakatingin sa akin. Ang sarap talagang, itapon tong batang toh. Kung hindi ko lang talaga toh mahal, ipapasalvage ko talaga siya. Kasama si Sandoval.

Tumalikod nalang ako nagsimulang maglakad. At narinig ko namang nagsimulang magdaldal yung kapatid ko.

" Alam mo, Kuya. Si Ate kasi.. marami ng naitulong dito sa bayan namin. Hindi man siya ang alkalde o kapitan dito sa bayan... Siya naman yung tagapagligtas at tagapagtanggol naming lahat, kasama sina Kuya Nu at Kuya Sam.... " rinig kung sabi ng kapatid ko.

Marami pa siyang ikenweto sa kanila, pero hinayaan ko nalang. Alam ko naman kasi na talagang hindi siya mapipigilan. Dumadaldal na kasi yan kapag bumuka na yung bibig niya.

Isa sa dahilan kung bakit kailangan kung protektahan ang bayan namin... Ay dahil sa mga taong nakatira dito. Hindi ko naman sinasabing hindi nila kayang protektahan ang bayan namin. Ang sa akin lang, kailangan ko lang talaga silang tulongan at protektahan sa mga taong may kakayahang kontrolin ang buhay nilang lahat. At sa mga taong hindi nila kayang maprotektahan ang sarili nila.

Pero ang isa sa dahilan kung bakit kinakailangan kung gawin ang bagay na toh. Ay dahil nangako ako sa mga magulang ko na proprotektahan ko ang bayan na toh kahit na ano pang mangyari. Dito nakatira si Mama at dito rin sila nagkakilala ni Papa. Kaya sobrang mahalaga sa kanila ang lugar na toh.

Ang tinutukoy kung magulang ay yung biological parents namin ni Kristine. Sina Nanay at Tatay ay sila yung mga magulang ni Mama. Matagal ng patay si Mama, simula nong pinganak niya si Kristine. Hindi kasi naging mabuti ang pagdadalang tao ni Mama at ang pagkapanganak niya sa kapatid ko kaya binawian siya ng buhay. Si Papa naman, busy sa negosyo niya at may inaayos pang problema. Kaya mas mabuting dito muna kami ng kapatid ko kina Nanay, hanggat hindi pa naayos ni Papa ang problema niya. Baka kasi madagdagan lang ang problema niya kapag kasama niya kami. Pero correction ha, mahal kami ni Papa at kahit kailan hindi niya kami nakakalimutan. Kapag tapos na ako dito, pwede ko ng tulongan si Papa sa problema niya.

At paniguradong maraming batok ang aabutin ko sa kanya, kapag nalaman niyang sakit sa ulo ang binigay ko kina Tatay.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon