Chapter 3

12.3K 454 6
                                    

Agad na umalis si Kuya Red, pagkababa ko sa sasakyan niya. Sya kasi yung naghatid sa akin ngayon sa bago kung school na papasukan. Gate palang halatang pang mayaman n. At halatang gawa ito sa tunay na marbol.

Pumasok na ako sa loob ng campus. Pero bago pa man ako makapasok, ipinakita ko muna kay Manong Guard yung hawak kung transferee record. Kaya agad niya akong pinapasok... Kahit sino mapapamangha sa nakikita ko ngayon. Ang ganda ng school nila, at nasisigurado akong sikat ang school na ito.

Naglalakad ako sa may hallway.. at talagang hindi makakawala sa pandinig ko ang mga bulongan ng mga tao sa paligid ko.

" Sino yan...mag-aaral ba siya dito? "

" No way! Look at her dress..hindi bagay sa school natin. "

" Eww....ang pangit niya.... "

Mas pangit ka teh! Tingnan mo yang mukha mo sa salamin? Kumpara naman sa mukha ko na mas maganda pa sayo.

" Basahan ba yang suot niya? "

Eh, kung ilampaso ko kaya yang mukha mo? Tutal mas basahan pa yan sa damit ko!

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi pinapansin kung ano man ang sinasabi nila... Unang pagpasok ko dito. Ganyan na kaagad ang maririnig ko? Kung sabagay, ano pa nga ba ang maasahan ko sa kanila. Mga mayayaman ang makakaharap ko dito sa school na ito. At itong simpleng jeans at T-shirt kung suot ngayon, ay mukhang basahan na sa kanila. Akala mo kung sinong magaganda..wala namang binatbat.

Hinanap ko na yung room ko. Medyo natagalan nga ako sa paghahanap, dahil sa sobrang laki ng building nila dito. Wala akong balak magpatulong sa mga estudyante na maghanap ng room ko.. dahil kapag nagpatulong ako sa kanila? Baka matagalan pa.. baka kasi kung ano ang gawin nila sa akin. Lalo nat transferee palang ako dito.

Kumatok ako sa pinto kung saan ang room ko. Saka ito binuksan ng tuluyan.

" Good morning, Ma'am. " bati ko ng makatingin siya sa akin.

Tuluyan akong pumasok sa loob at binigay ko sa kanya yung hawak kung papel. Tiningnan niya naman ito..pagkatapos, saka tumingin sa akin na talagang nakataas pa ang kilay niya!

Malditang guro! Akala mo naman, uubra sa akin? Tiningnan niya pa ako sandali, saka tumingin sa mga estudyanteng kanina pa nagbulong-bulongan, simula ng pagpasok ko dito sa room.

" Class! Quite. " sigaw nito at natahimik naman ang mga estudyante.

" We have a new classmate. So! Please! Introduce your self, Miss. " sabit.

Humarap naman ako sa mga bago kung kaklase saka, nagpakilala sa kanila.

" KC Cruz is my name. Nice to meet you all. " And I want to punch you all....gusto ko sanang idagdag yun. Kaso lang baka matakot ko sila... Hahaha....

Matapos kung mag pakilala sa kanila na hindi binibigay yung buo kung pangalan. Umupo na ako sa bakanteng upuan na malapit sa may bintana. Nagsimula ng magdiscuss si prof. Pero halata naman sa mga estudyante niya na hindi sila nakikinig. Kung ano-ano kasi ang mga pinagagawa ng mga ito... Merong nagchichismisan, nagtetext, nagdrawdrawing ng kahit anong kabastusan sa mga note book nila. At meron ding, ibang babae na todo pagandan, kahit na nasa harap nila yung prof nila na wala ring pakialam kung ano ang pinagagawa ng mga estudyante niya.

Ang Probinsyanang PalabanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang