Chapter 43

8.4K 292 3
                                    

Nakapasok na kami sa loob habang nakasunod sa akin si Sandoval all the time. Yah! dahil kung saan ako, nandon din siya. Dahil siya po yung tumatapos kaagad sa mga kalaban na nakakasalubong namin. Hindi na nga ako makagalaw ng maayos dahil sa gagong toh. At yung mga kasama namin, nasa labas at nasa ibang floor para patumbahin pa ang ibang kalaban. Hindi na kasi namin pa pinapatagal ang laban na ito. Dahil sa bawat oras na nasasayahang, kaligtasan ang nakataya sa amin dito.

" Boss, may bintahang nagaganap dito sa pwesto ko. At rinig ko mga batang babae daw ang ibibinta nila... Dapat na ba kaming mangialam dito? " biglang sabi ni Oscar sa kabilang linya.

" Gawin niyo kung ano ang tama, Oscar. As long as walang masasaktan. " sabi ko sa kanya.

" Okay Boss. I promise na ililigtas namin sila. " sabi nito at hindi na muling nagsalita pa.

Narinig ko naman sa kabilang linya na mukhang kumikilos na sila para pigilan ang mga kalaban sa gagawin nila. May tiwala ako sa mga kasama ko, kaya alam kung magagawa nila ng maayos ang trabaho nila

Malapit na kami sa kwarto kung saan nandon ang pinuno ng mga sindikato at ang nagmamay-ari ng pinapasukan naming school. Bubuksan kuna sana ang pinto ng bigla akong hilain ni Samdoval.

" What are you doing? " galit na tanong ko sa kanya.

" Be careful, Babe. " sabi nito sa akin.

Napakunot naman ang noo sa kanya.

" Shut-up, Sandoval. Alam ko kung ano ang ginagawa ko... At wala kang pakia- " hindi kuna natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang ako nitong halikan.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi kaagad ako nakapagreact. Pero ng matauhan ako, agad ko siyang itinulak ng malakas dahilan para mahiwalay siya sa akin.

" What the hell, Sandoval. Hindi pa ba nakatatak sa isip mo na fiance mo ang pinsan ko? Kaya pwede ba, tigi-tigilan muna ako. " galit kung sabi sa kanya.

Napaatras ako ng muli siyang lumapit sa akin.

" And how many times I told you na akin ka... And let me tell you, babe. Hindi kl fiance ang pinsan mo.. hindi ngayon at hindi kahit kailan. " seryuso nitong sabi sa akin.

Kaya mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. At muling naguguluhan ang isip ko dahil sa mga pinagsasabi niya ngayon. Kaya bago pa ako makapagtanong sa kanya, humirit na ang magaling kung pinsan sa kabilang linya.

" Pwede ba, mamaya na yang lampungan niyong dalawa. Unahin niyo muna tapusin ang pinuno ng sindikato para matapos na ang lahat ng ito. " sabi ng pinsan ko.

" Tama si Emy... Mamaya na kayong mag-usap na dalawa kapag tapos na tayo dito. " rinig ko namang sabi ni Geo.

Hindi nalang ako nagsalita pa, at muling sinamaan ng tingin si Sandoval. Saka binuksan ang pinto ng kwarto para makapasok na kami sa loob. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng may nagpaputok na ng baril. Mabuti nalang, mabilis si Sandoval para hilain ako pabalik sa pwesto namin kanina.

" I told you be careful. " sabi nito nasa palagay ko galit yata.

Siya na yung sa unahan at nakikipagpalitan ng putok sa loob. Ako naman ay inayos yung pagkakahawak ko sa baril ko na kanina ko pa hawak. At mabilisang pumwesto sa right side ng pinto. Nakipagputukan narin ako sa loob at hinayaan ang matalim na tingin na binibigay sa akin ni Sandoval... Bahala siya dyan kung magalit siya. Alam niya naman kung ano ang gusto ko, talagang gagawin ko. At walang makakapigil sa akin kahit sino man.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now