Chapter 30

9K 355 4
                                    

Nakarating kami sa farm namin ng ligtas at walang sagabal sa harapan namin. Nong nandito pa kasi ako sa bayan namin, kahit na naglalakad lang kami tatlo nina Sam at Nuel, may humaharang na kaagad sa amin para magsimula ng gulo na talagang pinapatulan kaagad namin. Bakit pa kasi namin patatagalin kung nagiging sagabal sila sa dinadaanan namin diba.

" Ate KC! " sigaw nong mga batang nandon sa farm namin pagkakita sa akin

Nagsisitakbuban naman slang lumaput sa akin at sabay-sabay nila akong niyakap lahat. Muntik pa nga ako natumba, mabuti nalang nasa likod ko si Sandoval para alalayan ako.

" Ate KC, namiss ka namin. Bakit ngayon ka lang dumating. " nakasimangot na sabi nong isang bata.

" Oo nga, Ate KC. Alam mo bang maraming nanggugulo dito sa atin simula nong umalis ka. " sabi naman nong isa.

Natatawang ginulo ko naman ang buhok nila, saka umupo para magkapantay kami.

" Kailangan kasing mag-aral ni Ate sa maynila. Nandito naman sila Kuya Sam at Nuel para protektahan kayo diba. " nakangiting sabi ko sa kanila.

Nakangiting tumango naman sila sa akin. At yung masungit kung kapatid, ay umepal na naman.

" Hay naku! Ate KC. Kung alam mo lang kung ano ang ginagawa  ng dalawa yung dito, simula nong umalis ka. " sabi nito na ikinanuot ng noo ko.

Bago pa man ako makapagtanong sa kanya, narinig ko na yung boses ng dalawa na tinatawag yung pangalan ko. At nakita ko naman sila di kalayuan sa amin na tumatakbo papunta sa deriksyon namin.

" Kris! " sabay na sigaw nilang dalawa ng makita nila ako.

Tatakbo sana ako papunta sa kanila para salubingin sila ng yakap ng mga pumigil sa kamay ko.

" Bitawan mo nga ako. " inis kung sabi sa kanya.

" No. " matigas nitong sabi.

Nakipaglaban ako sa kanya ng tingin at kasabay non ang paghila ko ng kamay ko sa pagkahawak niya. Kaya lang ang gago, ayaw niya talagang bitawan. Hanggang sa makarating sina Sam at Nuel sa harapan namin.

" Namiss ka namin, Kris. " masayang sabi ni Nuel na akmang yayakapin na sana ako ng biglang humarang si Sandoval sa harapan ko.

" Dont you dare. " malamig nitong sabi kay Nuel na may halong pagbabanta.

Sa halip na matakot sila ni Sam sa malamig nitong tono, ngumisi lang sa kanya ang mga loko.

" Tsk! Pumunta ka lang sa maynila, Kris. Hindi na kami pwedeng yumakap sayo? " sabi ni Sam.

Napangisi lang ako at napatingin kay Sandoval na masama parin ang tingin sa kanila. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatawa sa pagbawal niya kina Sam at Nuel na yumakap sa akin. Pero kasi namimiss ko din naman yung mga kaibigan ko. Kaya ang ginawa ko, mabilis  kung inalis yung kamay ni Sandoval sa kamay ko. At mabilis na pumunta sa likuran ng dalawang kaibigan ko.

" Sinong nagsabi na bawal ko kayong yakapin ha. " nakangiting sabi ko sa kanila habang parehong nakaakbay sa kanila.

Mas lalog dumilim naman yung mukha ni Sandoval habang nakatingin sa akin at sa mga kaibigan ko.

" Ehem! Alis muna tayo dito, Tin. Baka madamay pa tayo dito. " sabi ni Oscar at hinila na yung kapatid ko papaalis.

" Sasama na rin ako sa inyo. Ayaw ko pang masira yung mukha ko eh. " sabi naman ni Geo na sumunod narin sa dalawa.

Napatingin naman ako kay Hanz,  habang nakataas yung isang kilay ko sa kanya.

" Ayaw kung mawalan ng mukha, marami pa akong babaeng lalandiin eh. " sabi naman nito at umalis narin.

Napatingin naman ako kina Sam at Nuel na bigla nalang tumahimik. At naramdaman ko yung panginginig ng katawan nila. Idagdag munang parang pinapawisan pa silang dalawa.

" Anong nangyari sa inyo? Okay lang ba kayong dalawa? " nagtataka kung tanong sa kanila.

Nagulat naman ako ng bigla nalang nila inalis yung kamay ko sa balikat nila. Kasabay non ang pagtulak nila sa akin, papunta kay Sandoval saka tumakbo papalayo sa amin.

" Pasensya na, Kris. Ayaw pa naming mamatay. " rinig kung sigaw ni Nuel.

Napasimangot naman ako at tumayo ng maayos saka tumingin kay Sandoval na masama parin yung tingin niya.

" Ano bang ginawa mo? Bakit tinakot mo yung mga kaibigan ko. " inis kung sabi sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin na masama parin yung tingin niya. At doon ako natigilan sa klase ng pagtingin niya, na para bang gusto na itong makapatay. At kung sino mang makakita nito, mas gugustuhin nalang na tumakbo papalayo, kaysa sa lumapit sa kanya na ganito kasama ng tingin na akala mo papatayin ka. Kaya pala nagsialisan silang lahat kanina, dahil sa kanya. At kaya pala, natakot sa kanya sina Nuel at Sam dahil sa masamang aurang bumabalot dito.

" Nagagalit kaba, dahil lumapit ako sa kanila? " nakangising tanong ko sa kanya.

Kita ko naman yung pagkakunot ng noo niya. Akala niya siguro matatakot ako sa kanya, pero never. Kung may tinatakutan man ako, ay yung mawala ang mga taong mahahalaga sa akin.

Nagulat ako ng bigla ako nitong hapitin sa bewang at inilapit sa kanya.

" Sa susunod na may lalakeng lumapit sayo o humawak man lang? Ililibing ko talaga sila ng buhay. Naiintindihan mo ba, Kristel. " seryuso at malamig nitong sabi.

Ngumisi lang ako at lumapit pa sa kanya para bumulong sa tenga niya.

" Huwag kang mag-alala, ako na mismo ang lalayo sa kanila. Naiintindihan mo, Zeke. " nakangiti kung bulong sa kanya.

Ramdam kung natigilan siya sa sinabi ko, at naramdaman ko rin yung paghawak niya ng mahigpit sa bewang ko. Kakalas sana ako sa kanya  na mapasinghap ako ng mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkapit nito sa bewang ko, saka ipinatong niya yung baba niya sa balikat ko.

" This is the first time you could me in may name. And you dont know how I feel this time. " sabi nito, kasabay non ang paghalik nito sa leeg ko.

Para akong nestatwa sa ginawa niya, parang nanigas ang buo kung kalamnan sa pagdampi ng labi niya sa leeg ko. Ramdam ko rin na humigpit yung pagyakap niya sa akin na para bang ayaw niya na akong bitawan. Naramdaman ko yung parang may mga paru-parong nagsisiliparin sa loob ng aking tyan, kasabay non ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

" Hoy! Ate. Tumulong na kayo dito. Lagot ka kay Tatay, kapag nakita ka niya dyan. " rinig kung sigaw ng magaling kung kapatid.

Minsan talaga ang sarap putulin ng dila ng kapatid ko. Parang wala kasing galang kung magsalita. Pero huwag kayo, kahit na ganyan yan ang kapatid ko. Mahal na mahal ko yan.

" Sandoval! " sigaw ko ng bigla niyang pisilin ang bewang ko na ikinapitlag ko.

" What? " nakangiti nitong sabi na para bang hindi niya alam yung ginawa niya.

Sinamaan ko naman siya na ikinatawa niya. And this is the first time na makitang ko siyang tumawa. And happy for that.

Umalis na kami sa lugar na yun na nakaakbay siya sa akin. At talagang makikita ko sa mga mata niya na masaya siya.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now