Chapter 16

10K 213 0
                                    

Seriously! Anong karantaduhan ang pumasok sa isip ng Principal namin para ipalinis ang buong field? Hindi naman sa nagrereklamo ako, dahil alam kung itong ang binigay niyang punishment. Pero nang ikaw lang mag-isang maglinis? Sa paglagay mo ba makakaya mo yun. Ang lawak kaya ng field nato, at aabutin ka ng ilang araw para malinis mo ito. Ito ba ang parusa niya sa akin, dahil sa ginawa ni Kuya Red sa kanya? Hanep rin siya noh. Kapag ako makaganti sa kanya, who you talaga siya sa akin. At wala akong pakialam kung principal pa namin siya.

" Gusto mong tulongan ka namin? " tanong sa akin ni Kate.

" Oo nga! KC. Makabawi man lang kami sayo sa ginawa mo sa amin. " sabi naman ni Je.

Tinigil ko yung pamumulot ko ng basura saka tumingin sa kanila.

" Gusto ko mang magpatulong sa inyo, pero hindi pwede. At hindi rin ako humihingi ng kapalit sa inyo. " sabi ko sa kanila.

Pinagpatuloy ko na yung pamumulot ko at iniwan ko sila doon. Pinuntahan kasi nila ako dito para tulongan ako, kaya lang hindi talaga pwede. Dahil kapag tinulongan nila ako? Mapalagalitan sila ng Principal namin. At ayaw kung mangyari yun sa kanila.

Nang matapos kung linisin yung mga basura na nakakalat. Dinala ko naman  yung sako ko na may lamang basura sa likod ng building namin, kung saan doon nilalagay lahat ng basura, at may kumukuha dito.

Papaalis na sana ako don ng may biglang tumalak sa akin, dahilan para mapasubsob ako sa mismong basurahan.

" Dyan nababagay ang mga probinsyanang tulad mo. " rinig kung sabi nito.

Tumayo ako at tiningnan yung taong tumulak sa akin.

Lintek na Bea toh. Hindi ba talaga siya titigil?

" Matanong nga kita, Bea. Ano ba ang nagawa ko sayo para ganituhin mo ako? " inis kung tanong sa kanya.

Hindi naman ako umatras ng lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan yung kamay ko.

" Sa totoo lang! Wala kang ginawa sa akin. Talagang ayaw ko lang makita yang pagmumukha mo. " nakangisi nitong sabi.

Ako naman ang ngumisi sa kanya, dahilan ng ikinanuot ng noo niya.

" Bakit? Dahil mas maganda ako sayo at sexy? " nakangising sabi ko sa kanya.

Napikon naman siya sa sinabi ko at malakas akong itinulak sa harap ng mga kasama niya. At hindi na ako nagulat ng buhusan nila ako ng basura sa katawan. Nang matapos na silang magbuhos, saka naman akong tumayo ulit.

" Yan lang ba talaga ang kaya niyong gawin? Sa tingin niyo ba mamatay ako sa ginagawa niyo? Parang mga bata lang kaying naglalaro eh. " nakangising sabi ko sa kanila.

" Talagang gusto mong sinasaktan ka ha. " sabi nong kasama niya.

" Why not! Yun naman ang gusto niyo diba? " sabi ko pa sa kanila.

Galit namang napatingin sa akin si Bea saka lumapit.

" You bitch. " galit nitong sabi saka ako sinampal.

Hindi pa ito nakuntento, sinampal pa ako nito sa kabilang pisngi hanggang sa pinagtutulongan nila akong apat. Sampal, sabunot sa buhok at suntok lang naman ang pinagagawa nila sa akin. Hanggang sa mapagod sila sa ginagawa nila.

" Tapos na kayo? " tanong ko sa kanila at binaniwala ang ginawa nila sa akin.

Napatingin naman sila sa akin at nandon sa mukha nila ang gulat at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now