25: Ithalia

49.7K 1.4K 204
                                    

"Ithalia, kung may mangyari ulit na ganon please just tell it to us. We're not gonna stop helping you to get rid of those horrible memories." Hinawakan ni Ate Savv ang mga kamay ko at nakikita ko sa mga mata niya ang sinseredad.

Katatapos lang ng aking check up, or should I say another session sa aking Psychiatrist. Actually once a week naman akong kailangang magpunta kay Doctora Perez para sa tuluyan ko nang paggaling. Nasabi pala ni Jyeo kay ate Savv na napaginipan ko ulit ang ginawa sa akin ni James. When I was drunk. Pero hindi naman na madalas iyon katulad ng dati at iyon rin ang sinabi ko sa kanila. Maybe I got really tired or just drunk or what at natrigger ko ulit 'yon. Dahil kung ako ang tatanungin, ayoko rin talaga na maalala ko ulit ang bangungot na 'yon sa buhay ko. I really tried hard to focus on other things, and it worked dahil na rin sa tulong ng Psychiatrist, pero siguro may mga times talaga na babalik at babalik talaga kahit hindi ko gusto. That's the problem.

I smiled before answering her. "Doc, you don't need to worry. Katulad nang sinabi ko kay Doc. Perez, hindi na madalas katulad ng dati kapag nananaginip ako ng ganon."

Wala na talaga akong mahihiling pang iba dahil sa tulong ng mga Grimes.

"Huwag mo nalang stress-in masyado ang sarili mo sa bagay bagay baka iyon ang dahilan," tumango tango ako.

"I will."

"Okay. Anyways, are you ready to manage your company?" tanong niya. Napangiti naman ako. Tomorrow is the day.

"I am ate. Salamat sa inyo."

"Not a big deal Ithalia, higit pa diyan ang ginawa ng magulang mo sa amin kaya helping you ay ang pinaka-magandang magagawa namin para sayo and at the same time para na rin kay Mr. Jin and Mrs. Lia Watson," ngumiti ulit ako. Nandito pa rin talaga yung katanungang ano ba ang nagawa ng mga magulang ko sa kanila at bakit ganito nalang ang trato nila sa akin?

"Well about that, I guess hindi ako ang dapat magsabi niyan kundi si Dad," sabi niya na sagot sa tanong ko. Mind reader?

"I know you're thinking about that. Pfft. Basta, huwag mo nang gaano isipin iyon. Ang mahalaga ay okay ka."

"Hindi ko kasi talaga maalis sa isip ko ang katanungang iyon," pagtatapat ko.

"I know. But try not to think those whys, hows, and whats. Okay?" tumango nalang ako.

"So... See you later?" Tanong niya.

"Yeah sure. Mauna na ako," sabi ko at bumeso sa kanya.

"Happy Valentine's Day," pahabol niya pero parang 'di naman masaya.

"Happy Heart's day, hmm parang nag-iba bigla ang ekspresyon mo Doc. What's wrong?" tanong ko.

"Wala lang to, sige na alis na," pantataboy niya. Napatawa ako ng mahina.

"I guess hindi ka pa niya inaayang magdate hmm?" Nag roll eyes lang siya.

"At sino naman 'yon aber?"

"Edi boyfriend mo sino pa nga ba?"

"I'm not in a relationship Ithalia, kaya huwag kang ano diyan," tsaka kunwaring may binuklat na folder.

"Totoo? Bakit?" Pang-uusisa ko. Hindi niya ako sinagot agad, tila ba pinag-isipan niya pa kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.

"Hindi ko pa siya sinasagot."

"Why?" tanong ko ulit.

"I don't know."

"Hay nako..." tumawa ako ng mahina. "...maybe this is the right time Ate, pakiramdaman mo ang sarili mo, intindihin mo yang laman ng puso mo, kung ang tinitibok niyan ay siya then why need to prolong the panliligaw stage? If you're certain that you love him then say yes, and live happily ever after," mahabang lintaya ko.

Mafia Boss 1: Saved By Him Where stories live. Discover now