48: Ithalia

46.3K 1.4K 169
                                    

Hindi ko mapigilang tumawa and at the same time ay masaktan para kay Jyeo when Doc. Savv injected some medicine sa kanya kanina. Hindi ko talaga inexpect na takot siya sa karayom.

Napakalupit nito, napakasungit, brutal, walang puso kapag may kalaban pero parang naging bata dahil sa injection. Pfft. I really can't believe it. Oh, Jyeo.

"Why are you smiling?" He asked. Naiwan nalang kaming dalawa sa kwarto niya after the show. Lumabas din na tawang tawa ang apat. Siguradong kapag hindi lang nakaratay si Jyeo he'll find a gun and won't mind to shoot them. Pulang pula ito sa inis at takot sa karayom kanina.

"Wala." I said.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" he asked. Umiling ako. "Venice," banta niya.

"No. I'm just happy you're finally awake." Ngumiti ako sa kanya, he held my hand and kissed the back of it.

"How long have you been asleep?" Tanong niya.

"Two days. Doctor Olivier was so good in treating me and he got rid of the poison in my vein just like that. I was just lucky that I didn't lose my memories. Because I can afford losing it again, now that you're part of it."

Totoong napaka-galing ni Doc. Olivier, kung may naimbento man si Franco na ganoong serum may naimbento naman si Doc. Olivier na antidote nito. As if it was really made for me. Ang sabi niya pa sa akin ay bago lang na experiment niya ang antidote na iyon dahil sa akin and I was the first one na nakagamit non.

"Bakit siya ang una mong binanggit kung mayroong namang magagaling na doktor dito sa Pilipinas like Doc. Savv?" I asked. I still can remember what he ordered to Levy and that is to find Olivier.

"It's his forte. He's a best Chemist I knew, I know he can treat you as fast as he can at kahit gaano ka poisonous ang gamot ay mayroon siyang pangontra doon," napatango ako. Kaya pala.

"Ilang tests din ang ginawa niya sa akin before he said I was free sa poison. Alam mo parang ikaw din yun eh, masungit." He chuckled.

"He is."

"Matagal mo na ba siyang kilala?" tumango ito.

"You guys are friends?"

"Nah. We're far from being friends," he answered.

"If that's so then bakit sumunod agad siya sa utos mo?" I asked.

"May kailangan siya sa akin," he said. Kumunot naman ang noo ko.

"And that is?" Pang-uusisa ko, bigla akong na-curious.

"Bakit bigla ka atang naging interesado sa kanya?" His forehead creased. Is that jealousy I'm seeing in his eyes?

"Wala lang. I can't forget his face. Gwapo kaya ni Doc."

"Ah ganon? So you find him good looking that you can't forget his fucking face that's why you're asking me about him?" Cute.

"Yeah." I'm loving this, inisin ko muna siya.

"Yeah?" Inis niyang tanong.

"Oo," gusto kong matawa. Why so cute Jyeo?

"May asawa na 'yon."

"So?" Gusto ko nang humagalpak ng tawa dahil sa pula ng mukha niya. Nagpipigil ng inis.

"Seriously do you want to become his mistress?" Pfft. Hindi ko na napigilan ang tumawa and he glared at me.

"Of course not, god Jyeo. Nagwapuhan lang ako sa kanya."

"I won't let you see his face again," seryoso niyang sabi. Oh.

"Huwag ka na magselos. Kahit marami pa silang gwapo you're the only one who looks perfect to me. You're the only one who can make my heart beats like I've joined a marathon. Ikaw lang Jyeo." Namula ang tainga niya, kinilig siguro.

Mafia Boss 1: Saved By Him Where stories live. Discover now