41: Ithalia

49.2K 1.2K 202
                                    

"Venice no."

"Venice you're still not fully recovered."

"Venice Ithalia, just rest."

"Watson..."

"Watson, I said don't do hard works!"

"Watson no exercises yet."

"Venice Ithalia Watson."

Ilan lang ang mga iyan sa utos ng magaling na si Jyeo simula nang makauwi ako galing hospital kahapon. Sa sobrang inis ko napa-roll eyes nalang ako. Hindi niya ako pinapayagang mapagod, o kung ano man. Kaunting galaw lang sinisita niya ako.

Gusto ko lang naman mag stretching ng light dahil feeling ko mas mapapadali ang paghilom ng sugat ko. Aaminin ko it still hurts pero kaya ko naman na atsaka hindi naman mga pangsundalo ang gagawin kong exercise. Itong si Jyeo kung ituring ako eh parang baldado na at konting kilos ko lang ay nagagalit na siya.

Take note he's so serious while saying those words!

Kaya wala akong magawa kundi ang tumunganga sa loob ng kwarto. Nandito pala ako sa bahay niya na nasa isang isla where we're the only ones here kasama ang ilang mga tauhan na nakabantay sa labas. Hindi ko rin alam kung bakit dito niya gustong manatili muna kami. I didn't bother to ask at hinayaan nalang siya.

Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutuluyan ko ngayon at nasa harapan ko na ngayon ang lalaking kinaiinisan ko, may dala siyang kung ano.

Umirap nalang ako ulit at hindi siya pinansin.

Umupo siya sa tabi ko. Pero hindi ko siya nilingon.

Pero sa halip na magsalita siya ay hinalikan niya ako ng mabilisan sa labi. At hindi ko naman mapigilang pamulahan na ikinatawa naman niya. Lakas ng epekto niya sa akin, even when he started to laugh ay hindi ko mapigilang kiligin, parang hinaplos ang puso ko ng bongga. I wish I can see him like this everyday.

"Cute," he said.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunwari naiinis kong tanong upang ma-divert ang attention niya sa nag-iinit kong pisngi.

Tinaas niya ang hawak niyang kit. Ah right, siya na rin pala ang naging nurse ko. Siya ang tagalinis ng sugat ko sa tagiliran at noo, tagapalit ng gasa at tagalagay ng kung anong gamot. I can do it on my own but he doesn't let me. Hinayaan ko nalang kasi hindi rin naman ako mananalo sa kanya. Hays.

Hinayaan ko nalang siyang gamutin ang sugat ko sa tagiliran habang ako naman ay nag-iisip kong paano ko ba siya mapapayag na mag-exercise man lang ako kahit saglit or kahit lumabas man lang sa bahay o pumunta sa kompanya ko na medyo matagal ko na ring hindi nadadalaw dahil sa sunod sunod na mga misyon namin dati.

"What are you thinking?" He asked, napayuko ako na siya namang ikinabigla ko dahil naka-look up ito sa akin. Our faces are just few inches apart. Napatitig lang ako sa mga bughaw niyang mga mata, nalulunod ako dahil dito. And a naughty idea came into my mind. I'm just wishing that this one will work para payagan niya ako sa kung ano mang gusto kong gawin.

I pulled his nape and kiss him afterwards. Naramdaman ko naman na nabigla siya sa ginawa ko, he was shocked by my sudden action pero 'di kalaunan ay ikinangisi niya ito sa labi ko.

This time ako naman ang nabigla sa ginawa niyang pagtugon sa halik ko. A passionate then torrid one. At sa pagkakataong ito, hindi ko mautusan ang sarili kong humiwalay sa halik niya. This is so intoxicating that my mind refused to stop on what we're doing right now.

The kiss deepend. Hindi ko namalayan na nasa batok niya na ang mga kamay ko and his hand was on the side of my neck while the other one is caressing my waist. Shit.

Mafia Boss 1: Saved By Him Where stories live. Discover now