Chapter 1: Weird

927 21 2
                                    

*RIINNNNNNNNGG* *RIINGGGGGGG* Sino naman to'ng tumatawag? Ang aga pa ah. Psh! Nakakainis to, 3am nang umaga tapos tatawag? Mapapatay ko talaga to.

*RIINNNNNNGG* Wala akong magawa kundi sagutin nalang.

"Hello! Sino to?"

"........" sa kabilang linya

"Huy. Pinagloloko mo ba ako?"

*toot. toot. toot" ay bwesit! Binabaan lang ako. =3= Sino kaya yun. Ang wierd kase eh, medyo may naririnig kase akong mga kung anong tunog nong hindi pa nya binaba.

*BLAAAAAG!* (sound effects po ng bagay na sumabog) Ano na naman yun? Creepy.

Dahil sa curious ako, tumayo ako sa kama at sinundan kung saan nanggagaling ang pagsabog. Hanggang sa nakarating ako sa likod ng bahay namin.

O______________O ano yun? Nakakasilaw. May umiilaw kase na bagay tapos................. PANGYAYARI ? Mga nag-iiyakan, mga naglalaban, at bangkay. Nakakatakot.

Babalik na sana ako sa kwarto ko dahil sa natakot na talaga ako nang biglang may nagsalita, "Iha, ikaw ang itinakdang magliligtas sa amin."  ha? Ano raw? May isang maliit na box na napunta dito sa harap ko.

"Ha? Sino ka? At bakit Ako?"

May nakita akong isang nagpapatayan, nakakatakot dahil..... pamilya ko mismo ang pinatay.

O___O "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" nagising ako. Hingal na hingal. Linibot ko ang tingin ko at nakakapagtaka dahil na sa kwarto ko lang ako. Isa lang pala yung panaginip? Pero parang totoo ah. Aysh! Makaligo na nga lang.

Pagkatapos kung maligo, magbihis at mag-ayos, bumaba na ako para kumain.

"Good Morning ma'am" bati ng katulong namin. Nginitian ko lang sya at dumeritso na sa Dining room. Hindi parin nawawala sa isip ko yung napanaginipan ko kagabi.

"Uhhm, manang?" sa lahat ng katulong namin, si Manang ang pinaka close ko at para ko narin syang Nanay dahil sya ang nag-aalaga sakin. Palagi kaseng wala ang mga magulang ko. Ewan ko ba kung bakit ang busy-busy nila.

"Oh. Yssa"-manang

"Matanong ko lang po, does immortal people really exist?" well, matalino yan si manang eh. Andaming alam nyan. Nang tinignan ko si manang, parang nagulat sya sa tanong ko pero agad naman itong nabawi.

"Bakit mo naman yan natanong Yssa?"

"Wala lang po. Hehe! Ay alis napo ako manang. Maaga po kase klase ko ngayon" sabi ko at tumayo na para umalis.

'Mabuti naman at nagsisimula na silang magparamdam kay Yssa. Sana magampanan nya ang tungkulin nya. Sana..' -sa isip ni Manang.

**************

Hi :) I'm Yssa Jea Whitesky. Young not Wild but Free. Di ako masyadong mahilig makipagkaibigan kase di ko kase sila feel eh. Alam nyo yun? Pero kahit ganon I still have friends, TRUE FRIENDS. Yung nga lang, dalawa lang sila.

*KRIINGGGGGG* Ay nag bell na pala. Absent yung dalang bruha -_- Wala na naman akong kasama. Tsk! Makapunta nga muna sa locker.

Pagbukas ko sa locker ko may nahulog na sulat. "Iha, ikaw ang magliligtas sa amin, sa ating lahi" yan yung nakasulat at isang maliit na BOX? Te.....ka! Ito yung nasa panaginip ko ah. Ay ang tanong, PANAGINIP NGA BA?

Kinuha ko yung box at niyugyog baka kase may laman. Pero parang wala naman. Ano kayang ibig sabihin ng sulat na ito?

Umalis na ako at dinala ang box pati narin yung sulat.

---

*Sa bahay*

Nandito ako sa kwarto ko ngayon, habang pa ulit-ulit na binabasa ang sulat. Naguguluhan parin ako. Ano ba talaga ang ibig-sabihin nito? At kanino ito galing.

Andaming tanong sa isip ko na di ko masagot.

*tok. tok*

"pasok" sabi ko.

"Ay. salamat po" dinalhan kase ako ni manang ng makakain.

" Alam kong naguguluhan ka pa Yssa pero dadating din yung panahon na matutuklasan mo lahat at mahahanap mo na ang mga kasagutan ng iyong mga tanong" sabi ni manang bago umalis.

Alam ni manang? Paano? Ang weird ah.

"Anak?"  boses ni mommy.

"Mommy. Buti naman at naisipan nyong umuwi. Hehe"

"Sorry anak, busy kase ako eh. Pero babawi ako sayo promise."

"Hay nako! Ok lang po ma."

"Malapit na anak :) Alam kong magulo, pero magiging malinaw rin ito sayo sa takdang panahon. Sana magampanan mo ng mabuti iyon. Lage mo itong tandaan, nandito lang kami sa tabi mo....." pagkatapos sabihin ni mommy yun ay ki-niss nya ako sa cheeks at nginitian bago umalis.

HA? Ano na naman yun? Bakit ba ang weird nang mga tao ngayon? Dahil sa napaka daming tanong na nasa isip ko pero di ko naman ito masagot, di ko namalayan na nakatulog na ako.

*3am*

Ano yun? nakakasilaw. Minulat ko ang mga mata ko para makita kung saan nanggagaling ang ilaw. Medyo nagtataka ako kase galing sa bag ko yung ilaw. Kinuha ko yung bag ko at binuksan.

Ang box! So dito pala nanggagaling ang ilaw. Ano nanaman ba to? Bigla nalang bumukas ang box at may libro, at wand na nakalagay. Eh wala naman tong laman noon ah?

Kinuha ko yung libro at tiningnan kung ano ang mga nakasulat, pero maski isang letra ay WALA -_- Sunod na kinuha ko yung wand. Ano to? Laruan? Impossible naman kung may kapangyarihan to no eh sa TV lang naman yun nagaganap.

Akala ko yun lang yung laman ng box pero may isang kwentas akung nakita. Ang gandaaaa *Q* Ngayon lang ako nakakita ng ganito ah! Kinuha ko yung kwentas at isinuot.

Pagkatapos non ay bumalik na ako sa pagtulog ko.

*KRIIINGGGGG* *KRIIINGGGGGG* (Alarm clock)

"Good Morning Earth ^_^" ang ganda ng gising ko no? Dahil lang naman sa kwentas. Ang ganda talage eh. Heart shaped sya tapos kumikintab kahit hindi nasisinagan ng araw. Basta ang ganda talaga.

Pumunta na ako ng banyo para maligo. Pagkapasok ko ay O______________O ang MATA kooooooo O____________________________________O

Anyaree? Gulat na gulat akong nakatitig sa mga mata ko. May salamin kase dito sa banyo ko.

Noong makabawi na ako sa gulat, doon ko lang napansin na bumagay pala din saakin ang mata ko. Ganito kase ang nangyari. Ang mga mata ko ay kulay brown lang talaga! Inborn nasakin yun. Pero ngayon, naging SKY BLUE at may maliliit na area sa mata ko ay kulay GOLD.

Naligo muna ako. Pagkatapos nag-ayos. Magsusuot nalang ako ng contacts na brown para di nila mahalata yung pagbabago sa mata ko.

~

Natapos ang araw nato ng puno ng gulat. Kada araw na lumilipas, dumadami ang mga tanong sa isip ko. Sa dami nito, walang tanong maski isa ang nasasagot ko pa.

--------------------

VOTE. COMMENT kung naguguluhan kayo. Hehe! Paki share narin po ^_^

Facing DeathWhere stories live. Discover now