Chapter 24: He's back

245 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

'Sana magtagumpay ang mga Good Wizard at maibalik nila si Yssa sa liwanag.'

"Natulungan ko na yung isa, sana magtagumpay sila" mahinang sambit ng magandang babae sa sarili na nasa isang kulungan. "Good Luck Zac! Sana kayanin mo."

Pagkatapos niyabg sabihin yun, bigla siyang naglaho.

Zac's POV

Gulong-gulo parin ako sa nagyayari.

Sumasakit yung ulo ko sa kaiisip.

Kambal ? Ni Yssa ?

Aish! Mamaya na yan. Kailangan ko ng makapunta sa academy.

Salamat sa kambal ni Yssa kanina, bumalik na talaga yung lakas ko. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Hayy! Yssa.

Ryan's POV

Nandito ako sa kwarto ko ngayon.

Laking gulat ko ng may biglang lumitaw na napakagandang babae.

"Magsihanda kayo. Ngayon ang simula ng pag-atake nila" mahinahon nitong sambit.

"T-teka! Sino ka? at sinong aatake?"

*POOOK*

Aray! Ang ganda na sana eh, kaso nambabatok T____T

"Sino pa ba? Edi ang mga Dark Wizards. Na sakanila si Yssa, siya ang susi nyo para manalo sa labanan na ito. Alam kong handa na kayo pero hindi sapat yun para matalo siya kung sakaling magiging kalaban niyo sya." mahabang paliwanag niya.

Napaisip ako sa mga sinabi niya habang nakatitig sa sahig.

"An-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng napansin kong wala na ito.

Ang gulo.

Alexis' POV

Kanina pa ako nahihilo dito kay Sam. Kanina pa kase to lakad-balik-lakad-balik sa harapan ko habang nag-iisip at nagsasalita mag-isa -_-

Aakmang tatayo na sana ako pero may biglang lumitaw na dyosa. Chos haha!

Ang haba ng buhok niya at parang pinarebond ng 10x. XD

"Wow! Haba ng hair ah? Anong shampoo mo?" Kinausap ko ito dahil hindi naman nagsalita si Sam sa tabi ko.

"A-ahh! A-araaaay" sigaw ko.

Eh kinurot kase ni Sam yung tenga ko T_T
Handsome abuse tong ginagawa niya.

"Tumahimik ka nga!"

"Maghanda na kayo dahil ngayon sila magsisimula sa pag-atake. Kayanin nyo at sikapin na manalo." pagkatapos niyang sabihin yun ay naglaho na siya.

"Anong ibig sabihin nun?" bigla akong napaseryoso dahil sa sinabi nito.

"Digmaan" wala sa sariling sambit ni Sam.

Digmaan.....

Digmaan.....

Digmaan.....

Digmaan. SH*T! Oo nga pala. Wala parin samin si Yssa at Zac.

Lucas' POV

Nandito ako sa tambayan ngayon kasama sina Nicolas, Ully, Troy & Roy.

Tahimik lang kami nang may biglang lumitaw.

"Babalik na siya ngayon. Maghanda na rin kayo dahil ngayon sila mag-uumpisang umatake"

Naguguluhan kami sa sinabi niya.

Hindi pa kami nakapagsalita ng bigla nalang itong naglaho.

Babalik ? Sino ? Aatake sila? Sino ?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang bumukas ng malakas ang pinto.

"ZAC?"

Si ZAC.....

Facing DeathWhere stories live. Discover now