Chapter 3: Lich University

537 11 0
                                    

Chapter 3: Lich University

-

Yssa's POV

Na sakin parin ang wallet nung lalaking yun. Wala namang perang laman eh. Card lang! Ang weird nga ng card na ito. Kakaiba

Hmm, eh wala din namang ID o contact # nya na nakalagay dito so hindi ko sya matatawagan para isuli na sana to. Tanging picture lang ang nandito.

Zac's POV

I'm Nicolas Zac Belsight. Type A.

Well di ko talaga hilig magpakilala lalo na ngayon dahil nawawala yung wallet ko. Nandun kase yung card ko.

San na ba kase yun? -_- Argh!

Sana hindi nalang ako pumunta sa mundo ng mga tao. Ayun tuloy. Badtrip! Mqlas ko ngayong araw ah!

Una yung babaeng nakabangga ko. Ang sungit. Akala mo naman maganda, hmm sige pagbigyan. Pero nakakainis talaga yun.

Pangalawa, yung wallet ko naman nawawala. Psh! Buhay nga naman.

"Oy Zac. Nakakunot ka dyan? Bakit?" Si Alexis kaibigan ko. Type A rin.

"Psh." Yun lang ang sinabi ko. Walang kwentang kausap yan eh.

"Hahaha alam mo, napakainitin ng ulo mo. Babae ba yan?" Sabi pa nya

"Ang ingay mo." sabay walkout.

Yssa's POV

Uuwi daw parents ko ngayon sabi ni Manang. Himala ata. Haha.

Narinig ko na ang pag busina ng sasakyan. Sila mommy na ata yun.

"Hi baby girl. We miss you" sabi ni daddy. Sinalubong ko kase sila.

"Buti naman at naisipan nyo umuwi. Haha miss ko na rin kayo daddy"

"Hm, anak. May sasabihin kami sayo" sabi ni mommy. Nagkatinginan sila ni daddy pagkasabi nya nun

"Ah sige po. Tara sa sofa"

"Ano po yun ma?"

"Ililipat kana namin ng school." Ah ililipat lang pal-............ HA? ano raw?

"Ha? Bakit po?" sabi ko

"Basta. Sa bagong school na lilipatan mo, dun ka talaga nararapat."

"Eh pare-pareho lang naman lahat ng paaralan diba ?"

"Mag impake ka na"

"Eh maaaa! Pa! Bakit pa ako lilipat?"

"Please anak"

"Sige po"

*at Lich University*

"We're here" phew! after 12345678987456 years, nakarating din kami. Ang layo dito ah tapos walang mga kabahay-bahay yung dinaanan namin.

O_O Woah! Ang laki. X10 ang laki ng dati kong University dito. Grabe ang lawak. parang castle lang.

Papunta kami ngayon sa Headmaster's office para iparegister ako sa school dito.

"Good Morning Mr. & Mrs. Whitesky" bati samin ng headmaster. Nakarating na kase kami sa office nya.

"Good Morning Sr.Friss"

"So sya ba yung nag iisa nyong anak?"

"Ah yes sir. :)" sabi ni mommy

"Sige" Tinawag na nung headmaster ang secretary nya at dinala na ako sa dorm ko.

"Thank you po" sabi ko sa secretary. Nginitian lang nya ako.

Infairness, ang laki ng dorm ko! Haha. Hmm, makapaglibot-libot nga muna sa campus.

Nakarating ako dito sa likod ata ng campus. Ang ganda dito. Hindi ko pa masyadong nalibot ang buong skwelahan, ang laki kaya. Aabutin ako ng 3 araw pag nilibot ko lahat.

Nasa ilalim ako ng puno ngayon, napaka peaceful ng paligigd. ^.^

*Tugsh*

"ARAAY!!" Napasigaw ako. Ang sakit T_T Imagine isang libro mahuhulog sa ulo mo. Sino naman may gawa nun?

Pagtingin ko sa taas may natutulog. Te-kaaaa! Kilala ko to ah! Hmm, SYA NGA!

"Huy lalaki. Sino ka para hagisan ako sa ulo ng libro? Ha ?"

Napamulat naman sya. Sus ang arte! "Ang ingay mo kita mong may natutulog eh"

Aba! "Tse. Ikaw na nga tong nakasakit ng tao, ikaw pa may ganang magalit?"

Umalis na ako bago ko pa masapak yung lalaking yun.

'What a small world. Hay. May ka Tom and Jerry na naman ako' sa isip ko.

---

Next Chapter: Yssa's power

Facing DeathWhere stories live. Discover now