Chapter 13: Aly and Red (Yssa & Zac)

434 7 0
                                    

Yssa's POV

May training na naman kami ngayon ni Zac.

8:16 na. Haha bahala sya.

Sinadya ko talagang mag pa late.

Pagdating ko sa Training Room ay nandon na siya at ang samang sama ng tingin sa akin. As usual!

"You're late"

"I know" kalmadong sabi ko

"Are you insulting me?" tanong nya

"No, I'm not. Sadyang mainitin ka lang talaga ng ulo. haha" akala mo ha

"Pinagloloko mo ba ako?"

"Hindi. Namiss lang kita" seryosong sabi ko.

"Tch. Sabi na eh. May gusto ka sakin" naka smirk nyang sabi

"Oo. Matagal na to. Thousand years ago"

Natigilan naman sya at napatingin sa akin. Iba na ang ayos ko ngayon. Tulad na tulad na ng dati.

"Hindi mo pa ba rin naaalala Red?" tanong ko

"Anong pinagsasabi mo?" alam kong naaalala na nya pero ayaw nya lang aminin dahil baka pinaglalaruan ko lang sya.

Linapitan ko siya at mabilis pa sa alas kwatro niyakap ko sya.

*DUG*DUG*DUG*

Napangiti ako dahil hindi parin nagbabago yung nararamdaman ko. Ganun rin sya

"Aly" bulong nya

"Oo. Ako to Red" nakangiti kong sabi

"Ang sungit mo na ngayon ah!" sabi ko sakanya

Napatawa naman sya ng mahina.

"Akala ko kase hindi ka na babalik" sabi nya

May pangako kase kami sa isa't isa noon.

"Yung ibang Type A ba nakaalala narin?" tanong ko sakanya

"Oo. May ibang type A rin na hindi nag exist noon"

"I see" :)

"I miss you so much" sabi niya

"Mas namiss kita no" sabi ko naman "Hmm Red, wala muna tayong pagsasabihan nito ha!"

"Oo alam ko" seryoso na siya ngayon

"Good. Maghahanda tayo ng mabuti"

"Sige"

"Magaling kapa rin naman diba?" sabi niya

"Oo naman. Ako pa" pag mamayabang ko

"Yabang parin"

"Inggit ka lang :P"

"Pangako. Mananalo tayo sa laban na ito ngayon. Papakasalan pa kita. TANDAAN MO YAN"

Namula naman ako sa sinabi nya.

"Hahahahaha para kang kamatis hahaha" tawa sya ng tawa "Lakas parin ng impact ko sayo no" sabi niya

"Hindi na kaya"

"Bakit? Sinong pumalit?" bigla syang sumeryoso

"Si ZAC" Hahaha

"Zac?"

"Oo si Zac"

"Sino yu- Ay pota! Ako yun diba? Diba ?" ang slow parin -_-

"Slow -_- Hahahahahaha" ako naman ang tumatawa ngayon

Sa kalagitnaan ng pagtatawa ko bigla nya akong binuhat.

"HUY RED! ANO BA. IBABA MO AKO"

"Ayaw"

"PAG HINDI MO AKO IBABABA-" hindi nya ako pinatapos

"Ano? Anong gagawin mo?"

"HINDI KITA PAPANSININ NG 1 BUWAN"

"Kaya mo?"

"Oo naman" lie.

O_O binaba nya ako. Ayos! Bumenta. Hahaha

Pero ba't ang lungkot ng mukha nya?

"Huy. Anyare sayo?"

"Ang dami na nga talagang nagbago. Akalain mo yun, ok na ok lang sayo na hindi mo ko papansinin ng isang buwan ?" napangiti siya ng mapait

Sineryoso niya?

"Huy Red. Ang oa mo -_- Syempre hindi ko kaya yun. Nasabi ko lang yun dahil ayaw mo akong ibaba -_-

"Hindi ako naniniwala"

"Yun nga sabi yung totoo eh"

"Ayaw parin"

Ang tigas! Gosh

"Ok sige. Paano ba kita mapapaniwala ha?"

"Kiss me" sabi niya nang naka ngiti na. Ang gulo nito

Tinignan ko lang sya na nakakunot ang kilay

"Ayaw mo. Sabi na eh" napalitan ng lungkot ang nakangiting mukha nya kanina

"Sige. alis muna ako" aakmang tatalikod na sana sya pero hinila ko yung braso nya at hinalikan sya.

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo palabas ng training room.

Nakatulala parin sya. Haha

"Haha. Lakas parin ng tama mo sakin no :P" tumakbo na ako dahil sa hiya. Kyaaaah!

I do still love him. Walang nagbago.

-----

Yan lang munaa :)

Facing DeathOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz