Chapter 7: Flat

509 11 0
                                    

Yssa's POV

Dahan-dahan kong binuksan yung mata ko dahil sa sinag ng araw. *blink*

Puro puti. Te-ka! Hindi ito yung kwarto ko ah.

"Ay. Gising ka na pala" sabi ng isang nurse. Dun ko lang napansin na nasa Hospital ako ng Academy.

"Ah oo. Ano nga po pala ang nangyari ? bakit ako nandito ?"

"Bigla ka nalang po nahimatay nong huling attack nyo may Mr.Villaz kaya dinala ka rito" sabi nya.

"Attack ?"

"Opo mam. Yun po kasi sabi ng Headmaster. Sige aalis na ako" ngumiti siya at nagpaalam.

Ahhhh! Yung duel pala yung sinasabi nya. Pero di ko matandaan na umatake ako.

Pinagloloko lang kaya ako ng nurse na yun ? Aish!

*Tok* *Tok*

"Pasok"

Pagkabukas ng pinto, iniluwa non ang Headmaster ng Academy. Wow sosyal! At talagang ang Headmaster ang bumisita sakin. Haha

"Kamusta na ang pakaramdaman mo iha ?"biglang tanong nya.

"Ah ok lang po"

"May sasabihin lang ako sayo"

"Ano po yun?"

"Tungkol ito sa nangyaring duel kahapon. Ang kapangyarihang taglay mo ay hindi basta-bastang power lang"sabi ng Headmaster.

"Talaga ?! Eh anong nangyari? I mean, paano? Wala po akong maalala na gumamit ng kapangyarihan" tutol ko.

Napailing si Headmaster. "I think this is not the right day for you to know. Pero iha, sana matuklasan mo na ang iyong kapangyarihan at magamit ito ng ikaw talaga ang nagco-control."

"Eh ?" nalilito ako.

Napatawa ng mahina si Headmaster. "Totoo nga. Haha kahit may malakas kang taglay na kapangyarihan, hindi parin maiiwasan ang pagka slow mo" Aba matinde. Kung hindi lang sana ang Headmaster ng academy ang kausap ko ngayon baka nasapak ko na to. Ano daw? Slow ako ?

"Sige iha, mauna na ako" tumayo na si Headmaster at umalis.

........

........

Kinabukasan

Hay! buti at nakalabas na ako ng hospital at pwede ng pumasok ulit.

Nasa kalagitnaan ako ng hallway ng may biglang humila sa akin at binuhat na parang hindi tao. Yung ulo ko nasa likod ng bumuhat sakin, samantalang ang paa ko naman nasa harapan nya. Yung paraan na maglalagay ka ng towel sa balikat mo? Ganon ang pagkabuhat sakin. -_-

"Huy! ano ba. bitiwan mo nga ako" sabay palo sa likod ng lalaki.

"Ano baaaaa! sabi ng bitiwan mo ako eh" pinagtitignan na kami ng mga studyante.

"Shut up." sabi nito. Ang kapal nito ah!

"Sino kaba haa? may pa shut-up shut-up kapang nalalaman dyan. BITIWAN MO AKO!"

*BOOOGSH* nahulog ako sa damuhan. Nasa likod pala kami ng building =_=

"Araaaaay! Bakit mo ako binitawan ?" ang sakit promise!

"Sabi mo bitawan kita eh. Kaya ayan"

"Argggggh! BWISIT KA."

"Tumahimik ka nga. Kababaeng tao, ang ingay!" sabi niya. Ay pota! ito pala yung lalaking nakabangga ko sa mall eh at yung naghagis ng libro sa ulo ko.

"Ikaw na naman? Ano ba talagang problema mo ha?" hmm, *TIIING* may bigla akong naalala. Baka naman yung wallet. Tamaaa! Kinuha ko yung bag ko at kinuha roon ang wallet.

"Oh ayan, nahulog dun sa mall. Sa mundo ng mga normal na tao" sabi ko sabay abot sa wallet nya.

Agad nya itong kinuha at tinignan ang alam.

"Hindi ako magnanakaw no. Walang nawawala dyan." sabay irap pagkatapos kung sabihin yun

"Buti naman at naisipan mo pang isuli to" sabi nya ng may nakakalokong ngiti

"Huy! FYI hindi ako ganyang klaseng tao. Walang utang na loob. Chee!" aalis na sana ako ng may naalala "Hmm, kaya siguro dinala mo ako rito para masolo no? Aminin. may gusto ka sakin no? Hahaha" sabi ko sabay pindot pindot ng bewang nya

"You're not my type" sabi nya sabi head to toe sakin "Flat. Hahahaha!"

Anong Fla-! Huli na ng mag sink in sa utak ko yung ibig nyang sabihin.

"KYAAAAAH! MANYAK. PERVERT. PANGIT" sabi ko tapos tunakbo na

"HAHAHAHAHA FLAAAAAT" sigaw pa nya habang tumatawa. Marunong palang tumawa yun. Urgh! Nakakainis parin sya T_T Di naman ako flat ah.

Flat. Hahahaha!

Flat. Hahahaha!

Flat. Hahahaha!

Flat. Hahahaha!

Paulit ulit parin yan sa utak ko. Hanggang ngayon hindi parin nawawala yung inis ko sa lalaking yun. Ang manyak non.

Humanda sya sakin.

*Evil Grin*

---

Sorry for the late update :)

Comment kung may gusto kayong i suggest.

VOTE & SHARE this to your friends please :) Thanks :*

Facing DeathWhere stories live. Discover now