Chapter 28: Devil Lirro

247 3 0
                                    

Yssa's POV

Parang nanlumo ako sa sinabi sakin ni Selene.

"A-anong i-ibig mong s-sabihin?" nauutal kong tanong.

Natatakot akong malaman kung ano na ang nangyari sa pamilya ko.

"Pasensya na! Naging kanang kamay ako sa namumuno ng Dark Wizards. Kaya ko lang naman yun nagawa dahil para ito sa kaligtasan ng mga magulang mo" sambit ni Selene na nakayuko. Halata ang lungkot sa boses niya.

"Gaano ka na katagal nagtatrabaho sa kanila?"

"Mag iisang taon na din. Noon, akala ko na hindi gagalawin ni Lirro ang mga magulang mo. Akala ko tutupad siya sa usapan.... pero nagkamali ako"

Lirro ? Parang pamilyar sakin ang pangalan na yan ah.

"Sana mapatawad nyo ako sa ginawa ko, lalo na sayo Yssa." -Selene

Naiiyak na ako dito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Na'kay Lirro ngayon ang mga magulang mo Yssa, pati narin ang napakalapit mong Manang" sabi sakin ni Selene.

Si manang ? Bakit siya nasali dito. Tao si manang at inosente siya kaya hindi to maaari.

"Si m-manang? P-paano--" hindi ako pinatapos ni Selene at nagsalita ulit.

"Hindi siya normal Yssa. Katulad din siya sa'tin"

"Katulad din siya sa'tin...."

Katulad din siya sa'tin...."

Katulad din siya sa'tin...."

Katulad din siya sa'tin...."

Ibig sabihin, isang Immortal si Manang

***

Selene's POV

Tulala lang si Yssa nang sinabi ko yun. Halata sa mukha niya na gulong-gulo na ito, ganun rin ang iba naming kasama.

Natigil na ang digmaan dahil ubos na ang mga pinadalang kawal ng Dark Wizards, samantalang sa Good Wizards naman ay may kakaunti pang natitira.

I felt guilt sa mga nagawa ko.

"Bibigyan kita ng oras Yssa para linawin ang lahat, pero kailangan ka ng iyong mga magulang ngayon" tanging sambit ko bago tuluyang umalis.

Aakmang aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita...

"Selene" lumingin ako sakanya. "Salamat" tugon niya sakin na may ngiti sa mga labi. Ngiting may lungkot at saya.

Halo-halong emosyon.

"Patawad Yssa, sa inyo" tinignan ko sila isa-isa habang sinasabi yun.

Tumango lang sila.

Pupuntahan ko nalang ang kinaroroonan nila Lirro. Tutulungan ko sila Yssa.

Nang makarating na ako dito, nagtago muna ako.

Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil maisip si Lirro.

Ang plano ko ngayon ay tulungang makalaya sila Tita at Tito. Pati narin ang manang ni Yssa.

Dahan dahan ako naglalakas patungo sa kung saan sila kinulong.

Nagtatago lang ako habang naglalakad.

Nakarating narin ako sa kwarto kung saan kinulong ni Lirro sila Tita at Tito. Naging malapit rin sila sakin kaya tinawag ko na silang tito at tita.

Mukhang kakatapos lang nilang mag-usap.

Humahanap lang ako ng tiyempo para tulunga sila sa pagtanggal ng nakagapos sa mga kamay nila.

Sakto naman pagsilip ko, umalis si Lirro kaya ginawa ko na ang plano ko.

"S-selene" sambit ni Tita.

"Sshhhh! Wag po kayong maingay tita." tanging sambit ko at hindi na kumibo.

Nahirapan ako sa pagtanggal ng nakagapos sakanila. Gawa ito ni Lirro kaya napakatibay nito.

Nakakagamit ako ng kapangyarihan sa palasyo ng Dark Wizard dahil isa rin ako sakanila. Pero ngayon, kumaliwa na ako.

Patuloy parin ako sa pagtanggal pero laking gulat ko ng biglang nagsalita si Lirro.

"Sabi ko na at tatraydorin mo rin ako" then he devilishly smile.

Nakakakilabot ang mga ngiti niya.

Kinakabahan na ako sa kung ano ang pwedeng mangyari.

"Magsisisi ka sa ginawa mo, Selene" sambit nito at inatake ako ng kanyang itim na kapangyarihan.

"Aahhhhhh!" sigaw ko ng namimilipit sa sakit.

"Yan kase. Dapat kinilala mo muna kung sino ang kinakalaban mo. HAHAHAHAHAHA" parang baliw ito nung tumawa.

Napakasakit parin ng katawan ko na anytime susuko na ang paghinga ko.

Nakapikit lang ako ngayon habang nakahiga sa sahig.

Hindi ko kayang tumayo.

"Ano bang kasalanan namin sayo LIRRO!" rinig ko galit na sigaw ni Tito.

"LIRRO! MAGHUNOS DILI KA" sigaw naman ni manang.

Naririnig ko na rin ang mga hikbi ni tita.

"HAHAHAHA. Kasalanan nyo? Hmm, simple lang naman. Yung kalimutan niya na ako. Kinalimutan mo na may kapatid ka Zeus. Napakarami ng pagsubok ang dinanas ko para mabuhay, tapos ikaw? Mag hari-harian sa palasyo ? Hahahaha. Hindi naman pwede yun."

Ano ba tong sinasabi ni Lirro.

"A-nong ibig mong sabihin?" -Tito

"Wag ka ng magmaang-maangan pa kapatid. Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan noon para magalit sakin ang papa at palayasin ako" galit na sambit ni Lirro.

"HINDI KO YUN GINAWA" sigaw naman ni Tito

"Talaga? Hahahahaha. Ngayon ako na ang maghahari sa mundong ito. Hahahahaha" natatawang sigaw ni Lirro

"Baliw ka na, Lirro" mangiyak ngiyak na sambit ni Tita.

"Sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin at....

magpaalam na. Hahahaha"

***

THIRD PERSON'S POV

Kasalukuyang nakatayo parin si Yssa at pilit na iniisip lahat ng sinabi ni Selene.

Tulala lang ito at gulong-gulo sa nangyayari.

Kasama ng dalaga ang ilan sa Class A na sina Ryan, Ully, Alexis, Sam at Zac.

"Yssa, kailangan na natin puntahan ang pamilya mo" sambit ni Zac sa dalaga.

Tila walang narinig ang dalaga at tulala lang ito.

"YSSA!" sigaw ni Sam. "ANG PAMILYA MO"

Pagkarinig ng dalaga sa sigaw na yun, bigla itong natauhan.

"A-ang pamilya k-ko. A-ano'ng nangyari s-sa ka-kanila?" naiiyak na tanong ni Yssa

"Kailangan na natin silang puntahan Yssa" mahinahong sabi ni Zac habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Yssa.

Marahan tumango si Yssa at nakabalik na sa katinoan.

Agad nitong pinalabas ang kanyang dragon ganun din ang ibang kasamahan at nagtungo sa palasyo ng Dark Wizards.

Habang papunta na sila sa palasyo ng Dark Wizards, isa lang ang nasa isip nito, ang.....

Sana hindi pa huli ang lahat...

----

Si Alyssa Cae Whisky (Yssa) yung nasa media :)

VOTE ANYTIME.

Facing DeathWhere stories live. Discover now