Chapter 23: Her Twin

266 4 0
                                    

Ryan's POV

Two days passed nung mapansin namin na nawawala ang dalawa naming kaibigan.

We're also getting ready sa magaganap na war ngayong papalapit na mga araw.

Ewan ko, pero natatakot ako para sa mga Good Wizards.

Wala sa'min si Yssa at Zac. Maaaring nasa teritoryo talaga sila ng Dark Wizards at gagamitin nila ang dalawa naming kaibigan para matalo kami.

Hindi na namin alam kung ano ang gagawin.

Handa na ang mga estudyante dahil pinagtrain na namin sila noon pa.

Sana manalo kami, sana........

Zac's POV

Hinang-hina na ako.

Hanggang ngayon, nakakulong parin ako.

Bigla may nagbukas ng selda at inabutan ako ng pagkain.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan kong sino ang nagdala nun.

"Y-yssa?" Gulat na gulat kong sabi. Hindi narin ako makasigaw dahil hinang hina na talaga ako.

"Do I know you?" walang emosyon nitong tanong. May nag iba sakanya.

"Anong ginawa nila sayo? sabihin mo" aakmang lalapitan ko na sana siya ng bigla syang lumayo.

"Pwede ba! Hindi kita kilala." Parang tinutusok tusok yung puso ko ng sinabi niya yun.

"AKO TO! SI ZAC"

Nagtitigan muna kami, bago siya umalis.

"Aaaaaaahh!" sigaw ko dahil sa galit. Parang maiiyak na ako dito. Nakakabakla pero hindi ko na talaga kaya eh.

Yssa's POV

"AKO TO! SI ZAC"

"AKO TO! SI ZAC"

"ZAC"

"ZAC"

"ZAC"

Paulit-ulit yan sa isipan ko. Parang napaka pamilyar niya sakin.

Nung nakita ko siyang nakakulong dun, parang kumurot yung puso ko.

Ay ewan!

Ngayong gabi na namin sisimulan ang atake.

THIRD PERSON'S POV

Gabi na't nasa kulungan parin si Zac nang napansin nyang medyo bukas yung kulungan niya.

Linapitan niya ito at nagulat siyang nakabukas.

"Paano?" Mahinang sambit nito sa sarili.

'Baka nakalimutan to ni Yssa kanina?' sabi niya sa isip niya.

Hindi na siya nagdalawang isip na tumakas kahit medyo mahina pa siya. Narinig niya rin kase kanina ang mga kawal na aatake sila ngayon sa Lich Academy.

Patuloy parin siya sa pagtakbo-tago-takbo-tago.

Hingal na hingal na ito pero hindi parin siya nakakalabas sa palasyo ng Dark Wizards.

Hindi niya rin kabisado ang lugar na to dahil sa dilim at ngayon lang siya nakapunta dito.

Takbo lang siya ng takbo hanggang sa makarating siya sa isang kwarto na may isang babae.

Namangha siya sa ganda nito.

"Kinulong ka rin ba nila dito?" hingal na hingal na sambit ni Zac.

"Oo. Umalis ka na, bago ka pa makita ng mga kawal"

"Itatakas narin kita"

"Hindi. Hindi pwede"

Naguluhan si Zac dahil sa sinabi ng babae.

"Sa oras na makalabas ako dito, malalaman ng Reyna ng mga Dark Wizard."

"Paano mo-"

"Alam ko" mahinahong sambit nito. "Kaya umalis kana at kunin mo na rin ito at inumin, para bumalik ang lakas no :)"

Mas naguluhan si Zac sa inaasal nito.

"Wag ka ng mag-isip dahil hindi mo rin maiintindihan.

Sana maibalik mo sa Good Wizard ang aking kambal.......

Si Yssa"

Facing DeathWhere stories live. Discover now