Chapter 30: Amnesia ?

233 4 2
                                    

Yssa's POV

Nagising ako sa isang kwarto. Puti lahat ito.

"Gising kana pala" sabi ng isang lalaki. Sino siya?

"Yssa anak, kumusta ang pakiramdam mo?" Anak? Sino naman siya?

Linapitan nila ako. Sa bilang ko mga anim silang nandidito. Hmm, dalawang mag-asawa at kasing edad ko yung apat.

"Bakit hindi siya nagsasalita?" sabi ng isang lalaki. May itsura ito at bakas sa pagmumukha ang pag-alala.

"S-sino ba kayo?" tanging nabigkas ko.

Nagulat naman sila nang sabihin ko yun.

"Hindi yan magandang biro, Yssa" sabi ng isang babae na sa tingin ko ay dalawang taon ang tanda sakin.

"H-hindi ako nagbibiro at hindi ko talaga kayo kilala."

"Bigyan muna natin siya ng oras makapagpahinga" sabi ng lalaki. May itsura rin ito.

Nagtanguan lang sila at sabay-sabay na lumabas pero nagpaiwan naman yung lalaking medyo magulo ang buhok.

"Talaga bang hindi mo ako kilala?"

"Hindi." sagot ko. Totoo naman kase.

Napamura naman ito.

Umalis nalang ito at pabagsak na sinara ang pinto.

****

THIRD PERSON'S POV

Nasa sala ang lahat ng Class A Type at magulang ni Yssa. Kasama narin ang matalik na kaibigan nito na sina  Alice at Ella na ngayon lang nagpakita muli.

"Ano na naman kaya ang nangyari kay Yssa! Jusko" Maluha-luhang sambit ni Herra.

Napabuntong hininga naman si Zac.

"Bigyan muna natin siya ng panahon. Baka dala lang yun ng mga nalalaman niya" -Sam

"Oo nga. Pero paano naman kaya nangyari yun?" -Ryan

"Ewan namin basta nung pangyayaring si Yssa sana ang mababagsakan ng kisame pero naitulak pa siya si Selene ay wala pa naman itong deperinsya sa pag-iisip. Hinila ko na siya pagkatapos nun dahil baka hindi kami makakalabas na buhay sa shortcut na dinaanan namin. Sa paghila ko sakanya, nakatingin lang sa kay Selene. Tapos nun, bigla siyang nawalan ng malay." mahabang paliwanag ni Zeus sa nangyari.

"Si Selene ay isa rin niyang matalik na kaibigan" -Herra

"Nakakapagtaka talaga" -Ryan

"Di kaya ito yung nasa libro?" biglang tanong ni Ully.

"Libro?" naguguluhan na tanong nila.

Ngayon, lahat ng mata ay nakatingin kay Ully na tila inaalala ang nakasulat sa libro ng kanyang nabasa.

"Ayun sa libro na nabasa ko, isang dalaga ang mawawalan ng alala. Hindi na raw ito maibabalik hanggang sa siya ay mawala sa mundo. At kung mangyari man yun, hindi narin ito makababalik sa mundo kahit isa siyang immortal" -Ully

Nagtataka naman siyang tinignan ng kasama.

"Eh paano niya tayo makikilala?" -Ella

"Kung ganun, pati ang paggamit ng kapangyarihan niya ay maari niyang nakalimutan at hindi alam kung paano ito gamitin muli?" -Alice

Bahagyang tumango si Ully.

"Pwede yung mangyari" -Ully

"Oh God!" -Herra

"Paano nato? Hindi parin napapatay si Lirro!" -Zeus

"Magtulungan tayo." -Troy na ngayon lang umimik.

"Masyado siyang maparaan" -Ryan

"Napakakomplikado na ng nangyayari" -Sam

***

Nagising na ang dalaga at naisipan niyang tumayo.

Maayos na naman ang pakiramdam nito.

Bumaba siya sa sala at narinig lahat ng pinag-usapan kaya bigla siyang nagsalita.

"Sino ba talaga ako? Sino rin kayo?" naguguluhang tanong nito.

Nagulat naman ang mga Class A at magulang niya. Pati narin ang matalik na kaibigan ng dalaga.

Walang umimik sa kanila at nagulat sila ng may biglang lumitaw na parang engkantada.

Ito yung nagpakita sa mga Class A.

"S-sino ka?" -Yssa

"Ako ang makakatulong sa inyo" sambit ng engkantada.

"Ikaw yung nagpakita samin noon bago naganap ang digmaan" -Alexis

Bahagyang tumango ang engkantada.

"Paano mo kami matutulungan ?" -Herra

"Pwede kong ipakita sa kanya ang nakaraan niya" mahinahon na sambit ng engkantada.

Sumang-ayon naman ang lahat. Biglang nawala ang engkantada kasama si Yssa.

"Sana maalala na niya"  tanging nasabi ni Zac.

-----

How was it? Hahahaha.

Yan lang muna sa ngayon :)

Facing DeathWhere stories live. Discover now