Chapter 32: Conflicts

263 3 0
                                    

Kindly vote this chapter after reading. Nawawalan na po ako ng gana sumulat XD Haha!

--

THIRD PERSON'S POV

Nalaman na ng mga magulang ni Yssa ang nangyari.

Kinabahan na naman sila sa maaaring mangyari sa kanilang anak.

"Kailangan na nating kumilos, baka kung ano na ang nagawa ni Lirro kay Yssa" sambit ng ama ni Yssa.

"Paano nga? Wala tayong ideya kung saan natin sila mahahanap" sagot naman ng Ina ni Yssa.

Tahimik lang si Zac na nakikinig sa usapan ng mag-asawa at pati narin ang mga Type A.

Pinaalam narin kase ni Zac ang nangyari sa mga kaibigan kaya ngayon ay alalang-alala sila.

Katatapos palang ng digmaan, my panibagong problema na naman.

Katatapos palang nilang magluksa sa mga nangyayari.

(Sa lugar kung saan dinala ni Lirro si Yssa)

Kasalukuyang nag-iisip si Lirro sa gagawin nyang plano.

Pinag-iisipan niya kung paano sisimulan.

May naisip na sya pero hindi muna niya ito sisimulan ngayon dahil masyado pang maaga.

Ang plano nya ay ang wawasakin ang Lich Academy kasama si Ysaa dahil alam niyang ang dalaga nalang ang natitira niyang pag-asa para magtagumpay.

'Nasimulan ko na kaya dapat ko'ng tapusin to' sa isip ni Lirro.

Natutulog ang dalaga sa couch na kung saan pasamantalang tumira si Lirro. Wala'ng nakakaalam sa lugar na iyon.

Nagising naman ang dalaga at inilibot ang tingin. Hanggang ngayon, wala pa ito'ng masyadong naalala.

"N-nasan ako? Sino ka? Bakit ako nandito?" sunod-sunod na tanong ng dalaga kay Lirro.

"Kailangan ko ang tulong mo" sagot naman ni Lirro. Walang halong expression ang mukha nito.

"T-tulong? Para san?" nagtataka'ng tanong ni Yssa.

"Pinalayas ako sa teritoryo ng mga Good Wizards, at ikaw din kaya kita sinagip" pagsisinungaling nito.

"H-ha? P-pinalayas? Wala ako'ng maalala na pinalayas ako" katwiran naman ni Yssa.

Hindi niya kase naalala si Lirro kaya nagtataka siya dahil ngayon lang niya ito nakit pero parang napakapamilyar nito sakanya.

Habang natutulog si Yssa kanina, gumawa ng potion si Lirro kung saan mapapasunod niya ang isang tao kung ano ang iuutos nito.

Tumayo si Lirro at hindi na nakipagsagotan kay Yssa. Ang dalaga naman ay hindi narin umimik.

Kinuha ni Lirro ang tubig na hinaluan ng potion.

"Uminom ka muna" sambit ni Lirro kay Yssa habang dala-dala yung tubig.

Tinanggap naman yun ni Yssa at ininom.

Di nagtagal, habang umiinom si Yssa, bigla sya'ng nahilo at sumakit ang ulo.

Wala siya'ng ideya sa nangyayari.

Napasabunot siya sa kanyang sarili dahil sa sakit.

Si Lirro naman ay nagbunyi ang loob dahil nasimulan na niya ang kanyang plano.

Sa gitna ng pagsasabunot ni Yssa sa kanyang sarili, nahimatay ito pero ilang minuto ang lumipas natauhan rin ulit.

**

Yssa's POV

Waaa! Ano'ng nangyari?

Bakit wala na akong maalala?

"I es el rey y yo es su seguimiento. Yssa, sígueme ahora hasta el día en que usted va a perder" nagulat ako sa biglang pagsambit ng lalaki sa harap ko. pero bago ako makapalag, bigla nalang may kung ano ako'ng naramdaman na kakaiba pero parang sinasabi na sundin ko lang itong lalaking nakatayo sa harap ko.

*

Lirro's POV

Pagkasabi ko sa spell na iyon, saglit na umilaw ang mata ni Yssa. Simbolo na gumagana yung potion at spell.

"Tagumpay!" bigla ko'ng sambit.

Napangiti ako sa nagawa ko.

Bwahahaha! Magsihanda kayo, Good Wizards dahil magbabalik na ako.....
.
.
Kasama ang alas ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Facing DeathWhere stories live. Discover now