Chapter 20: His name

302 5 0
                                    

Yssa's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko.

Grabe! Nanghihina ako.

Agad akong napamulat ng hindi ko nagagalaw yung kamay ko.

Kaya naman pala! Nakatali eh.

Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Hindi ko matanggap na si Zac yung sinasabing impostor o traydor ni Tito Floyd.

Bakit si Zac pa?

Sa gitna ng pagdradrama ko, biglang may sumulpot na babae.

Si Selene.

"Gising na pala ang prinsesa" sabi niya.

"S-Selene" nauutal na sabi ko naman.

"Ako nga,

matalik kong kaibigan." Nakangiting mapang-asar si Selene ng sabihin niya iyon.

"Ang laki ng pinagbago mo"

"Paki mo?" mataray na sagot nito.

"Selene! Wag kang magpadala sa kanila. Wag kang magpauto. Alam kong kaya mong labanan ang kadiliman. Please Selene!" Naiiyak na sabi ko.

"Tumahimik ka nga! Nasusuka ako sa kadramahan mo"

"Please Selene. Nagmamakaawa ako! Lumaban ka please" alam kong may bait pang natitira si Selene sa puso niya at kaya nung labanan ang kadiliman na bumabalot sa puso niya.

"SABI NG TUMAHIMIK KA EH!" sigaw nito. Napapikit na lamang ako. Ang tigas parin ng ulo nito.

"Oh! Anong nangyayari dito?" biglang may sumulpot na lalaki.

"Wala! Umpisahan mo na Leo" utos ni Selene kay Leo daw.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Bigla nya akong ipinasok sa isang maliit na kwarto. Napakadilim dito. Wala akong makita!

Mga ilang segundo ang lumipas, bigla akong nanghina.

Ang sakit.

"AAAAAAAAAH!" Sigaw ko dahil sa sakit.

Naiiyak na ako.

Alam ko to. Ito ang proseso para kunan ka ng alaala.

"AAHHHHHH! A-a-ang s-sa-saaki-t." Naiiyak kong sabi

"Ta-m-ma n-naaa!" Patuloy na umaagos ang luha ko.

Nakapikit ako dahil sa sakit nito.

Mga dalawang minuto yung nagtagal ako natapos yung proseso.

Wala na akong lakas.

Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, isang pangalan lang ang nabanggit ko.

"Z-zac"

*All went black*

Facing DeathWhere stories live. Discover now