Chapter 6

301K 13.5K 4.7K
                                    

KUNG maari lang magsisigaw at tumili ay baka nagsitilian na ang mga kaklase kong babae. Kung maka-react ang mga hitad ay akala mo sabik sa lalaki!


Halos mamilipit sila habang nakatitig sa lalaking nasa harapan namin na may taglay na asul na mga mata.


Siya daw ang bago naming professor. Siya raw ang magtuturo sa amin sa subject na Biology hanggang sa mga susunod na semester. Paano nangyari iyon?! Anong magic ang ginawa niya?!


Eh kilala ko ang tarantadong lalaking ito! Paanong bigla na lang naging professor ang lintik na ito?!


Tigagal din si Gracia tulad ko. Nagkatinginan na lang kami pero hindi na kami kumibo sa isa't isa.


Maingat na inilapag ni Rix ang kanyang bitbit na laptop sa desk niya. Humarap siya sa amin pagkuwan. Kitang-kita sa mga mata niya na may hinahanap siya. Nang makita niya ako ay saka lang siya nagsalita. "Good morning, everyone."


Nag-uunahan sa pagbati ang mga kaklase ko. "Good morning, Prof!"


"I'm your new prof. I want you guys to call me Professor M, so please do not ask for my complete name."


Pa-misteryoso pa ang kulugo!


"I will be your professor for the whole year. Is that okay with you, guys?" Nagsasalita siya pero ang mga kilay niya ay salubong.


Whole year?! Akala ko ba ngayon lang na semester?!


"Okay na okay, Prof!" Nangunguna ang boses ni Gracia.


Inis na nilingon ko si Gracia na nasa bandang gilid ko lang.


"All right." Kumuha si Rix ng upuan at umupo doon. "I need to know each one of you. Let's start with you." Itinuro niya ako.


Napatingin sa akin ang buong klase.


"Yeah, you. Stand up."


Ano kaya ang plano ng lalaking ito? Tumayo ako.


"What's your name?" Nakatitig sa akin ang malalamig nyang mga mata.


"Martina Y. Manalaglag," seryoso kong sagot. Ano namang kayang gimik iyon? Kung magtanong, parang hindi niya pa ako kilala!


"How old are you, Martina?"


"Twenty-two." Ilang buwan na lang, twenty three na dahil birthday ko na, pero hindi ko na binanggit. Di naman kasi siya invited.

 

"Do you have a boyfriend?"


Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pinamulahan ako. "Meron."


Nagdilim ang mukha niya. "Really?"


Marahan akong tumango.

The Wrong One (BOS: New World 2)Where stories live. Discover now