Chapter 18

331K 13.2K 2.9K
                                    

"TELL ME YOU DON'T WANT THIS."


Walang kahit anong salita na lumalabas sa aking bibig maliban sa mga impit at mahihinang ungol. Ang mainit na mga labi ni Rix ay marahang humagod sa gilid ng aking leeg. Nag-iiwan iyon doon ng maliliit na titis ng apoy na nagpapaliyab sa aking pakiramdam.


Nang umabot ang mga labi niya sa ibaba ng aking leeg ay huminto siya. "Can I go further than this, Martina?"


Tumunghay siya sa aking mukha, sa mga mata ko na tulala, at sa mga labi ko na nakaawang mula sa paghahabol ng paghinga.


Sa tagal naming naging magkasintahan ni Marlon, hindi pa kami lumampas sa simpleng halik sa pisngi at labi. May mga pagkakataon na niyayakap ako nito, pero kapag tumatagal na ay humihiwalay agad ako. Iyon ang madalas na nagiging mitsa ng aming pagtatalo.


Nang walang makuhang sagot si Rix sa akin ay bumaba na ang mga labi niya sa pagitan ng aking dibdib. Nalaglag na kanina ang tuwalya kaya ang takip na lang sa aking katawan ay ang manipis na luma kong sleevless top. Nakaangat pa ang laylayan niyon dahil sa paghiga niya sa akin sa kutson. Maging ang maiksi kong pantulog na shorts umangat na sa halos tuktok ng aking mga hita.


Nang maramdaman ko ang basang bagay na tumutulay sa pagitan ng aking dibdib ay napaigtad ako. Ang dila ni Rix iyon na tila ba pinapaso at kinuryente ako nang sabay. Ibiniling ko ang aking ulo habang napakapit sa sapin ng kutson ang aking mga kamay.


"Martina, let's remove this." Ang tinutukoy niya ay ang suot kong manipis na pang-itaas na damit.


Bawat taas niya ng damit sa aking katawan ay hinahagkan ng mga labi niya ang parte ko na nalalantad sa kanyang paningin. Nang sa wakas ay tumambad sa kanya ang hinaharap ko ay doon siya natigilan. Matagal na akala ko ay nagbago na ang isip niya.


Marahan akong dumilat. Nakita ko kung paano umalon ang kanyang lalamunan habang nakatitig sa aking dibdib. Nasaan na ang sinasabi niya noon na nangingilabot daw siya sa katawan ko? Parang iba kasi ang nakikita ko sa mukha niya. Parang labis-labis ang ipinapakita niyang pagnanasa... at pag-ibig?


Bakit nakikita ko iyon sa bughaw niyang mga mata? Bakit ngayon kung kailan naguguluhan ako?!


"Martina, you're going to be the death of me," paos niyang bitiw. Ang malalaki niyang palad ay humawak sa isang dibdib ko na dahilan ng malalim kong pagsinghap.


"R-Rix..." Pati ang isa kong dibdib ay hawak na rin ng isa niyang kamay. Dinadama, tila sinusukat, minamasahe. Ang dulo ng mga iyon ay nilalaro ng mahahaba niyang daliri ay naninigas na sa antisipasyon. Mga pakiramdam na aking ngayon lang naramdaman sa buong buhay ko.


Nang ikulong niya sa mainit na bibig ang dulo ng aking dibdib ay halos magdugo na ang aking ibabang labi sa pagkakakagat ko. Biling-biling ang aking ulo sa unan at panay liyad ng aking katawan. Ang isang kamay niya ay nasa garter na ng shorts ko. Ilang sandali iyong nananantiya roon. Pinakikiramdaman ako bago gumagawa ng sunod na aksyon. Hanggang sa pumasok na ito. Hindi lang sa shorts kundi hanggang sa manipis kong saplot sa loob.


Ang mahahabang daliri ni Rix ay mga bihasa na tinunton ang pakay. Nang matagpuan ang hinahanap ay doon na naglagi ang mga ito. Ang bawat hagod ng gitnang daliri niya kasama ang hintuturo ay may pagkakaisa sa layunin. Nang pumasok ang isa sa mga ito ay may sandaling kirot na agad na nilamon ng bumubulusok na kakaibang damdamin.

The Wrong One (BOS: New World 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon