Chapter 22 [Part 1]

308K 11.9K 1K
                                    

DINALA ako ni Rix sa isang mamahaling hotel. Sinalubong kami ng isang unipormadong babae na iba ang gamit na lenguwahe. Hindi ko sila maintindihan nang mag-usap na sila. Para silang taga-ibang planeta kung magpalitan sila ng mga salita.


"Let's go, Martina." Inalalayan ako ni Rix papasok sa salamin na elevator.


Hindi pa rin ako makapagsalita. Kahit noong nasa sasakyan niya kami ay tahimik lang ako habang siya ay seryosong nagmamaneho. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.


Napapitlag ako ng akbayan niya ako at marahang hilahin palapit sa kanya.


"'You okay?" masuyong tanong niya.


Marahan akong tumango.


Ngumiti siya at hinaplos ako sa mukha. Natigilan ako. Bakit ganito? Bakit ba ang sweet-sweet ng lalaking ito?


Pumasok kami sa isang kwartong ubod ng lamig. Mayroon itong malaki at malambot na kama. Madilim ang ilaw na bahagyang kulay pula. May bumubulang pool ito sa tabi. Para kaming napapalibutan ng malaking aquarium dahil ang bawat sulok ng pader salamin, sa loob niyon ay may mga isda na ngayon ko lang nakita. Nakakaaliw. Nakakamangha.


"R-Rix, sandali..." awat ko kay Rix matapos niyang hubarin ang kanyang suot na shirts at jeans. "K-kinakabahan ako..." Napalabi ako.


Para kasing ang bilis niya. Kakapasok pa lang namin ay naghubad na agad siya. Baka naman puwede muna kasing mag-usap?


Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa ibabaw ng kanyang mainit at matigas na dibdib. Napakainit ng kanyang balat. Napakabilis din ng tibok ng puso niya.


Inalalayan niya ang kamay ko pababa. Nahawakan ko ang mga muscles na nasa kanyang matigas na tiyan. Para bang inukit iyon ng isang magaling na iskulptor. Maganda ang pagkakagawa. Pulido. Perpekto.


Napalunok ako. Napakaganda talaga ng katawan niya. Hindi na ako magtataka kung bakit marami ang nahuhumaling sa kanya. Isa na nga roon si Loraine ba iyon?


Hinagkan niya ang noo ko. "I won't hurt you."


Tiningala ko siya. Ang kabog ng dibdib ko ay trumiple kaysa kanina. May kung ano sa akin ang gustong isigaw ang pangalan niya. Ganoon kalakas ang dating sa akin ng lalaking ito. Bagay na hindi ko naramdaman kailanman sa ex-boyfriend ko.


Ano ba talaga ang ginawa sa akin ni Rix Montenegro? Bigla-bigla ang pagdating niya sa buhay ko, bigla-bigla rin na nagulo ang puso ko. Kailan pa ba nangyari ang lahat ng ito? Hindi ko alam. Ni hindi ko namalayan na nahulog na pala ako.


Ang mahahaba niyang daliri ay maingat na hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa aking mukha, at inipit niya iyon sa likod ng aking tainga. "You can back out now, Martina."


Nanginginig man ang aking mga tuhod ay buo na ang aking loob. Tinibayan ko ang dibdib at umiling sa kanya. Gusto kong malinawan kung ano ba talaga ang aking nararamdaman sa kanya. Ngayon, sa pangalawang pagkakataon, gusto ko na may mangyari ulit sa aming dalawa.

The Wrong One (BOS: New World 2)Where stories live. Discover now