Chapter 19

312K 11.5K 3.2K
                                    

TAPOS NA.


Bumaba na rin ang silakbo at ngayon luminaw-linaw na ulit ang isip ko. Nakasiksik ako sa sulok ng aking inuupahang maliit na kuwarto. Yakap ko ang sarili habang pinangingiliran ng luha ang aking mga mata. Nagsisisi ako kung bakit wala akong ginawa. Bakit ang hina-hina ko? Bakit ako nagpadala?!


Bakit hinayaan ko? Bakit ibinigay ko kay Rix ang bagay na pinakaiingatan ko?!


Si Rix naman ay magdamag lang din na nakatitig sa akin. Ilang beses niya akong sinubukang lapitan pero sinisipa ko siya. Galit ako sa kanya at sa sarili ko. Iyak lang ako nang iyak habang nakayuko. Gustuhin man niya akong aluhin ngunit ipinagtutulakan ko siya palayo. Sa huli, naupo na lang siya at binantayan niya ako.


Nang buong magdamag na iyon, wala siyang ginawa kundi ang paypayan ako. Mainit kasi.


Mayamaya ay tumayo na siya. Nakialam siya sa banyo ko. Paglabas niya, may dala na siyang bimpo at planggana. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. Tinabig ko siya. "Pupunasan lang kita," sabi niya sa mababang boses.


Hindi ko siya kinibo. Masakit ang katawan ko lalo na iyong nasa gitna ko. Mahapdi. Kumikirot. Hindi ko nga alam kung makakatayo pa ako. At kung makapaglakad man ako, malamang ay iika-ika ako. Buwiset siya. Sabi niya kaya ko, pero halos mamatay na yata ako kanina.


"Martina, please? This will ease the pain."


Sumiksik ulit ako sa sulok at niyakap ang aking sarili.


Hinawakan niya ulit ako. "Let me clean you–"


Tinitigan ko siya nang masama.


Napabuga na lang siya ng hangin. "At least least me take you to the hospital. You need to be checked up. You need pain relievers. You also need some medical papers. Magagamit mo 'yon para makasuhan mo ako."


"'Wag ka munang magsalita," walang-buhay na sabi ko. Tumayo ako at pipilay-pilay na naglakad. "'Wag kang aalis diyan at 'wag na 'wag kang titingin. Magbibihis lang ako." Gamit ang aking mga braso ay tinakpan ko ang dibdib ko. Nakahubad pa kasi ako. Nakita niya naman na ang lahat, nahawakan, nahalikan, pero basta, ayokong ipakita ngayon sa kanya.


"I'm not going anywhere, Martina. Susuko ako sa mga pulis katulad ng pangako ko sa 'yo."


Ang hirap lang dahil buong katawan ko yata ay napwersa kanina. Ganoon ba talaga kapag una? O talagang hindi ko lang siya kinaya?


Lumapit siya sa akin. Iyong kanina niya pang hawak na damit ko na kanina niya pa gustong isuot sa akin ay binulatlat niya. "Bibihisan na kita."


Sinuntok ko siya sa matigas na dibdib niya. "Bastos!"


Hinuli niya ang kamay ko. "Please. For one last time, let me take care of you." Pumiyok siya. Sumeryoso lalo ang mukha niya.


Napalunok ako habang nakatingala sa kanya. Pagod ang pakiramdam ko, dagdag pa ang mga nananakit sa aking katawan. O sige, tutal mapilit siya, bahala na siya. Hinayaan ko na siyang bihisan ako, tutal siya naman ang naghubad sa akin kanina.

The Wrong One (BOS: New World 2)Where stories live. Discover now