EPILOGUE

496K 18.3K 4.8K
                                    

2 MONTHS LATER


Dalawang buwan. Panibagong dalawang buwan ang nagdaan. Tuloy ang buhay. Tuloy ang pagsisikap at mga pangarap.


Totoo siguro iyong sinabi na kapag magkakaanak na, kusang nagma-matured ang mga babae. Mas nagiging wais, mas tumatatag, at nag-iiba na ang mga prayoridad. Alam kasi namin na magkakaroon na kami ng isang mabigat na responsibilidad. Isang bagong buhay na sa amin nakasalalay.


Merong ding parte namin ang nangangamba. Takot sa mga posibleng masasamang mangyari, bukod pa sa takot kaming magkamali. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nanaig puso ang matinding pananabik, dahil ang parating ay natitiyak naming aming magiging kakampi at kahit ano man ang kapintasan namin, mamahalin kami.


Pagiging positibo, masipag, at matiyaga lang, unti-unti ko nang natutupad ang aking mga pangarap. Mula sa napaghatian namin ni Kuya Maximus sa benta ng lupa na tag-two hundred thousand kami, nakapaglagay na ako sa bangko ng one hundred thousand pesos bilang paghahanda sa panganganak ko.


Ang sobrang pera, idinagdag ko sa aking ibang ninenegosyo. Ngayon ay may bagong negosyo ulit ako. Isang negosyo na pinagsososyohan namin ng pinsan ko na si Gracia. Pansitan na dito namin itinayo sa dating lupa naming nasunugan.


Siya nga pala, biglang nagkahimala. Ibinalik sa amin ng bagong may ari iyong lupa namin. Amin na raw iyon ulit. Ayaw na raw niya. Changed of brain daw. Ay, mind pala.


Ah, basta amin na ulit itong lupa. Hulugan na lang daw namin kapag nakaluwag-luwag na kami. Syempre, sino ba kami para tumanggi? At saka, panalong-panalo kami dahil naayos na at nalinis ang paligid. May mga abang na rin at mga natayong batong haligi. Iniwan pa ang mga tirang materyales na napakarami. Mga hallow blocks, ilang supot ng graba, at bungahin na naiwan ay hindi na talaga binalikan. Amin na lang daw dahil wala naman ng pagagamitan ang may ari.


Ang saya-saya namin ni Kuya Maximus. Nakapagpatayo na kami kahit paano ng maliit na bahay. Tag-sixty thousand pesos kami sa ambagan. Sa labor ay maliit lang ang aming nagastos dahil sa maniwala kayo at sa hindi, ang kuya ko mismo ang nag-labor. Isinantabi niya muna ang pagiging mahinhin, at nagpakabrusko muna ng ilang linggo.


Nag-Youtube lang si Kuya Maximus at nagpatulong sa dalawang karpintero dito sa lugar namin. Arawan ang bayad. Maliit na bahay lang na may dalawang maliit na kuwarto ang ginawa. Wala pang kisame pero may insulation foam na nabili namin ng sale sa hardware. Ako naman ang dumiskarte sa pagpipintura. Inaral ko rin para hindi na kami magbabayad pa sa pintor. Akalain mo iyon, nagawa ko naman kahit may ilang palpak.


Sobrang nakatipid talaga kami dahil nga sa may mga abang na at nagawang haligi iyong mga trabahador ng nakabili sa lupa namin. Dagdag pa sa swerte namin ay iyong ibinigay sa amin ang mga naiwang mga materyales. Halos kaunti na lang at mga plywood na lang ang aming binili. Pero syempre, babayaran pa rin namin ng kuya ko ang mga materyales kapag nagkapera kami. Ayaw naman naming maging masyadong abusado.


Sobrang swerte talaga naming magkapatid. Siguro iyon na ang swerte namin matapos naming masaktan sa mga maling lalaki na noon ay pinili namin. Ngayon nga ay may naitayo pa kami ni Gracia na maliit na tindahan sa harapan.


Ayun nga, ang bago kong negosyo ay pansitan tuwing hapon hanggang madaling araw kung saan ay aking kasosyo si Gracia. Fifty-fifty kami sa puhunan. Siya ang nakaisip, siya ang tagapamalengke sa umaga, at siya rin ang kahera tuwing pagkatapos ng klase niya. Sa pagluluto, ako na iyon, syempre.

The Wrong One (BOS: New World 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon