Chapter 23

307K 10.6K 2.8K
                                    

ILANG beses ko nang siniko si Shena, pero hindi pa rin natitinag ang mga mata niya kay Rix. Tulala lang siya sa lalaki at nakatanga matapos ko siyang ipakilala dito. Ipinakilala ko siya para ipasok sa trabaho.


"Shena!" pabulong kong sigaw nang sikuhin ko ulit siya.


Saka lang siya tila nagising sa malalim na pagkakatulala. "Ha?"


"Magpakilala ka na kay bossing," bulong ko.


"Ah." Inayos niya na ang buhok niya. Bakas sa kilos niya ang pagkataranta. "Magandang araw po. Ako po si Shena," pakilala niya kay Rix na nakatayo lang at nakapamulsa sa harapan namin.


Pagkatapos ng klase ko kanina, nakipagkita sa akin si Shena. Dinala ko siya dito sa coffee shop at ipinakilala kay Rix para ipasok sa trabaho.


Ang problema, itong si Rix ay aligaga sa pagsulyap sa akin. Kung naging kamay lang ang mga mata niya ay baka kanina niya pa ako nahubaran.


"Bossing, nakikinig ka ba?" pukaw ko kay Rix. Nagpapakilala kasi si Shena sa kanya pero ang mga mata niya nasa sa mga butones ko nakatama. Parang kinakalkula na niya kung paano niya ito babaklasin mamaya.


"Y-yes." Napakurap siya. "Of course." Sabay baling niya kay Shena.


Napakagat-labi naman si Shena nang balingan niya ito.


"You may start now." Pagkuwan ay naglakad upang lampasan ako. Ngunit bago siya nakalampas sa akin ay palihim niya akong pinisil sa siko.


Napalunok ako. Alam ko ang ibig sabihin niyon. Habang papalayo naman ang lalaki ay habol tingin ito ni Shena.


"Di mo naman sinabi, Martina, na ubod ng guwapo pala ang boss natin! Eh, di sana last week pa ako nag-apply dito!"


"Oops, taker na 'yan!"


Nangunot ang noo niya. "Taker? Hindi ba taken?"


"Taken nga." Inirapan ko siya.


"May girlfriend na siya? Sino?"


"Secret." Napabungisngis ako.


Ang sarap isipin na girlfriend ako ni Hendrix Ybarra Montenegro. Hindi ako masaya dahil lang sa guwapo siya, mayaman, matalino, at magaling ang dila niya—este, masarap siyang kasama. Ang ikinakasaya ng puso ko ay ang pakiramdam na sa unang pagkakataon, tama ang lalaking pinili ko. Isang lalaki na maalaga, nirerespeto ang desisyon ko, at mahaba ang pasensiya kahit pa pinaglihi yata ako sa kapalpakan.


Mabait si Rix, malumanay, at hindi magagalitin. Taliwas sa itsura niya na parang mahirap pakisamahan, iba-ibang siya pagdating sa akin. Sobra niya ako kung ingatan. Ganito pala kapag mahal na mahal ka? Para kang baby na alagang-alaga. Ang aking pakiramdam kapag nasa tabi ko siya ay safe ako. Pakiramdam ko ay kompleto ako. Masaya akong kasama siya. Masarap siya.

The Wrong One (BOS: New World 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt