Tres

89 4 0
                                    

Hindi na tumagal ang pag-uusap namin ni Laxx dahil kailangan pa nilang mag-handa para sa party ng mga Calvari ngayong gabi. But he promised me, we'll catch up again later. He wont be gone long. Magpapakita lang daw siya doon.

"Are you okay?" Tanong niya. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa kanilang bahay. Tumango ako at ngumiti.

He narrowed his eyes on me. Sunusuring mabuti ang aking ekspresyon. Tumawa ako para ipakitang ayos lang.

"I'm fine, babe. Really!" I nudge him in his shoulder with mine.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dinala sa kanyang labi.

"I know this situation is kinda hard for you. But i promised, after this we will tell them about us. Okay? Trust me, hon. Everything's gonna be okay." He said then kissed me with full of promised.

Sabay kaming napatigil nang makarinig kami nang mga yabag ng paa papunta sa direksyon namin. Agad akong dumistanya sa kanya at naglakad pabalik sa pinanggalingan namin kanina.

"S-sir, nakahanda na po ang hapunan. Hinihintay na po nila kayo." Dinig kong tawag ni Fe.

Hindi na ako lumingon sa kanila at dumiretso na sa maids quarter. Kumuha ako ng jacket at nagsuot ng boots. Dinagdagan pa ang suot na damit. Lumalamig na sa labas dahil gumagabi na.

Natural na na malamig ang klima dito sa isla ngunit mas dumudoble ang lamig pagsapit ng gabi.

Lumabas ako at tinungo ang kuwadra kung nasaan ang mga kabayo. Binuksan ko ang isang kulungan at kinuha ang mas batang kabayo. Kulay puti at maamo. Si Janda. Marahan kong hinimas ang kanyang buhok papunta sa kanyang mukha nang humiyaw ito sa pananabik.

"Sshh. Wag kang maingay. Itatakas lang kita." Sabi ko at hinila na siya palabas ng kuwadra.

Unti-unti ng kinakain ng dilim ang liwanag at unti unti ring lumalabas ang anyo ng buwan. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang mga nagtataasang mga bundok sa malayo habang unti-unti ring silang nababalot ng dilim.

Umihip ang malamig na hangin dahilan para isara ko pa ng maigi ang jacket na suot. Nang makalabas na kami sa hacienda ay saka pa lang ako sumampa sa likod ng kabayo at mabilis itong pinatakbo.

"Hiyah!" Sigaw ko kada hampas sa kanya ng lubid.

Bata palang ako nang namulat ako sa katotohanang hindi para amin ang karangyaan. Napapaligiran kami ng mayayaman at maimpluwensyang tao. Nakakasalamuha namin sila. Ngunit mailap para sa amin ang buhay. Nakakasalamuha lamang kami sa kanila kung maroon silang ipag-uutos o ipapagawa.

I've witness them all in all luxurious things. Marangyang pamumuhay, magagarang sasakyan, damit. Bagay na labis kong kina-iinggitan. I kept them all for myself in years. Hiding them all in my deepest dark side.
Not letting anyone discover the real me inside.

"Laneya, may bago akong bag! Check this out!" Pinarada ni Kira sa harap ko ang bago niyang kulay violet na sling bag. Kumikinang ang mga palawit doon kapag natatamaan ng ilaw.

My eyes glint in amusement. I can see myself wearing the bag. Tingin ko'y mas bagay 'yan sa 'kin. My stomach churn in envy. I gave her a small smile before looking back to the papers in front of me.

Sometimes, i dreamt of being a daughter of the rich kinds. Kung paanong nakukuha nila ang kanilang naisin, kailan man nila hilingin. Kung anong pakiramdam ng walang inaalalang hirap kinabukasan habang nag-pupunta sa ibat ibang lugar para mamasyal.

Ngunit nang makilala ko siya, all those shallow thoughts vanished in just a snap. Or so i thought.

"Laneya, oh! May nagpapabigay." Sabi ni Bart sabay abot ng malit na piraso ng papel. Pawisan na ako dahil sa maghapong pag-gawa sa hacienda.

Tirik na tirik ang araw sa katanghaliang tapat. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang likod ng aking palad at tinanggap ang papel.

Kumunot ang noo ko ng makitang parang pinunit lang iyon sa isang notebook at sinulatan. Napatingin ako kay Bart na ngayon ay nangingiti na parang baliw.

'Hi, miss, Castellar. Pwede ba kitang ligawan?' My face contorted in pure annoyance. Rather, in disgust!

Eeeww! Seriously, Bartoloy?

Kamuntik ko nang lukutin ang papel nang mabasa ang nakasulat sa likod.

'Upstairs. Terrace.'

I looked up only to see the face of young master's. Larex Xavier Trevisano smiling adorably to me.

Nakarating ako sa pinakamataas na bahagi ng kalupaan. Ito ang natatanaw ko mula doon sa hacienda. Bangin na ito kung tutuusin dahil sa ibaba ay makikita ang malawak na bahagi ng karagatan.

The smell of salty sea breeze welcomed me. Sumabog sa mukha ko ang mahaba kong buhok kaya sinikop ko ito gamit ang isa kong kamay. Dahan dahan kong pinasunod si Janda malapit sa bungad ng bangin. Nang makita ang malalakas na hampas ng alon ay nagulat ako at kinabahan. Lalo na nang humiyaw ang kabayo at kamuntik na akong mahulog. Shit!

"Aaagghh!" Agad akong napaatras.

Niliko ko ang kabayo at tiningnan ang daan na pinanggalingan. Madilim at masukal dahil napapaligiran ito ng mga naglalakihang puno. Fogs are slowly spreading the whole place causing for it to more creepier. Sanay na ako dahil madalas ko naman itong ginagawa.

Huminga ako ng malalim at dahan dahang bumaba sa kabayo. Malakas ang hangin ngunit pabugso bugso. Sumasabay sa bawat hampas ng alon sa ibaba.

Hawak ko ang lubid habang nakatanaw sa kabilang panig ng lupain. Nakita ko ang sabay na pag-alis ng tatlong sasakyan sa hacienda at ang bilis ng takbo ng dalawa na animoy nag-kakarera. Ang isa na nanatiling mabagal ang patakbo, hula ko ay ang mag-asawang Trevisano.

Niyakap ko ang sarili, hindi kontento sa kaunting init na dala ng makapal na suot.

"K-kanino galing 'to, Bart?" I can't directly assume! I have speculations...but still!

Paano kung hindi naman pala siya? Pero paano kung si Bart? Oh my gosh! No!

"Huh?" Tanong niya. Para akong hihimatayin habang naghihintay ng karugtong sa kanyang sagot.

Please! Please!

"Ewan ko. Ano ba sabi?" Ngayon ay lito na siya at kuryuso sa maliit na papel. Kita sa hilatsa ng hitsura ko ngayon ang pagkagulat.

I was so stunned! So, siya nga ba talaga?

Dahan dahan kong inangat muli ang paningin. Napasinghap ako nang kumaway siya sa akin at ngumiti habang kinakausap ng panganay na kapatid.

Garrison straightened his posture before turning his back to his brother. He followed his gazed and automatically found me.

His brows furrowed in confusion. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ng kapatid niya. He muttered something to his brother. I couldn't hear what they're talking about but i assume it was something about me.

Tumawa si Laxx habang naiiling naman si Garrison. Bumaling muli si Garrison sa akin and i was so certain that i saw him clenched his jaw. My heart skipped a beat.

What the heck was just that?

He gave me a sharp look before shaking his head and turned his back to leave.

What? What!

All Falls DownDove le storie prendono vita. Scoprilo ora