Catorce

43 4 0
                                    

Umuwi ako mag-isa. Hindi agad umalis si Craig pagkatapos namin mag-usap. Mahabang paliwanagan pa ang nangyari bago ko siya nakumbinsi na umalis.

"Paki-usap, Craig! Kahit ngayon lang, makinig ka naman sa 'kin."

"Only if you promise me to go home with me.." sabi niya at napatiim bagang.

He is uncommonly intense man, broad shoulders with a lean and dangerous face and terrible eyes, but i refused to flinch.

"Hindi nga pwede!" galit na sigaw ko. Saka pa lang siya tumigil sa pangungulit at kahit labag sa loob niya, umalis siya mag-isa.

"Ano ba, Lea, tigilan mo nga 'yan." si Mama.

I stopped pacing back and forth and sat down on my bed. Nag-iisip ako nang madaling paraan para maka-hanap ng matibay na pruweba na may tinatago ngang sikreto si Craig. Ang problema wala akong maisip na mas madaling paraan, dahil una hindi naman siya taga-rito, taga ibang bansa pa. Pangalawa, ang mga Trevisano lang ang tanging nakakakilala sa kanya.

Napapikit ako, sumasakit ang ulo sa kakaisip ng mga bagay na hindi naman dapat pinag-aaksayahan ng panahon. Hinawakan ko ang batok ko at nag-angat ng tingin habang minamasahe ang batok.

"Ano bang nangyayari sa 'yong bata ka at masyado kang problemado riyan?" si Mama ulit, habang pinapasok ang mga sinampay sa loob ng kuwarto.

"Wala po." naiiling na sabi ko. 

Binasa ko ang labi ko at kinuha ang mga libro na nasa bedside table.

Mabuti pang tapusin ko na lang ang mga assignments ko. Graduating na ako at dalawang buwan na lang ay aalis na ako papuntang France. Hinanda ko na ang mga dokumento na kailangan sa pag-alis. Sabi ni Seniora ay siya na ang bahala na mag-asikaso sa iba, tulad ng visa at iba pang kailangan sa pag-punta sa ibang bansa.

I was so grateful that she helped me through a lot. Wala naman kasi akong alam tungkol sa pag-kuha ng passport. Sure I can learn by myself, pero wala akong kakayahan na bayaran ang lahat ng expenses. Sa maynila pa rin kasi iyon kukunin at busy ako sa school dahil sa dami ng mga kailangang tapusin.

So she offered her helped then. Ang lawyer nila ang pinaasikaso niya ng mga kailangang gawin dahil dapat daw pagka-graduate ko ay dapat na akong umalis.

Betty, was the name of the owner of the boutique. She wants me to be there as soon as possible. Since ang pag-kuha ng visa ay aabutin daw ng dalawang buwan--o mahigit, (I really don't know.) Kaya kailangan ngayon palang ay asikasuhin na ang mga iyon para saktong pagkatapos ng graduation ay tutulak na ako paalis.

Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ay napatigil ako. Naningkit ang mga mata ko nang may sumagi sa isip.

Kanina may pinag-uusapan sina Laxx at Craig tungkol sa bagay na hindi ginawa  ng tatay--

Napasinghap ako. Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan nang nawala ang focus sa pag-aaral.

Si Laxx. Alam niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit lagi siyang nagpupunta sa bayan? Could it be possible na nandito ang tatay ni Craig? Ano pa bang ibang dahilan kung bakit siya nananatili dito, kung ganoon? Nawawala ba ang tatay niya at dito niya nahanap?

Pero ang narinig ko kay Laxx ay tungkol sa damages at loss.. ng ano?

Ugh! Napahilamos ako sa aking mukha. Hinilot ko ang sentido at napapikit.

Tumayo ako at napag-desisyunang lumabas saglit. Chosing a plainest clothes and scraping my hair into a messy bun. Kinuha ko ang jacket at sinuot.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. My features had the potential look exotic. I really didn't know exactly where I owed my Latino heritage. Si Mama ay hindi naman ganito ang hitsura kahit si papa. Si Mama ay may pure filipina features, medyo mataba at maliit, samantalang si Papa naman ay sakto lang ang pagkapayat, may muscle rin naman siya dala ng mabibigat na trabaho sa hacienda. Tingin ko naman sa kanya ko namana ang tangkad at ang kulay ko.

All Falls DownWhere stories live. Discover now