Diecisiete

50 4 1
                                    

I was completely quite and motionless. Sheer panic washed over me as she looking at me emotionless.

"Yes?" she prompted.

Maraming tanong ang gustong kumawala sa bibig ko ngunit tanging pakiusap lang ang gusto kong marinig niya.

"Zendy... p-please.."

"Who's really is it, Laneya?" her voice had a curious raw edge to it.

Mas lalo akong nanghina. So nahuli niya nga ako sa akto na nag-chcheat? How much did she saw us? Anong nakita niya? Saan?

"A-are you going to tell him?" kabado kong tanong.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at ngumisi. Tumingin siya sa banda kung nasaan sina Laxx.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" She murmured under her breath.

Kahit hindi na ako sigurado sa relasyong ito, natatakot pa rin ako na malaman ni Laxx na nag-karoon kami ng something ng kabigan niya. Of all people, sa bestfriend niya pa talaga ako pumatol. Ngayon pa nga lang natatakot na ako sa maari niyang isipin sa akin, ano pa kaya sa kung ano man ang pwede niyang gawin.

I swallowed the lump in my throat.

"W-why?" lakas loob na tanong ko.

Kahit ayaw at takot akong marinig, gusto kong malaman. Dahil ba kaibigan niya ako? Dahil closed kami? Is she going to tolerate what I did?

"Why?" ulit niya.

"Dahil gusto kong malaman."

She glared obstinately ahead. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga oras na ito. Hinuhusgahan niya na ba ako ngayon?

"That's because I don't have a say to this."

For some reason, I heard a slight hesitation in her voice.

"Then, b-bakit mo ako tinatanong kung sino sa kanilang dalawa?"

"Because I care," agap niya.

Suminghap ako at napayuko. Tumikhim siya muling bumaling sa ibaba.

"Laneya, excuse myself for mistaking you for being a sweet girl," bumaling siya sa akin at kumunot ang noo. "What happened to you, girl?"

Napakuyom ang kamao ko sa tanong niya. That's exactly what I'm still figuring out to myself. I'm still struggling to find the answers. I-it's just that, my irrational thoughts are taking over me.

Gusto ko pa sanang itanong kung paano niyang nakilala si Craig, ngunit bago pa man bumukas ang aking bibig ay dumating na si Laxx.

"Leah. Let's go, babe."

Nagulat ako sa biglaang pag-sulpot niya sa tabi ko. Namilog ang mga mata ko sa sandaling pagtigil ng tibok ng puso. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag naabutan niya kaming pinag-uusapan ang kaibigan niya.

He snaked his arms around my waist. Sumulyap siya sa kaibigan ko at nagbigay ng isang tango bago muling bumaling sa akin.

"Mom just texted me, gusto niyang makita tayo bago sila umalis papuntang Maynila." nakangiti siya ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mata.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili bago binalingan ang kaibigan na ngayon ay mukhang nabo-bored na nakatingin sa amin.

"Zend.. m-mauna na kami sa inyo."

I gave her a meaningful look. Patamad siyang ngumisi at tumango. Pinagalaw niya ang kanyang mga daliri para sa pag-papaalam.

"Hmm... 'ngat." aniya bago dinukot ang cellphone sa bulsa.

All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon