Dieciséis

49 5 1
                                    

Isang linggo na ang lumipas matapos naming ipaalam sa buong hacienda ang tungkol sa amin ni Laxx.

Hindi ko inaasahan na magiging ganoon pala ang reaksyon nila. Sana pala noon pa namin inamin ang tungkol sa amin, edi sana hindi na ako nagkasala kay Laxx.
Edi sana hindi ako binuyo ni Craig, hindi sana nangyari ang sa amin.

Minsan ang maliit na desisyon na gagawin mo ay may kaakibat na mas malaking responsibilidad. So much hesitations can lead your actions to much risky decisions. It will just take you to nowhere... And it will only leaves you with so  much pain and regrets.

I had a number of regrets in my life. But at the moment I can only remember one of them.

Iyon ay ang hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa lalaking hindi pwedeng maging sa'kin.

But if I had a chance to be with him again--even if it was just for a day--I will take it. I would take it in heartbeat just to see his face and to be with in his arms again.

Mapait akong natawa sa sarili. Mali. Pero iyon ang totoo. Hindi ko na iyon kayang itanggi sa sarili ko. At habang mas lalong tumatagal ang araw na hindi ko siya nakikita mas, lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko na mahal ko na siya.

Mahal ko na si Craig...

"Oh mahabaging langit, nagmamakaawa po kami na bigyan niyo na po si Laneya ng magiging jowa. Palagi na lang po siyang tulala at miserable."

"Amen.."

Sabay sabay na umupo sa harap ko ang apat na kumag at inosenteng tumingin sa akin.

"Sumalangit nawa..." si Eiji.

Sinabayan siya ng tatlo at sabay na naghagikgikan. Matalim ko silang tiningnan.

"Anong problema niyo?" iritable kong tanong sa kanila.

Iniisip talaga nila na wala pa akong boyfriend kaya lagi nila akong naaabutang balisa. Napaismid ako sa isip at hindi na nag-salita.

Baka magulat kayo kapag nalaman niyo na amo ko ang nobyo ko.

Tinapos ko ang pagkain saka uminom ng tubig. Nasa cafeteria kami ngayon, kami nalang ang natitirang mga tao dito sa loob dahil wala naman na kaming klase, katatapos lang ulit ng practice namin kaya napagdesisyunan naming dumaan muna sa canteen para kumain bago umuwi.

"Baka naman excited lang ang lola niyo sa pag-alis."  natatawang sabi ni Zendy.

Siya ang nakakatandang kapatid ni Tilly. Sa aming mag-kakabigan siya madalas ang missing in action. Biglang susulpot biglang mawawala. Marami na rin siyang records sa guidance office dahil sa palagi siyang naiinvolve sa mga gulo sa labas man o sa loob ng school.

Dapat nga college na ito ngayon e, bulakbok lang. Palibhasa may kaya ang pamilya pamilya nila.

But nevertheless, siya lang din ang medyo nakakasundo ko dito. Siya palagi ang nagtatanggol sa akin kapag inaasar ako ng mga kaibigan namin. And nope. She's straight. Medyo magaslaw lang at magaspang kumilos.

Siya ang tumatayong ate pero siya rin iyong bad influence. I imwardly grin and shook my head.

"Uhh.. Hala! Limang araw na lang pala, ano?!" gulat na sinabi ni Tilly.

Natahimik ang buong lamesa namin at nagkunwaring busy sa pagkain. I pursed my lips and rolled my eyes.

Oh please. Not now. Masyado pang maaga.

"Tumigil nga kayo para kayong mga sira." wika ko at tumayo. ,fe4e

"Punta tayong mall, treat ko." I declared. Sinukbit ko ang bag sa balikat at nauna nang maglakad.

All Falls DownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora