Veinte

45 4 1
                                    

It sucks when know that you need to let go, but you can't, because you're still waiting for the impossible to happen. Na kahit anong pilit mong gawing pag-iwas hindi mo matatakasan ang malakas na bugso ng damdamin para sa taong iyon. Kahit pa alam mong ekstra ka lang, na kahit pangalawa ka lang, ibaba mo ang sarili mo para makatikim ng konting saya.

"Ano ba? Kailan pa naging kayo ni Sir, Laxx? Grabe ka! Wala ka man lang kinukwento sa amin!" nagtatampong ungot ni Tilly.

Napangiwi ako. Matagal na naming alam na may paghanga siya kay Laxx, ngunit alam din namin na mababaw lamang iyon dahil kada buwan ay nag-iiba iba siya ng boyfriend. Sa ngayon, ang boyfriend niya ay isa sa mga kabatch lang namin pero sa ibang section naman.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Dianne. Napabaling kaming lahat sa kanya.

"Kaya pala kung makatulala ka parang pasan mo ang problema ng lahat ng tao. Alam mo kasi, hindi mo naman kailangang itago ang tungkol sa inyo. So what kung trabahador lang kayo? Maganda ka, gwapo naman si Sir, Laxx. Tsk!" umiling iling siya. "Kung ako 'yon... baka iparada ko pa siya sa buong isla." tumawa siya ulit.

Nagkatinginan kami ni Zendy. Uminit ang pisngi ko nang namataan ang nanunuri niyang tingin. Shit! Umiwas na lang ako ng tingin at inabala ang sarili. 

Ang problema, hindi naman si Laxx ang dahilan ng pagkakabalisa ko. Ang kaibigan niya. Ngayong bumalik na siya, hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan ang sarili ko.

Kanina nang paalis ako ng hacienda para pumasok sa school, nakita ko kung paano niya inalalayan iyong babae sa pag-sakay sa kabayo. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano kahigpit ang paghawak niya sa baywang ni Dixie, at kung paano nag-igting ang lahat ng muscles niya sa braso. Huminga ako ng malalim.

I felt an actual pain in my heart.

"Bakit nga ba hindi mo sinabi sa amin ang tungkol sa inyo, Lea? You should've told us. Were friends after all... Am I right?" naghahamong tanong ni Zendy.

Shit!

Namilog ang mga mata ko. She tilted her head on the side and gave me an incredulous look. Lahat na sila ay nakatingin sa akin at pakiramdam ko anumang oras ay mahihimatay na ako!

What the hell, Zendy!

"M-maniwala k-kayo. Gusto ko na rin iyong s-sabihin sa inyo kaya lang...." what the fvck!

"Ano, Lea?" si Eiji naman ngayon.

Napalunok ako.

Kaya lang... There's something in my past that is creeping the hell out of me!

Ngumisi si Zendy at tumayo, pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.

"We know that she's a goody good sweet woman but... damn! You might not like what you find out about her."

Umalis siya at naiwan kaming tulala lahat sa sinabi niya. Lalo ako! Gulat na nagpalipat lipat ang tingin nila sa akin dahilan ng lalong pagkaputla ng mukha ko.
Unang nakabawi si Dianne at kuryuso ang matang hinabol ng tingin si Zendy na nakalabas na ng classroom.

"Problema nun?" ani Dianne.

"Ano daw? Anong sinabi niya?"

Kumuyom ang kamao ko at tumayo.

"Oh! Ano bang nangyayari sa inyo?"

"U-uuwi na 'ko," tarantang sabi ko.

Bitbit ko na ang bag ko nang tawagin ako ni Eiji.

"Oy! Bukas ah, alas diyes dapat nandito ka na. Hehe.."

Tumango ako at tuluyan nang lumabas. Bukas na ang graduation namin at dapat ngayon ay hindi na ako naiistress sa mga bagay na ito! But look, I have to deal with this freaking situation para lang hindi malantad ang sikreto ko.

All Falls DownWhere stories live. Discover now