Cinco

74 8 1
                                    

Pagkatapos ng maiksi nilang pag uusap ay tinungo na nila ang kanilang mga sasakyan. Sumampa na rin ako sa kabayo ko at saglit na naghintay sa kanila. Nilapitan ako ni Laxx at pinulupot ang braso sa aking baywang. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"Let's talk later." Sabi niya at tipid na ngumiti.

Umiling ako. He look tired. Hindi pa siya nakapag pahinga mula kanina nang dumating. I would understand if we just skip it tonight. May bukas pa naman.

"Huwag na, Laxx. Magpahinga ka na lang muna. May bukas pa naman." I grinned at him.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at dinala sa kanyang labi. Napalunok ako. Feeling odd. Napatingin ako sa banda ni Craig. He lazily whipped the horse and leave.

"I'm sorry, hon. Promise., bukas na bukas mamamasyal tayo." si Laxx. I smiled and nodded at him.

"Okay, hon."

"Alright. Let's go!" aniya at pumunta na sa sariling kotse.

Kinabukasan maaga akong nagising, dahil walang pasok, sabado, dito ako natulog sa hacienda. Nakasanayan ko na rin na gumising ng maaga dahil tumutulong ako sa pagluluto ng almusal ng ng mga Trevisano. Sa mga normal na araw, kaunti lang ang niluluto namin, pero dahil espesyal ang araw na 'to dahil andito ang magkapatid, marami kaming nilutong putahe. Halos hindi kami maka upo man lang saglit para makapagpahinga.

I shifted my weight on the side. Naghihiwa ako ng bellpepper at sibuyas ng biglang umingay ang sala. Nangingibabaw ang malakas na halakhak ni Laxx.

Napangisi ako at naiiling na nagpatuloy.

Dumating si Alma at nagkukumahog na lumapit sa dalawa ko pang kasama sa kusina. Si Roda at si Fe.

Pasiring ko silang tiningnan pero ang atensyon ay nasa hinihiwa.

"And'yan na silaaa! Pawisan ang mga bruho galing sa pagjo-jogging! Jusko mga, ineng, nakakapanlaway!’" Si Alma na halos matalisod sa pagtakbo.

Naghagikhikan silang tatlo. Halatang kinikilig sa pagdating ng mga lalaki. Sinubukan pa nilang sumilip sa labas. Halos mabali ang kanilang mga leeg, makasilay lang. I rolled my eyes at them.

"Alam namin noh! Grabe ang gwapo talaga nilaaa!" Si Roda naman ngayon. Sandaling tinigil ang paghahalo sa pasta at nakipag-tsismisan na rin.

"M-mas guwapo si Sir Craig." Nauutal na sabi ni Fe.

Napahinto ako sa ginagawa at kunot noong napatingin sa kanya. Namumula ang kanyang tainga pati mukha. Nagtaas ako ng kilay at napairap.

Guwapo rin naman si Laxx ah. Mas guwapo pa siya sa Craig na 'yon. Kabago bago mo pa lang dito. Hmm!

"Ay, Day! Mas guwapo si Boss Gari! Pak na pak ang abs, jusko!" Si Alma. Isang palakpak ang ginawa niya habang nakatikom ang labi na para bang natatakam sa kung ano.

"Pansin niyo ba kagabi..." Si Alma ulit.

Tinukod niya ang kanyang siko sa ibabaw ng counter at sinenyasan ang dalawa na lumapit.

"Special treatment ang gawad sa mayor niyo."

"Sinong mayor? Baka governor?" Si Roda na nalilito na ngayon.

"Gaga! Ang tinutukoy ko, si Sir Craig!" Naiiling sa sabi ni Alma.

Napasinghap si Roda. "Mayor pala si Sir, Craig?" Gulat na tanong niya. Muntik na akong matawa sa bagal ng pick-up niya.

Malapit na akong matapos sa hinihiwa nang pumasok si Mama sa kusina at sinilip ang ginagawa ko. Kinalabit niya ako.

"Ano? Tapos na ba 'yan?" Tanong niya. Pinigilan kong mapairap sa tanong niya.

All Falls DownWhere stories live. Discover now