Quince

54 4 1
                                    

"Isn't he thoughtful?" si Dianne.

Nangingiti siya habang inaamoy ang bulaklak na hawak ko. I heard her giggled.

Pinagmasdan ko ang bulalak at tatlong pakete ng tsokolate.

Why do he always have to spend money for this. Napailing ako at napabuntong hininga. Pinagtitinginan na kami ng mga kapwa estudyante habang nangigiti.

"Masyadong maaga ang regalo ni Lucas sayo, Lea. Kung sagutin mo na kaya siya, tutal wala ka pa namang boyfriend." si Tilly naman ngayon.

Naglalakad na kami pabalik sa classroom namin dahil katatapos lang ng pratice para sa graduation. Mahigit isang oras kaming nag-rehears dahil palagi kaming umuulit sa umpisa sa tuwing may magkakamali.

Pakiramdam ko ay masyado akong pagod para ma-appriciate ang bagay na hawak ko.

"H'wag na, no. Kawawa naman si Lucas kung sasagutin niya, tapos iiwan lang din. Long distance relationship usually doesn't work, specially when a girl is not interested." napaismid si Dianne bago sumulyap sa akin.

Binigyang diin niya ang mga huling salita kaya sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan niya lang ako kaya inirapan ko din siya.

Oh the bluntness. I like this girl. We have this kind of friendship where were not enemies but more kind of a frenimies. Prangka siya kung magsalita at walang pakundangan sa panlalait. Pero kung hindi ka sanay sa ugali niya hindi mo maiintindihan na may sense talaga siyang kausap.

Nasanay na lang din ako sa kanya kaya sinasabayan ko na rin. Minsan nga kaming dalawa lang rin iyong nagsasagutan. Kapag may nakakarinig sa amin hindi talaga nila aakalain na magkaibigan pala kami. Wala lang talagang may gustong magpatalo. Pagkatapos rin naman ng argumento balik rin kami sa normal.

"Pero... hmm.. Sabagay, hindi talaga interesado itong si Laneya sa mga studyante dito, kahit ang team captain ng basketball team sa kabilang school hindi umubra." tumatawang sinabi ni Tilly.

Pagkatapos kasi ng practice namin nilapitan agad ako ni Lucas at inabutan ng bulaklak. Nagulat ako, gusto ko sanang tanggihan kaso marami ang nakatingin sa amin at nakangiti siyang umaasa na kukunin ko iyon. Kaya kinuha ko na.

As usual marami na naman ang umasa na magkakaroon nga kami ng something, pero para sa akin wala lang iyon at hindi na kailangan palalimin.

Alam ko na na mangyayari to eh, hindi ko lang napaghandaan.   Sana pala sinabihan ko na siya nung una para hindi na kami umabot sa ganito.

"Ano ba kasing type mo, Laneya? Crush na crush ka pa naman ng kuya ko. Kaso baka bastedin mo lang, kawawa naman ang kuya ko." si Tilly.

Tumikhim ako nagisip. Uminit ang pisngi ko nang may isang taong pumasok sa isipan.

Lean muscular body, rugged look, intense clenching of jaw and has a vicious aura. And of course, those devilishly smirk that haunted me to sleep.

Iniisip ko pa lang bumibilis na ang aking pag-hinga, paano pa kaya kung magkaharap na kami?

Mag-aapat na linggo na simula nang umalis siya ng isla para pumuntang Maynila at hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung babalik pa ba iyon. Ayoko siyang bumalik pero may maliit na parte sa akin na umaasa, kahit sandali lang, kahit silay lang ayos lang sa akin.

"Ayos na ba ang mga papeles mo papuntang France?" si Laxx.

Nakaupo kami sa harap ng ilog, nasa likod ko siya at nakayakap, mabining sinusuklay ang buhok ko. Napadpad ang tingin ko doon sa kabilang parte ng ilog. May naalala.

"Uh... hmm! Ayos na. Visa na lang ang hinihintay, sabi naman ng Mama mo next week makukuha na iyon." sabi ko nang hindi siya nililingon.

He buried his face in the crook of my neck while kissing my shoulder blades. I smiled a little.

All Falls DownOnde histórias criam vida. Descubra agora