Trece

57 5 2
                                    

"Bakit ang tagal mo?" reklamo ni Dianne pagkapasok ko pa lang sa pick up. Umikot ang mata ko sa tanong niya.

"Kayo nga 'tong matagal. Thirty minutes na akong naghihintay sa inyo, ah!" sabi ko sa naiinis na tono.

Kung dumating sana sila nang mas maaga, hindi na sana kami nag-tagal ni Craig sa kusina. Wala naman kaming ginawang iba maliban sa mag-titigan at nakawan ng halik. Napabuntong hininga ako.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang titig ni Eiji na nasa front seat. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at bumaling sa labas.

"Anong nangyari d'yan sa labi mo?"

Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko sa tanong niya. Napalunok at umirap.

"N-nakagat ko lang to.."

"Hmm.. Namumula eh. Baka..." he's teasing me now.

"Ano? Tigilan mo nga ako ah." ngumisi lang ulit siya at bumaling na sa harap.

Umirap ulit ako at sandaling pinasadahan ng dila ang ibabang labi. Nararamdaman ko pa rin ang hapdi ng labi ko. Hindi ko inasahan ang mabilis na pagkagat ni Craig sa labi ko kanina sa pagitan ng halikan namin. Aniya'y nanggigil raw siya kaya hindi niya napigilan ang sarili. Sa inis ko ay kinurot ko siya sa tagiliran kaya napa-atras siya, sakto namang pagbusina ng sasakyan ni Eiji.

Pagdating namin sa falls ay naroon na ang iba pa naming mga kasama, tansya ko ay nasa mga walo sila. Hindi ko sila kilala maliban doon sa dalawang babae na lumalangoy na ngayon at nagtatawanan.

"Daxene!"

Isang lalaki ang sumigaw mula doon sa mataas na parte ng falls. Tumawa ang babaeng tinawag niyang Daxene at naghahamong ngumisi sa lalaki sa itaas. Hindi ko na nasundan ang nangyari dahil may humila sa braso ko.

"Samahan mo 'ko. Magpapalit lang ako ng suit." sabi ni Dianne.

Kumunot ang noo ko pero nagpatianod na rin. Narinig ko ang malakas na pagsabog ng tubig kasabay ng malalakas na hiyawan at tawanan.

"Kilala mo ba ang mga iyon?" tanong ko habang tintanggal ang strap ng sandal ko.

Nasa labas ako ng banyo habang hinihintay si Dianne na matapos sa pagbibihis. Hindi kasi sila pamilyar sa akin, siguro mga dayo lang ang mga iyon dito.

"Hindi ko sila kilala pero sabi ni Ricky pinsan yan ng mga Xerces."
sabi niya.

Kaya pala. Sa postura at hubog ng mga katawan nila may pinagmanahan ngang talaga. Ang mga Xerces ang nagmamay-ari ng mga port dito sa Isla pati sa mga karatig bayan. Ang alam ko may anak na modelo ang mag-asawa kaya hindi laging nauwi dito sa isla. 'Yon lang ang alam ko, kaya nagulat ako nang malaman na mga pinsan pala ito ng mga Xerces. Sana lang hindi sila kasing sama ng ugali nang mag-kapatid na 'yon.

Pagkatapos ni Dianne mag-bihis ay sakto namang dating ni Eiji. Natigil ang malakas niyang tawa at sinipat ako ng tingin.

"Hindi ka maliligo?" nag-taas siya ng kilay bago bumaling kay Dianne na nakasuot na ngayon ng one piece color blue swimsuit.

He cringe his nose and looked away. Natawa ako nang hampasin siya ni Dianne ng hawak niyang tuwalya. Sexy naman si Dianne. Petite at medyo chubby, medyo lang naman. Chubby pero ang sexy ng dating. Basta ganoon.

Tumikhim ako at tumayo na. "Maliligo ako pero mamaya pa."

Dala dala ko ang pares ng sandal ko nang hilahin ako ni Eiji at pinilit na maligo na kasama sila. Tumanggi ako pero talagang makulit siya kaya pumayag na lang ako, lalo na nang muntik niya akong kaladkarin papuntang falls para basain.

All Falls DownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora