Prologue

66.8K 1.5K 250
                                    

Warning: Suicide/Death

_

Tiningnan ko ang babae sa aking harapan. Puno ng galit ang kanyang mukha. Kitang kita ko sa kanyang ekspresyon kung gaano niya ako gustong patayin. Nakatutok sa akin ang hawak niyang espada habang sa likuran niya ay ang mga nasusunog na bahay at ang mga tao na nagmamakaawa upang mabuhay.

"Dahil sa'yo kaya nangyayari ang lahat na ito! Dahil sa iyo kaya kami naghihirap!" Sigaw niya. Puno ng galit ang tono ng kanyang boses.

Tama siya. Dahil sa akin kaya naghihirap silang lahat. Dahil sa akin kaya sila namamatay. Lahat kasalanan ko. Simula ng mabuhay ako ay nagsimulang magkagulo ang lahat. Siguro mas mabuti pang mamatay na lang ako.

Humakbang ako papalapit sa kanya. Inihanda naman niya ang kanyang sarili dahil sa aking biglaan na paglapit.

Wala sa sarili na itinaas ko ang aking kamay at dahan dahan na hinaplos ang matalim na parte ng espada. Napangiti ako bago tuluyan na hinawakan ang matalim na parte ng espada at isinaksak sa aking sarili.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mata dahil sa aking ginawa ngunit hindi ko na iyon binigyan ng malalim na pansin, mas lalo ko lamang idiniin ang espada sa aking sarili.

Ramdam ko ang dulot nitong sakit sa kaloob looban ko. Sumuka pa ako ng dugo kasabay ng aking pagkaluhod maging ang pagtulo ng mga luha galing sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan.

Mas magiging maayos ang lahat sa ganitong paraan. Mamatay man ako, hihinto naman pansamantla ang kaguluhan na sinimulan ko.

Unti unting sumilay ang isang mapait na ngiti sa aking labi habang siya ay hindi parin makapaniwala dahil sa aking ginawa.

Nabitawan niya ang espada kaya hinugot ko iyon sa aking sarili. Nakita ko ang pagdaloy papalabas ng aking mga dugo habang unti unti akong napahiga sa malamig na kalupaan.

Nakita ko pa ang pagkahulog ng aking korona maging ng naging dulot nitong tunog sa pagbagsak sa kalupaan.

Tiningnan ko naman siya na ngayon ay napahakbang papaatras. Takot na ang meroon sa kanyang mata. Inilibot niya ang kanyang  paningin sa aming kabuoan na ngayon ay tanging mga kalansing ng epada ang maririnig. Humahalo dito ang mga sigaw ng mga taong nahihirapan at ang mga nasusunog na bagay sa kapaligiran.

Sa huling pagkakataon ay tumingin siya sa akin bago tumalikod at tumakbo papalayo sa akin, papalayo sa gulo.

Napaubo naman ako ng dugo.

Tiningnan ko muna ang aking kamay at gamit ang natitirang lakas ay ginamit ko ang aking mahika.

Nabuo ang kakaibang mahika sa aking kamay. Lumaki ito na para bang bola. Sinundan ko ng tingin ang aking mahika na sinundan siya hanggang sa naramdaman ko na lamang na bumalot na iyon sa kanyang katawan.

Nagsimula naman magdilim ang aking paningin maging ang aking katawan ay nagsisimulang manghina na din.

Sa huling hininga ko ay ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ibalot ang buong isla ng aking isang mahika.

Mahika na kung saan papaniwalaan lamang nilang lahat ang isang ilusyon. Ang ilusyon na magliligtas sa kanilang lahat hanggang sa dumating ang tamang panahon na kung saan malalaman nila ang katotohanan.

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon