Chapter 12: The Test

21.1K 837 20
                                    

Nakatayo lamang ako sa gitna ng training room habang nasa likod ko ang aking mga kaibigan. Ang mga kaklase namin at Royalties ay nakatingin lang sa amin at si Ynna at Mich naman ay nakangisi lamang sa amin.

1 ng sakto kami makarating dito sa training room kasama ang mga Royalties. Pagkapasok pa lang namin nakita agad namin ang aming mga kaklase na mukhang naghihintay ngunit sina Ynna at Mich ay wala pa.

Meroon din na iilan na taga ibang section pero ang dati namin na mga kaklase sa Glass Section ay lahat nandito at nakangiti sa amin.

Hindi nagtagal dumating ang dalawa at sinabihan kaming tumayo sa gitna ng training room na ngayon ay nagawa na namin.

"So are you ready?" nakangising tanong ni Ynna.

"Kind of." sagot naman ni Alys.

"Simple lamang ang gagawin ninyo. Kailangan niyo lamang matalo ang kalaban at makaalis. Pero kung matalo kayo o sumuko kayo mismo ibigsabihin lang nito ay dapat umalis kayo sa section namin." muling pahayag nito.

We nod as an agreement.

"Now let the battle begins." nakangising saad naman ni Mich.

"Bring it on." nakangiti naman na hamon ni Monique.

"As you wish." kasabay ng sinabi ni Ynna ang pag bukas niya ng kanyang mga palad at pagtutok nito sa amin.

Isang magic circle na orange ang pumalibot sa wrist ni Ynna at umikot ito ng dahan dahan.

"What are you-" hindi ko na natuloy ng aking sasabihin ng biglang napahawak sa kamay ko si Cyrille at napaluhod.

"Mi-Miyuri im sleepy." biglang saad nito na nagpakunot sa noo ko.

"Anong - Cyrille!" tatanungin ko na sana ito ng biglang itong napahiga sa sahig na parang nahimatay at ganoon din ang nangyari sa iba ko pang kaibigan.

"My, my, Hindi ko akalain na hindi tatalab sayo ang special ability ko." nakangisi pa rin na saad ni Ynna.

"What did you do?" i asked her.

"Well i just put them to sleep, ngunit hindi lamang yan because they're inside my illusion." wika nito.

"Illusion?" I mumbled.

"It's my special ability Miyuri Cy. Once na makatulog ka mapupunta ka sa isang illusion na kung saan hinding hindi mo kayang takbuhan." mas lalong lumapad ang ngisi nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"By the way, kapag hindi ka nagising sa aking illusion it might lead to an endless sleep." dugtong ni Ynna.

Napakuyom ang mga kamay ko sa aking mga narinig. Hindi ko akalain na siya ang tinatawag nilang Death Illusioner, tiningnan ko ang aking mga kaibigan na ngayon ay meroong nakapabilog na magic circle sa kanilang ulo habang dahan dahan na umiikot.

"Since hindi gumana sayo ang illusion ko, i guess wala akong choice but to summon him." muling salita nito.

"Summon? Him?" nagtataka kong sinabi.

Ngunit imbis na sagutin ako nito bigla niyang tinaas ang kanyang kamay, pagkatapos ay tinutok sa akin at meroong sinabi.

"I Ynna Peter, the red fire holder and the holder of the Death Illusion summon you, Eiros!"

Kasabay ng huling salita na binanggit nito ay ang paglitaw ng isang dragon na kulay pula.

Maraming nagulat habang ako ay nakatingin dito. Napakalaki nito at mapupula masyado ang mata na nakapagpataka sa akin.

"Kill her Eiros!" utos ni Ynna habang ang dragon ay unti unting tumingin sa akin habang nanlilisik ang mata.

Bubuga pa lamang ito ng apoy sa dereksyon ko ng dali dali kong hinawakan ang kamay ni Cyrille at Monique na malapit sa akin bago nag teleport sa harap ng Royalties. Nagulat pa ang mga ito ng lumitaw ako sa kanilang harapan ngunit hindi ko na ito pinansin at nagteleport muli sa dereksyon nina Tine na kung saan binuga na ng dragon ang mainit na apoy.

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon