Chapter 30: Woke up

17.1K 664 69
                                    

( Agatha )

Isang buwan na simula ng namatay si Miyuri at ngayon ay maraming studyante ang nagtataka kung nasaan na sila. Sinasabi na lamang namin na may importante silang inaasikaso na kailangan nilang umalis sa paaralan na ito

Alam kong hindi kumbinsado ang dating kaklase ni Miyuri ngunit hindi na nila pinansin

Ngayon ay nandito ako sa open ground at nakatingin sa kalangitan na napakaganda.

Napapikit ako at ramdam ko ang luha na tumulo sa aking mata ng maalala ko ang ngisi ni Miyuri.

Hindi man naging matagal ang pinagsamahan naming lahat ngunit alam kong naging totoo ang trato ni Miyuri sa amin

Iminulat ko ang aking mata na mayroon mga luha na patuloy na tumutulo

"As you promise Miyuri. Let's meet again."

( Third Person )

Mortal World....

Pumasok ang isang nurse sa private room kung saan nakahiga ang babaeng naka coma dalawang taon na ang nakalipas. Isang car accident ang dahilan at hindi ito nag iisa sa pagkakacoma dahil pati ang mga kaibigan nito ay nakacoma at may sarili din na private room

Tanging binibisita lamang ito ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang magulang

Halos hindi pa nga sila makapaniwala ng makita ang duguan nitong katawan na halos mawalan na ng hininga

Mabuti na lamang dahil naging maayos lamang ang lahat at sa awa ng diyos ay mayroon pa rin itong pag asa na mabuhay muli

Linapag ng nurse ang bulaklak na pinadala ng nagpakilala na kuya nito. Tiningnan din ng nurse ang mga nakakabit sa katawan ng babae upang malaman kung maayos lamang ang lahat ngunit bigla itong natigagal ng dahan dahan na nagmulat ng mata ang babae

Gulat ang nurse na nakatingin sa babae at dali daling lumabas upang tumawag ng doctor. Linibot ng babae ang kanyang paningin at alam niyang nasa hospital niya

Nakakaramdam siya ng sakit sa may bandang puso maging sa ulo. Sinubukan niyang galawin ang kanyang kamay ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor kasama ang nurse kanina

Tiningnan siya ng dalawa na para bang hindi din makapaniwala at ng mabalik sa realidad ang doctor ay kaagad naman nitong tiningnan ang kalagayan

May mga katanungan ito sa kanya na tanging pagtango at pag iling lamang ang kanyang mga naging sagot

Hindi ito tumigil hanggang sa masigurado na maayos lamang siya at sa awa ng diyos mukhang normal lamang ang lahat.

Biglang bumukas muli ang pintuan at pumasok ang nurse na hinihingal bago nagsalita

"Doc, the others are also awake"

Nagpaalam naman ang doctor sa kanya papaalis at lumipat sa katabi niyang mga kwarto kung nasaan ang isa pa sa kanyang kasama na nauwi sa coma

Katulad ng ginawa ng doctor sa naunang babae ay kaagad niyang tiningnan kung maayos lamang ito maging sa iba pang kasama ng babae na nauwi sa coma

Hindi makapaniwala ang nurse at ang doctor. Sa apat na taon na pagiging doctor niya ay ngayon lamang meroong pasyente ang nagmulat ng kanilang mga mata ng sabay sabay

_

After 1 week.

Nakatayo ang babaeng nagising na galing sa coma habang nakatingin sa labas ng bintana na makikita ang pagbubuhos ng ulan.

Hinawakan niya ang bintana at hinaplos ito ng bigla bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang kapatid na lalaki

"Welcome back, Vi"

Tiningnan niya ito ng mabuti at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita

"It's good to be back"

Natawa naman ang kanyang kapatid dahil sa kanyang sinaba. Umupo naman ito sa sofa at muling nagsalita

"So, what now? Ano ang balak mong gawin kapag nakalabas ka na sa hospital na ito?"

The girl shrugged. "What else? Babalik ako sa normal kong buhay"

Napailing naman ang kanyang kapatid na lalaki. Kahit kailan ay hindi parin ito nagbabago

"What about Silver? Wala ka bang plano na makita siya? Isn't he your lovely man?" muling tanong ng kanyang kapatid na lalaki. "He always visit you back then. Halos walang araw na sinayang 'yung tao. Sadly, kailangan niyang bumalik sa Cratidier. He's the ruler of that world, afterall."

"No worries. Soon, magkikita muli kami" masayang anas ng babae

"You really like him, do you?"

The girl grin. "It's more than that. He is just really likable."

"Or more like lovable" komento ng kanyang kapatid na ikinalawak na lamang ng kanyang ngiti

"But seriously, what's your first plan" muling tanong ng kapatid niyang lalaki

"I'll just go with the flow" tanging sagot ng babae

Umayos ng pagkakaupo ang kapatid niyang lalaki bago ito nabuntong hininga

"Aren't you planning to go back?" hindi naman nito napigilan na tanong. "You already started everything"

Dahan dahan sumilay ang isang ngisi sa labi ng babae at muling napatingin sa binta

"You're right. It's such a shame to leave everything behind now. I will have to end everything."

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon