Chapter 51: No goodbye's

20K 605 115
                                    

Nakatingin ako sa mga Royalties na ngayon masayang nag uusap usap. Kita ko sa kanilang mga mata ang saya lalo na ang kagalakan sa kanilang mukha. Masaya sila ng malaman kung sino ang Emperatris na para bang napakaganda ng balita na kanilang nalaman.

Uminom ako sa kape na nasa aking harapan ng marinig ko ang kanilang mga pinag uusap usapan.

"Ngayon na alam na natin kung sino ang Emperatris siguro naman may plano ka ng magkaroon ng fiance kahit papano, Kiyan?"

"Oo nga naman, sino ba ang gusto mo?"

"Of course it's the Empress. Kiyan wouldn't choose someone na galing lang sa mababang uri."

Sa tono ng pananalita ni Dominique alam kong may pinariringgan ito. Natahimik ang iba na para bang alam din nila ang ibig sabihin ni Dominique habang ako naman ay ngumiti naman sa kanila ng kaunti.

"Miyuri."

Liningon ko ang babaeng tumawag sa aking pangalan at nakita si Nova. Binigyan ako niya ng senyas na lumapit. Tumayo naman ako at naglakad papalapit sa kanya, ng makarating ako sa kanyang pwesto bigla siyang nagsalita.

"Nandito ulit ang parents mo."

Napaseryoso ako ng mukha dahil sa aking narinig. Hindi ko alam kung bakit na naman sila nandito at kung ano ang kanilang gusto. But i know na may pagagawin na naman sila sa akin o sa amin.

Nakarating ako sa meeting room at nakita sina Hm Tanya, Serafhina, Kuya Tyron, at ang aking mga kaibigan na nakaupo. Syempre hindi mawawala ang aking magulang na nakaupo na nakatingin sa akin.

Umupo ako sa bakanteng upuan at ng nakayuko sa kanila, hinihintay ko na magsalita sila upang sabihin sa akin ang kanilang kailangan.

"You have to go back." Iyon ang unang lumabas sa bibig ng aking ina.

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ng aking ina. Mababakasan ng pagkagulat ang aking mukha habang nakatitig sa kanila.

"What?" Tanong ko.

"You're going back."

"But mother, i can't."

"You have no choice, Miyuri."

Napatikom ako ng bibig dahil sa biglang tanong ng aking ina. Hindi ako nakapagsalita na napatitig lamang sa kanyang mukha.

"Why do i have to go back?" I asked again.

May pinaslide siyang folder sa aking direksyon na kaagad ko naman binuksan. Nandoon ang isang limang uri ng halimaw na mahahalata agad sa litrato na naglalakihan ito. Mukhang alam ko na kung bakit.

"It's a new mission."

Napangisi na lamang ako dahil sa sinabi ng aking ina before i run my hand through my long black hair.

"So? I'm the only option."

"Yes."

Napatitig ako sa aking ina. Pinagmasdan ko siya ng mabuti bago napailing. I know from this very moment, wala na akong choice.

"Fine."

Agad akong tumayo matapos ng aking sinabi at umalis. Hindi ako nagsayang ng oras dahil kaagad na akong dumeretso sa aking kwarto at nagsimulang mag impake.

Tatapusin ko agad ang misyon at babalik dito. Ayoko ng tumagal pa sa lugar kung saan pwede nila akong malapitan ng napakadali.

Bumaba na ako agad matapos kong maimpake ang aking gamitm. Dala ko ang aking maleta ng makasalubong ko ang aking mga kaibigan na nakaimpake din.

Kumunot ang aking noo dahil sa nakita. Napatitig ako sa kanila ng nagtataka kasabay ng pagsalita ni Enzo.

"We're coming with you."

Aayaw na sana ako ngunit biglang nagsalita naman si Tine at Aly.

"Please Miyuri..."

"Mas magandang magkakasama tayo para mas mapapabilis ang lahat diba."

Napangiti na lamang ako sa kanila at walang nagawa kundi ang pumayag. Agad naman kaming naglakad papalabas kung saan meroong nakahanda ng kotse.

Ngunit hindi pa man kami nakakalapit dito ng may bigla akong narinig na boses.

"Where are you going?"

Napatigil ako ng marinig ko ang boses niya. Lumingon ako sa kanila at nakita siya na magkahawak kamay sa Emperatris. Napangiti na lamang ako ng mapait bago sila liningon at nagsalita.

"May binigay sa akin na misyon ang aking magulang kaya kailangan namin umalis."

Kita ko ang pangungunot nila ng noo lalo na ng mapadpad ang kanilang mga mata sa aming maleta. Mababakas sa kanilang mukha ang hindi pagkapaniwala.

"May misyon kang tatapusin sa kalagayan na ganyan o baka aalis ka dahil nagseselos ka. Siguro alam na ninyo na ang dapat niyong lugar ngayon kasama na namin ang Emperatris na kinakatakutan ng lahat."

Liningon ko si Dominique dahil sa kanyang mga sinabi ngunit imbis na magalit napangisi na lamang ako bago nagsalita.

"First of all wala akong pakialam kung maniwala ka man, second hindi ako ang tipo ng tao na magseselos sa bagay na hindi ko naman dapat ikaselos. Third i don't care if you already knew the Empress and for the last, you should never use the word na kinakatakutan ng lahat-"

Itinigil ko muna ng aking sasabihin bago nakangisi na hinagod ko ng tingin ang Emperatris mula ulo hanggang paa at tinitigan siya ng deretso sa mata bago muling nagsalita.

"Because never in my life i ever felt afraid to the Empress. The Empress itself should fear me the most."

Simple lamang ang sinabi ko ngunit merrong diin. Sa huli ko din na sinabi ko ay nakita ko ang pagkakaroon ng takot sa mukha ng Emperatris habang si Dominique ay napataas ng kilay.

Malungkot naman na lumapit sa akin si Agatha at yinakap ako.

"Bye for now."

Tumango ako kay Agatha. Bumitaw ako sa pagkakayakap before i look at the other Royalties except kay Dominique na nakasimangot na nakatingin sa akin.

Nginitian ko muna sila bago nagsalita.

"No goodbye's. We will all be together again."

They nod habang ako naman ay tiningan si Rage na ngayon nakatitig sa akin. Tumingin ako sa kanila bago ngumiti.

"Always take care."

With my word, pumasok na ako sa kotse. Hindi naman nag aksaya ng oras ang driver at kaagad pinaandar ang kotse.

I look back at nakita silang nakasunod ng tingin sa amin ngunit bago pa man ako muling humarap sa unahan. Nakita ko na hinawakan ni Rage ang balikat ng ni Clara at bago ngumiti.

Napaharap na lamang ako sa unahan at napabuntong hininga. Sumandal ako sa aking kinauupuan at napatingin na lamang sa labas.

No goodbye's, huh...

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon