Chapter 3: Newbie

35.8K 1K 13
                                    

( Cy Pov )

Cring ~~~~

Pipikit pikit pa akong bumangon kahit tinatamad akong pumasok ngayon. Tumayo na ako at ginawa ang daily routine ko sinuot ko ang gray namin na palda na aabot sa tuhod at ang white long sleeve na meroong necktie na kulay black din at ang dark grey kong cloak.

Nababase ang ability at ang lakas nito depende sa cloak na suot namin. Dark yellow cloak ay para sa mga hindi pa kontrolado ang mga ability dark grey cloak like me ay kung kahit papano nakokontrol na namin ang aming ability dark red cloak naman ay kung alam na nito kontrolin ang ability at malakas na din black cloak na may symbol naman na buwan na kulay gold sa may left side ng dibdib kapag masyadong malalakas at kung dalawa o higit pa sa dalawa ang ability katulad ng mga royalties. Meroon din na sariling uniform ang royalties and actually i like their uniform.

Sinigurado ko muna na ayos ko na ang lahat kong gamit bago lumabas sa dorm at dumeretso sa cafeteria para mag almusal.

Aaminin ko wala akong masyadong alam na mga niluluto na mga ulam pero kahit paano mayroon akong alam na kaunti sa pagluluto.

Pagkapasok ko sa cafeteria kakaunti pa lamang ang nandoon na kumakain na mga studyante may nakikita pa nga akong natutulog.

Nag order lang ako ng isang sandwish at gatas and as usual sa dati kong pwesto sa gilid umupo ako.

Habang kumakain hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan ng dalawang babae na nakaupo sa katabi lamang ng lamesa na inuokopa ko.

"I heard na may mga bagong student." G1

"Really? Saan mo naman nadinig?" G2.

"Hindi ko sinasadyang marinig ung pinaguusapan ni Hm Tanya at Sir David kaso umalis agad ako kasi mukhang seryoso ang pinaguusapan nila." G1.

"Tungkol saan kaya?" G2.

"Hindi ko alam pero bago ako makaalis may narinig pa akong binanggit ni Hm Tanya." G1.

"About what?" G2.

"Tungkol daw sa isang misyon eh.." G1.

Umalis na ako, hindi ko na pinakinggan pa ang mga paguusap nila dahil tungkol lamang ito sa mga sinasabi nilang newbies.

Ngunit ang tumatak sa isip ko ay ang sinasabi nilang misyon. What does it mean?

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa room at napabuntong hininga na lamang ako. Pagkapasok ko pa lamang napansin ko agad ang mga kaklase kong iba iba ang ginagawa mayroong pinaglalaruan ang bola ng basketball, nagchichismisan, sa gilid naman mayroong nagaasaran syempre hindi mawawalan ng mga naghahabulan.

Dumeretso ako sa aking upuan at hindi mapigilang mapangiti, actually our section ay para lahat sa mga semi ability lamang isa na doon ang invisibility, mind reading, at telepathy ang tawag din sa section namin ay Glass Section ang pumapangalawa din sa Special Class.

Pero masaya ako sa section na ito lahat kami pantay pantay ang tingin sa isa't isa tinuturing nilang pamilya ang lahat na nabibilang sa section na ito o sabihin na natin section namin.

Ako dumitistanya lamang ako dahil na sanay na akong magisa minsan ko lamang sila kausapin ganoon din sila sa akin. Alam nila kung kailan ako kausapin at kailan hindi they really friendly unang pagtapak ko pa lamang dito sa room tanggap na nila agad ako kaya kahit papano masaya na ako.

Natigil ang pagiisip ko ng dumating si Sir David ginalaw pa nito ang kamay na para bang may sinisenyasan sa labas ng pinto.

"Ok guys settle down." Sabi nito, dali dali naman na nagsiupuan ang mga kaklase ko.

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon