Special Chapter [ Untold Part ]

19K 604 335
                                    

Napangiti ako ng malawak ng tuluyan akong makalabas sa hospital. Grabe! Ako talaga ang nahuling makalabas sa hospital. Si na Enzo ay nauna na sa akin isang linggo na ang nakalipas.

Mas nanghina kasi ang katawan ko sa kanila ng mahati ang aming kaluluwa.

"Anong plano mo, Sis?"

Tumingin ako sa aking kapatid na aking kasama bago ko tiningnan ang aking relo.

"Wala naman akong importanteng gagawin. Maybe maglalakad lang ako." I stated.

He frown. "Umuwi ka na lang kaya. Kailangan pa ng katawan mo ng sapat ng enerhiya baka kung ano pang mangyari sa'yo sa daan."

Natawa naman ako sa aking kapatid. Kahit kailan talaga ay masyado siyang maalalahanin.

"Huwag kang mag aalala, okay na ako. I'm not weak." Natatawang anas ko.

Napasimangot naman ito sa aking sinabi kasabay ng paghikab ko. Puyat pa talaga ako. I don't have enough sleep last night.

Wait! Speaking of night.

Sumilay ang isang ngisi sa aking labi. Kinalabit ko ang aking kapatid na nakatingin na sa daan dahilan para kumunot ang kanyang noo.

"Pumunta tayong Cratidier." I said excited.

"Ano naman ang gagawin natin do-" Nanlaki bigla ang kanyang mata ng ma realize ang aking sinabi. "Don't tell me pupuntahan mo siya?"

Tumango ako. "Uh-huh. Gusto ko siyang makita. May karapatan naman siyang malaman na gising na ako. Ikaw na nga nagsabi na parati niya akong binibisita noong naka coma ako."

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Frustrated na tinitigan niya ako. I remain smiling like a cute girl.

"Are you serious?" He asked.

"Yup!" i said popping the p. "Miss ko na din siya e."

Umawang ang kanyang bibig dahil sa narinig. Ako naman ay nanatili na masayang nakatitig sa kanya.

"Kung hindi lang kita kilala baka iisipin kong handa kang magpabuntis sa kanya."

I raise my eyebrow. "Bakit naman?"

"Hell! Dikit ng dikit ka sa kanya ng parang rumi. Parati mo din siyang ginugulo. Kung nasaan siya nandoon ka. Ano siya tae, ikaw langaw?"

I grimaced. "That's just disgusting kuya."

He shrugged and shake his head.

"You know? Both of you are so weird right now."

Sabay kaming napatingin sa nagsalita at nakita si Monique at Ethan na magkasama. Sa likuran nila ay ang isang kotse. Mukhang nandito sila para sunduin kami ni Kuya.

Sinamaan ko ng tingin ang aking kapatid na napailing.

"Sige na kasi Kuya. I really want to see him."

Bumuntong hininga siya. "Uwi na lang muna kayong dalawa. May gusto pa daw kasing puntahan ang babae na ito."

Nagkatitigan muna si Monique at Ethan bago sabay na tumango. Muli silang pumasok sa kotse habang hinila naman ako ni Kuya sa isang madilim na lugar.

Sinigurado namin na walang tao bago siya gumawa ng portal. Walang pag aalinlangan na pumasok ako doon.

Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo dahilan para mapapikit ako ngunit kaagad naman itong nawala.

Iminulat ko ang aking mata at napansin na mukhang na sa labas ako ng isang opisina.

Inilibot ko ang aking paningin sa aking kapaligiran at nakita na meroong iilang estudyante ang naglalakad.

May dumaan pa nga sa aking likuran na mga estudyante at narinig ko din ang kanilang pinag uusapan.

The Mystery In Her [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon