Chapter 9

3.2K 97 6
                                    


       
     

Closeness

             
-❇Zen's POV❇-

     
Ang bilis talaga lumipas ang oras. Hindi ko akalain sa tapos na ang June. It means isang buwan ko na dito sa paaralang ito.

   
Simula noong kwinento ko kay Aspen ang tungkol kay papa naging mas malapit pa siya sakin. Sa first class namin palagi siyang tumatabi. Kahit present yung katabi ko gumagawa pa rin siya ng paraan para makatabi. Minsan nga kahit ayaw na ng kasama ko nagpupumilit pa rin siya na magpalit sila ng upuan.

    
Sa second subject naman ganun din. Sa third at fourth subject naman nakikisit in siya. Ganon din kapag hapon. Ewan ko ba sa kanya. Hindi ko alam kung ano o sino ang sumanib pero isa lang ang alam ko... naging iba siya.

"Good morning!"
haay...speaking of.

 
Nandiyan na siya. Wala pa ang katabi ko kaya malaya siyang nakaupo. Pero kahit nandiyan yung katabi wala din namang silbi yun. Im sure paaalisin niya lang.

 
"Morning." nakangiti kong sabi.

Mas lumapad pa ang ngiti niya.

 
 
"Maaga ka. Wala pa yung mga kasama mo?" tanong ko nang may mapansin.

 
"Hmm...wala pa. Sinadya ko talagang maaga pumasok ngayon."

"Bakit?" tanong ko.

"Maaga ka kasi pumapasok" sabi niya at ginulo pa ang buhok ko. Hubby na niya yan simula noong naging close kami.

"Anong ibig mong sabihin dun?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko na ginulo niya.

Hindi niya sinagot yung tanong ko at tumawa na lang. Tumulong siya sa pag aayos ng buhok ko at pinabayaan ko na lang siyang ayusin yun ng mag isa. Siya naman gumulo eh!
    

 
Hinuli niya ang mga nakaharang sa mukha ko at isinabit sa likod ng tenga ko.

Habang ginagawa niya yun nakita ko namang pumasok yung limang kasama niya. Pang huling pumasok yung Ace. Diretso ang tingin ko sa blackboard na parang may masosolve dun. Kahit isang linggo na ang lumipas naiilang pa din ako sa kanya. Hindi pa din makatingin ng diretso.

Diretso ang lakad niya patungo sa kanyang upuan. At walang pakialam na inilagay yung bag niya sa upuang kaharap. Natakot tuloy umupo yung may ari nun.

Tamad na umupo at walang hiyang yumuko para...you know, matulog! Pumapasok lang yata ito para matulog.

Mukhang wala naman silang pakialam kung maaga o late ang kasama nila.

"Walang Laban?" dinig kong bulong ni Aspen kay Thunder.

  
Laban?

Umiling si Thunder kaya tumango naman si Aspen na parang alam na niya.

"Ano yung sinabi mo?" sawsaw ko.

Tumawa lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.

Maya Maya dumating na si Sir Agustin kaya umayos na kami ng upo ni Aspen.

 
Nakikinig ako sa sinasabi ng Sir namin nang napansin kong lumapit ng kaunti si Aspen. Magkadikit na ang braso naming dalawa na parang sinasadya niya. Tinignan ko siya pero para namang wala lang yun sa kanya.

Nanatili na magkadikit ang braso namin. Hanggang sa nasanay ako at hindi na pinansin yun.

May sinusulat si Sir Agustin sa board kaya inilabas ko ang notebook ko para magsulat din.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Où les histoires vivent. Découvrez maintenant