Chapter 72

2K 62 15
                                    

Pamilyar

-❇Zen's POV❇-

"Ate Zaih!"

"H-huh?" Halos mapatalon ako sa gulat.

"Ano ba ang iniisip mo? Kanina ka pa tulala," Takang tanong niya.

"Ah, w-wala, Venice."

Bumuntong hininga siya, "Hindi rin lang naman kita makakausap ng matino, sasabihin ko na lang sa'yo ito. Babalik mamaya ang Doctor ni kuya kaya hihilingin ko sana sa'yo na bantayan ang magaling kong kapatid. Baka kasi tumakas na naman."

Ngumiti ako ng pilit, "Ganoon ba? Sige, titingnan ko kung aalis na naman siya." Tumigil ako sa pagpupunas, "Palagi ba siyang umaalis kapag nandiyan ang Doctor niya?"

"Oo, Ate. Kung saan saan siya pumupunta. Ayaw niya kasi talaga sa mga Doctor, mga wala daw kasi silang kwenta. Minsan nga noong pumunta si Doctor Pascual dito lumabas siya at gabi na umuwi. May nagsabi sa amin na nanggaling daw siya sa bar kasama sina Kellin at Whelan. Mga kaibigan niyang wala ring kwenta." Umirap pa siya.

Tumango ulit ako. Wala pa rin sa sarili. Dalawang araw na ang nakalipas mula noong may naalala akong pangyayari na hindi pamilyar sa akin. Pagkatapos non ay hindi na yun nasundan kaya ipinagsawalang-bahala ko na lang.

Baka panaginip lang yun na naalala ko.

"Kahit hindi sabihin ni kuya alam kong may sama siya ng loob kay Tito Dominic. Kaya tinataguan niya ito." Malungkot niyang sinabi.

Kumabog ang dibdib ko, "B-bakit daw?"

Tumingin siya sa akin, "Basta! Wala yun, Ate! Dalawang taon na rin ang lumipas."

"Dalawang taon? Ano ang dahilan at bakit may sama ng loob si Ace sa Tito niyo?"

"K-kasi dahil kay Tito nawala kay kuya ang babaeng mahal niya. Malihim si kuya pagdating sa buhay pag-ibig niya kaya nalaman ko lang na may girlfriend siya noong na-aksidente ang babae. H-hindi ko na nga masyadong matandaan ang mukha non." Tumigil siya at napakurap kurap, "Ang naaalala ko, pinipilit ni kuya na tingnan ulit nila ang babae pero walang nakinig. In-operahan ni Tito ang babae, yun nga lang nagkamali si Tito sa operasyon."

Nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakapos rin ng hininga at parang pinipilipit ang puso.

"Hindi natulog si kuya dahil binantayan niya ang girlfriend niya. Kina-umagahan non ay basta na lang iniwan ni kuya ang babae. Pumunta kami dito sa France at nanirahan ng isang taon. Wala na akong alam kung ano ang nangyari sa girlfriend niya. Ang alam ko lang pumunta ang babae sa Cebu, pagkatapos non wala na."

"S-sa Cebu?"

Tumango siya tsaka nagpaalam na may pupuntahan. Lutang ako habang naglilinis sa kusina. Kinakabahan ako sa kwento ni Venice.

Ang lahat ng yun nakita ko na kahapon. Ang sinabi niya ang mismong nakita kong pangyayari kahapon. Hindi na yun panaginip.

Babaeng mahal ni Ace? Nagmahal na pala siya noon pa lang.

Itinigil ko ang paglilinis para makapunta sa taas. Sabi ni Venice bantayan ko si Ace kaya yun ang gagawin ko. Siguro may pupuntahan na naman ang batang 'yon kaya ako ang sinabihan niya.

Yun nga lang kahit saan lupalop pa ako maghanap hindi ko makita si Ace. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya, pumasok din ako sa banyo niya pero wala siya doon.

Napapagod na ako kaka-ikot sa mansyon nila pero ni anino niya hindi ko makita. Sa sobrang pagod ay umupo na lang ako sa hagdanan. Bakit pa kasi ngayon nawala ang taong 'yon?

Naalala ko na naman ang kwento ni Venice kanina. Yun siguro ang dahilan kaya kapag nandito ang Doctor ay palagi siyang wala. Naging kami pero hindi niya pa yun nai-kwento sa akin kahit minsan.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now