Chapter 80

5.2K 125 136
                                    


Unexpected

-❇Zen's POV❇-

Umuwi din kami kaagad ni Ace matapos matanggap ang resulta ng exam ko. At laking pasasalamat ko dahil nakapasa ako. Akala ko talaga hindi na.

Lutang pa ako nang sinabi nilang nakasali ako sa nakapasa. Parang ayaw pumasok sa isip ko yun matapos kong nakalimutan ang sagot sa calculus na yun.

Bale sa susunod na lunes pa ang totoong klase namin. Pareho lang din kasi dito ang pinas. Pakilala muna sa una sa lahat bago ang totoong klase.

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa shoulder bag ko. Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ni Doctor Cruz para kausapin siya tungkol sa pag-aaral ko.

Aaminin kong hindi ko talaga kayang pagsabayin ang pag-aaral, pagiging tagalinis ng kuwarto, at ang pagbabantay. Magiging kaunti lang ang oras ko sa pag-aaral kapag ganon, idagdag pa ang pagbisita kay Mama tuwing sabado.

Ngiti ang ibinungad ko kay Doctor Cruz. Kinakabahan ako. Kung hindi lang niya ako pinakiusapan walang dahilan para tanggapin ko ang alok niya. Kaso nakakaawa naman kasi ang taong nakaratay ngayon dito.

"Hija..." Tawag niya.

"Good morning po." Nahihiya kong sinabi.

"Good morning din. Bakit ka nga pala nandito?"

"Uhh... Pwede po ba tayong mag-usap?"

Kumunot ang noo niya, "Ngayon na, hija? Kaso may lakad ako at—"

"Hindi naman po tayo magtatagal. May sasabihin lang po ako." Putol ko sa sinabi niya.

Nakakunot pa rin ang noo niya pero sa huli ay tumango na lang. Niluwagan niya ang pagbukas ng pinto kaya pumasok na ako don. Naglakbay ulit ang mga mata ko sa mga detalye sa mansyon niya.

"Maupo ka muna dito, hija." Alok niya sa isang sofa.

Umupo ako doon habang hindi inaalis ang tingin sa malaking painting na madadaanan pag aakyat sa taas. Nandon si Ace. Sa tingin ko buong pamilya nila yun.

Nakaupo ang dalawang matanda na sa tingin ko ay lolo at lola ni Ace. Nandon din si Tita Armina, nasa likod niya ang nakakunot noong si Ace at ang kapatid naman nito na si Venice. Hindi gaya ni Ace, grabe kung makangiti si Venice sa painting.

"May gusto ka bang kainin o inumin, hija?" Tanong ni Doctor Cruz.

Umiling ako pero nakatutok pa rin ang mata sa painting, "Kahit ano na lang po."

Umalis siya para siguro maghanda ng kahit ano sa kusina. Dinaanan lahat ng mata ko ang mga taong nandoon sa painting. Asawa at anak ni Doctor Cruz, mga anak at apo rin ng lolo at lola ni Ace, kasama na doon si Tita Armina.

Natigil ang mata ko sa isang taong nakatayo sa tabi ni Tita Armina. Saktong nasa likod nito si Ace. Kumunot ang noo ko habang inaalala ang mukha non. Ang pamilyar ng mukhang yun. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang maalala.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay dumating si Doctor Cruz bitbit ang isang tray na may pagkain at inumin. Inilapag niya yun sa centre table tsaka siya umupo.

"Ngayon, ano ang 'yong sadya dito, hija?"

"T-tungkol lang po sa pagbabantay ko..." Huminto ako saglit at napatingin ulit sa painting na kanina ko pa tinitingnan.

Nakita ko na ang taong 'yon. Sigurado ako. Pero saan nga ba?

"May problema ba, hija? Anong tungkol sa pagbabantay mo?"

Ipinilig ko ang ulo at tumingin ulit kay Doctor Cruz, "Sasabihin ko lang po na dahil mag-aaral na ako wala po akong masyadong panahon para bantayan ang pasyente niyo. Kaya..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now