Chapter 47

1.9K 59 2
                                    

Plan

-❇Storm's POV❇-

"Aalis ka na ba talaga?" Tanong ng nagmamaneho na si Nathan.

Huminga ako ng malalim. "Yon ang sabi ni lola."

"Paano na ang grupo? Hindi na kayo babalik." Tanong ni Thunder.

"Balita ko sasama din si Ace. Paano niya iiwan si Zaih?" Tanong ni Jun.

"Ang tanong makakaya niya ba?" Sabat na tanong naman ni Josh.

"Yon nga ang problema. Ayaw niyang umalis dito." Sagot ko.

"Ang hirap ng sitwasyon niya. Mahirap iwan ang taong mahal mo." Ani Nathan.

Nagkatinginan sina Jun at Josh at sabay na ngumisi. Napailing na lang ako. Mukhang walang alam si Nathan dahil abala siya sa pagmamaneho.

"Kung makapagsalita ka. Bakit naranasan mo na ba?" Patuyang tanong ni Josh.

Hindi sumagot si Nate. Binuksan ko ang bintana ng kotse at tumingin sa labas.

"Hindi ka sumagot. Naranasan mo na ba talaga?" Kuryosong tanong ni Jun.

"Pabayaan niyo na si Nathan. Ngayon na nga lang tumibok ulit ang puso niya." Natatawang sabi ni Thunder.

"Nakalimutan mo na yata ang kapatid ni Storm, eh." Asar ni Jun.

Nag tawanan silang lahat. Kung wala lang akong iniisip ngayon makikisabay ako sa kanila.

Tama ang sabi ni Nathan. Mahirap iwan ang taong mahal mo. Alam kong may binabalak si Ace para hindi siya mapilit ni lola na umalis. Kilala ko ang pinsan ko. Masyado siyang matalino kaya hindi nakakagulat kong malalaman ko na lang isang araw na may ginawa na siyang problema.

Gagawin at gagawin niya ang lahat hindi lang siya makaalis. Para maiwan siya dito. Para makasama niya si Zaih. Hindi ko lang alam kung ano ang pinaplano niya ngayon.

"Saan ba nagpunta si Ace?" Biglaang tanong ni Thunder na nagpabalik sa akin.

Bumuntong hininga si Nathan. "Wala rin siya kahapon."

"Hindi ko alam. Baka may binabalak." Sagot ko nang hindi sila tinitingnan.

"Ang taong yon talaga. Hindi man lang nagsasabi." Ipinarada ni Nathan ang sasakyan sa tapat ng mansyon.

Nasa condo ako kanina kasama sila nang tumawag na naman si lola. Hinatid lang nila ako dito. Bumaba ako sa sasakyan at tiningnan sila.

Yumuko si Nathan para masilip ako. "Kung nandiyan si Ace sabihin mo pumunta siya sa bahay nila Zaih. Umiyak pa naman yon kahapon."

"Umiyak?" Kumunot ang noo ko.

"Sabi kasi ni Ace pupunta siya. Wala namang Ace na dumating."

"Sige. Sasabihin ko." Tumango ako.

"Ge. Alis na kami." Paalam nila.

Humarurot ang sasakyan paalis. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Nag iingat na kasambahay ang unang nakita ko. Dali dali niyang binaba ang hose at mabilis na naglakad papunta sa akin.

"Sir Storm ang lola niyo nasa garden kasama ang Tito Felix niyo po." Magalang niyang sinabi tsaka bahagyang yumuko.

Sinulyapan ko ang garden na hindi gaanong kita mula rito. Ibinalik ko ang tingin sa kasambahay na halatang kinakabahan. Tinanguan ko ito. Mabuti naman at natauhan na.

Nilagpasan ko siya at dumiretso na sa garden. Nakabukas na naman ang sliding door kaya pumapasok ang hangin sa loob. Ayos lang yon para makalanghap naman si lola ng sariwang hangin.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Donde viven las historias. Descúbrelo ahora