Chapter 38

2.2K 68 5
                                    


Secret

-❇Zen's POV❇-

"Oh! Hi, Zaih!" Hyper na bati ni Kai.

Hindi ko siya pinansin ngunit umupo siya sa tabi ko. Agad kong binuklat ang libro at nagpanggap na binabasa ito. Ang gandang bungad sa umaga.

"Ang aga mo yata ngayon? At, oo nga pala, nakita mo ba si Nathan? Kanina pa siya wala, eh.

"Maaga akong nagising at..hindi, hindi ko siya nakita."

"Ganoon ba, nakakapagtaka naman." Sabi niya at mukhang malalim ang iniisip.

Bumuntong hininga ako.

"Wala pa namang tao. Aalis muna ako!" Paalam niya tsaka kumaripas ng takbo.

Huminga ako ng malalim. Dalawang araw na rin mula nong natulog ako sa bahay nila Ace. Nawalan ako ng ganang mamasyal dahil sa pag uusap namin tungkol sa painting. Pagkatapos naming mamili ng kung ano ay nagsabi siya na may pupuntahan daw sila. Palagi namang siyang ganon. Kung bakit ngayon ko lang napansin.

Nakakatawa.

Sa dalawang araw na yon ay bihira ko lang siya makita. Ni hindi nga kami nag uusap katulad noon. Kauuwi niya lang galing France kaya dapat bumawi siya sa akin hindi yong nag shopping lang kami hindi na naman siya nagpapakita.

Ngayon nagsisisi na ako sa desisyon ko. Kung bakit kasi ako tumango kaagad. Para siyang akin na hindi.

"Nakakawala ng gana!"

Isinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. Naiiyak na talaga ako. Tiniis ko siya sa dalawang araw na yon pero mukhang hindi niya man lang yata ako naisip. Wala ba siyang paki alam sa akin? Kahit man lang bilang girlfriend niya. O baka naman, hindi niya...

"Kayo na ba?"

Nag angat ako ng tingin sa kung sinong tao sa likod ko. Napa awang ang bibig ko sa gulat. Malamig na tingin ni Aspen ang naabutan ko. Imbes na matakot doon ay nainis pa ako. Isa pa ito, hindi mo alam kung anong problema. Bigla bigla na lang hindi namamansin. Pareho sila ng pinsan niya.

"At dahil hindi ka sumagot..malamang..kayo na."

"Hindi ko alam."

Tumawa siya. Nahimigan ko ang pag iinsulto sa tawa niya kaya ko siya tinitigan.

"Hindi ko alam na madali ka palang makuha." Natatawa niyang insulto.

Kung naiinis ako kanina mas lalo na ngayon! Gusto ko siyang sampalin pero alam kong tama siya. Ang dali kong makuha. Ni wala namang ginawa si Ace para sa akin pero bakit napasagot niya ako.

Ang tanga ko.

Bahagyang lumaki ang mata ni Aspen sa gulat. Umawang ang labi niya at parang hindi na alam ang gagawin. Napakurap kurap ako nang narealize na tumutulo na pala ang luha ko kaya siya nabigla.

Mabilis akong nagligpit ng gamit. Nataranta si Aspen dahil doon kaya siya tumayo at umambang lalapit. Pero bago pa siya makalapit ay tumakbo na ako palabas.

Hindi ko pinansin ang mga taong nadadaanan ko at diretso lang ang takbo papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong nasaktan sa sinabi ni Aspen. Siguro dahil totoo yon. Ang dali ko sigurong makuha.

Tumigil ako sa basketball court. Nagpunta ako sa likod nito at sumandal doon. Pakiramdam ko malapit na akong mabaliw. Halo halo na ang nararamdaman ko. Ang pagka miss ko kay mama, ang relasyon ko kay Ace at ang sinabi ni Aspen. Idagdag pa ang babaeng nasa painting.

Iniyak ko sa likod ng court ang pagkalito ko sa mga bagay bagay. Gusto ko man ng masasandalan ngayon ay wala naman akong malapitan. Sigurado akong makakarating din kay Ace ang lahat ng sasabihin ko kapag kay Kai ako nagkwento. Ang saklap.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now