Chapter 53

1.9K 72 4
                                    

Ace and Dos

-❇Zen's POV❇-

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nangyayari ito. Ang buong akala ko hindi na ako makakaahon pagkatapos ng pangyayari na yon.

Pangyayari'ng ayoko nang alalahanin.

Ibinaba ko ang wine na iniinom at iginala ang tingin sa kanilang lahat. Nandito pa rin kami sa unit ni Kai. Dito kami matutulog dahil yun ang gusto ni Aspen.

Kumakain pa rin ang ibang kaibigan ni Aspen. Nakikipag lampungan naman si Thunder sa isang model, kung hindi ako nagkakamali ay Alexa ang pangalan niya. Nagki-kwentuhan sila Kai samantalang tahimik naman na nakaupo si Nathan sa tabi ko.

"Huwag ka masyadong iinom. Ihahatid pa kita." Sabi niya sa akin.

"Dito daw ako matutulog."

Kumunot ang noo niya, "Kaming mga lalaki ang matutulog dito. Sa tingin mo papayagan kita?!"

"Yun ang sabi ni Aspen!" Napatingin ulit siya sa akin.

Hindi siya umimik kaya tinuloy ko ang pag inom. Iinumin ko na sana ang pangalawang baso ko pero bigla niya itong inagaw at siya na ang uminom.

"Wala akong balak magbuhat ng lasing." Simpleng sabi niya.

Naiinis ko siyang inirapan at sumandal na lang sa sofa. Hindi talaga dapat ako maglalasing dahil ihahatid niya ako. Ayaw ko rin naman matulog sa unit ni Kai na puno ng lalaki.

Inakbayan ni Thunder ang isa pang babae na sa tingin ko ay kaklase namin. Hinalikan pa niya ito sa pisngi. At sa tapat pa talaga namin ni Nathan nakipagharutan.

"May isang guest room si Kai, Thunder. Doon kayo kung hindi mo na yan mapigilan." Si Karl.

Napaka straight forward naman ng lalaking ito. Hindi ko pa siya masyadong kilala dahil bihira lang naman kami magkita. Kapag may ganitong okasyon lang.

Bumaling ang babae kay Karl at bigla itong namula. Ngumisi si Thunder at inalis ang kamay sa balikat ng babae. Sa wakas.

"Pareho kayo ni Ace." Bulong ni Jonas.

Napa inom ako ng wine sa narinig. Kung pwede lang patigilin ang mga bibig nila matagal ko ng ginawa. Naiirita ako kapag naaalala ang may ari ng pangalan na yon.

Tumikhim si Nathan at pasimpleng tumingin sa akin. Natahimik naman si Jonas na mukhang may napagtanto. Kita ko sa gilid ng mata ang pag iling ng iba.

"Tama na yan." Pigil ulit ni Nathan nang makitang iinom na naman ako.

Kinuha niya ulit ang baso ko at ininom ang laman non. Umirap ako sa hangin. Hanggang kailan ba siya magiging ganito?

"Ate Zaih, 10 o'clock na. Matulog ka na." Sabi ni Kai na kakaupo lang.

Mukhang inaantok na rin siya dahil panay na ang pikit. Sumandal siya sa upuan at tuluyan ng pumikit. Tumayo si Nathan kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"Tayo na." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ito.

"Ipasok mo muna si Kai sa kuwarto niya, Nate. Tulog na, oh." Turo ko kay Kai na mahimbing na ang tulog.

Bumuntong hininga siya, "Dito ka lang."

Tumango ako kaya dali dali siyang lumapit kay Kai, binuhat niya ito sa likod at ipinasok sa kuwarto niya. Maya maya ay lumabas na siya at giniya na akong lumabas.

Malalim na ang gabi nang lumabas kami. Naghintay akong kunin ni Nathan ang sasakyan niya at nang pinarada yun sa tapat ko ay dali dali na akong pumasok.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now