Chapter 16

2.7K 73 7
                                    

      France

  
-❇Zen's POV❇-

Halos isang linggo na wala si Aspen.Nung una ayos pa ako,pero pagkalipas ng dalawang araw na hindi pa siya pumapasok nag alala na ako.

Nung inulit kong tanungin si Kai wala na naman daw siyang alam.Pinagalitan niya pa ako at sinabihan ng kung ano ano.Kung bakit daw siya pa ang tinatanong ko eh may iba naman daw diyan na mas nakakaalam.

Hindi man lang niya naisip na wala akong ibang close kundi sila lang na umaaligid sakin,hindi ko nga alam kung matatawag bang close yun.

Nakaupo ako ngayon sa tapat ng soccer field,dito sa mga puno.Si Kai bumili muna ng makakain namin sa cafeteria.Bigla daw kasi siyang nagutom,lagi namang gutom yun.

Naiinis ako sa kaniya.Makita ko lang yun ngayon kakalbuhin ko talaga siya.

"Zaih!" Tawag ni Kai sa likod ko

Hindi na ako nag abala pang tumingin.Para saan pa?!Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagbubunot ng ligaw na damo sa harap ko.Iniimagine ko yon na mismong buhok ni Aspen tapos kakalbuhin ko.

"Tingin ka na kasi sa likod mo!" Pangungulit ni Kai

Si Kai kaya muna unahin ko!

"Ano ba kasing problema--" sa biglaan kong paglingon sa kaniya napanganga na lang ako sa nakita ko.

Ang taong halos isang linggo kong hindi nakita-parang oa..sige ulitin ko.Ang taong gustong gusto ko nang kalbuhin ay nasa harap ko na at nakangisi pa.

Umupo siya sa harapan ko pa mismo,walang hiya talaga.Inirapan ko na lang siya.Kumunot saglit ang noo niya at unti unting ngumisi.

"Uhm..maiwan ko na kayo.Magrereview pa kasi ako." Pagsisinungaling ni Kai tapos tumakbo na nang mabilis na parang hinahabol ng babae.

Bakit hindi na lang siya magsabi ng totoo.Magrereview?Para namang kapani paniwala.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbubunot.Kesa naman pansinin ang taong halos isang linggo'ng hindi nagpakita.

"Hey." Deadma ka lang dapat Zaih.

"Zaih.." Bahala ka diyan.

"Hindi mo ako pinapansin.Red day mo ba?" Tinignan ko siya ng masama.Pati ba naman yung bagay na yun dinadamay niya.

"Dahil ba hindi kita pinapansin red day na ganun ba?!" Sigaw kong tanong

Itinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko."Hindi ko sinabi yun." lol!

Kumuha ako ng ballpen at papel sa bag ko at nagsulat ng kung ano ano baka sakaling tumigil siya sa pangungulit kapag nakita niyang busy nga ako.

"I miss you." Natigilan ako.Seryoso ang pagkakasabi niya non na para bang pinag isipan niya ng mabuti.

"Sinasabi mo yan pagkatapos mong hindi magpakita ng pitong araw." Nagsusulat pa din ako sa papel para isipin niyang hindi ako masyadong seryoso sa tanong ko.

Kung ano anong pangalan na lang ang naisusulat ko sa papel.Nakakakaba yung sinabi niya.

Tumango siya ng isang beses na tila nakuha na niya ang nangyayari.

"Yun pala.." Bulong niya.Napairap na lang ako sa kawalan.

"We went to France." Napatingin ako bigla sa kaniya nung sinabi niya yun.

"France?" Tanong ko.Tumango siya.

"May emergency na nangyari kaya biglaan ang pagpunta namin don." Napakaseryoso niya habang nagpapaliwanag.Nakonsensiya tuloy ako.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now