Chapter 60

2K 61 8
                                    

Tawag

-❇Zen's POV❇-

Maaga akong nagising ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Three thirty na nong nakatulog ako at nagising ng five thirty kaya ang resulta, puyat.

Nagkukusot ako ng mata habang bumababa papuntang kusina. Wala na akong pakialam kung nakasuot ako ng manipis na sando at maikling shorts. Lutang pa nga ako nang nakababa.

Nakarinig ako ng sunod sunod na ubo pagkapasok ko sa kusina. Idinilat ko ang inaantok na mata at nakita si Windston na kagat kagat ang labi at parang natigilan.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko pagkakita sa tsaa na natapon sa lamesa.

Tumikhim siya, "Nasamid lang."

"Mag ingat ka sa susunod."

Dumiretso ako sa ref at kumuha ng gatas. Nitong mga nakaraang araw, napagtanto ko na mas gusto ko ang gatas kapag umaga. Sobrang malasa kasi.

Nagsalin ako sa baso at ininuman agad yun. Hindi nagsasalita si Windston kaya nilagpasan ko siya at hinanap si Nathan. Kinatok ko siya kanina sa kuwarto niya pero walang sumasagot kaya alam kong nandito siya.

Babalik sana ako sa kusina para tanungin si Windston nang hindi sinasadyang nabaling ang tingin ko sa nakabukas na pintuan sa gilid ng bahay. Kitang kita ang malaking puno doon.

Sa nakikita ko, daan yun papunta sa likod ng bahay na ito. May garden kaya si Nate? Napangiti ako sa naisip. Kung meron siguradong mag-e-enjoy talaga ako dito.

Hawak ang baso ng gatas ay dumaan ako sa nakabukas na pintuan na yun. Sumalubong kaagad sa akin ang napakalamig na hangin. Tama nga ako, may garden nga.

Ang daming iba't ibang halaman ang makikita dito. Pinapagitnaan nila ang malaking puno na hindi pamilyar sa akin. Nangingiti ako habang tinitingnan lahat yun at hindi sinasadyang napatingin sa gilid.

May bakod ang garden ni Nathan. Sa gilid ng garden ay may malaking swimming pool. Nilapitan ko yun para tingnan. Grabe! Ang ganda. Kahit hindi ko pa nasusubukan alam kong medyo malalim ang swimming pool na ito. Sobrang ganda at nakakaakit. Ang sarap subukan.

Natigilan ako sa naisip.

Naalala ko na hindi pala ako pwedeng magswimming dahil sa braso ko. Hindi ko dapat ginagalaw ito masyado para hindi na lumala. Sayang gusto ko pa naman subukan kahit isang beses lang.

Hinaplos ko ang tubig. Hanggang hawak at tingin na lang ako sayo. Hindi kita pwedeng subukan, kahit gusto ko.

Bumuntong hininga ako at tumayo na. Ang lawak ng paliguan na ito at malawak din ang garden. Tamang tama talaga para bakasyunan.

"Nandito ka lang pala."

Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses. Si Nate yon na nakahilig sa pintuan na pinasukan ko kanina.

"Nathan."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhm, aksidente ko lang nakita. Hindi ko alam na may garden at swimming pool ka pala dito sa likod."

Tumango siya at nilapitan ako, "Gusto mo pa bang manatili dito?"

"Ayoko."

Kumunot ang noo niya sa sinagot ko, "Bakit? Akala ko ba maganda?"

"Kahit na maganda, hindi ko rin naman ito pwedeng subukan." Hinawakan ko ulit ang tubig.

"Diyan ka nagkakamali."

Napatingin ako sa kaniya nang bigla niyang inilubog ang dalawang paa sa tubig.

"Hindi ka nga pwedeng lumangoy pero hindi nila sinabing bawal sayo ang swimming pool."

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now