Chapter 32

2.4K 67 1
                                    

Pag alis

-❇Zen's POV❇-

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kawalan dito sa tambayan namin. Tatlong araw na mula nong nangyari ang aminan namin ni Ace sa green garden. Tatlong araw na rin siyang wala.

Sa buong trip namin magkasama kaming dalawa. Sa pag uwi naman ay magkatabi ulit kami. Doon ko rin nalaman na kanila pala yung mismong bus na sinakyan namin.

Hindi ko alam kung kailan siya babalik pero tiwala akong mangyayari yon. Siguro isang linggo lang din sila doon. Katulad ni Aspen noon. Hihintayin ko siya, hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niyang pupunta ulit kami doon.

Mga yapak ang narinig ko na papunta sa akin pero hindi ko yon pinansin dahil kilala ko na.

"Mahal ang tubig." Sabi ng isa diyan

Umupo sila sa tabi ko at tinignan ang reaksyon ko. Tinignan ko siya ng matalim para tumigil pero sadyang makapal na talaga ang mukha ng isang 'to. Kinunot ko ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Yang laway mo tumutulo na. Mahal ang tubig kaya kung ako sayo magtipid ka." Tumingin siya sakin. "Nakuha mo?"

Imbes na patulan pa si Josh ay tumahimik na lang ako at tumingin ulit sa harap. Masyado akong maraming iniisip para sakyan pa ang pang aasar niya.

"Miss mo na?" Matapos ang ilang segundong pananahimik ay yon ang unang tinanong Thunder.

Tumango ako. Naalala ko nong bumalik kami ni Ace galing sa garden ay wala na sila doon. Kinabahan pa nga ako dahil baka naiwan na kami pero alam ni Ace ang lugar na yon kaya nahanap din namin sila kaagad.

Sa bawat pinupuntahan namin ay nakabuntot sa amin si Kai na may nakangising mukha. Tila alam na niya ang dahilan kung bakit si Ace lang ang kasama ko sa buong araw na yon.

Si Aspen hindi ko nakita. Maski nong nakisabay kami ni Ace kina Nathan para kumain ay hindi ko rin siya nakita doon. Hindi ko alam kung saan siya pumunta.

"Mabuti naman at nalaman mo na." Sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya dahil doon. Ngumiti siya at inunat ang mga paa. Tumingin siya sa itaas at ibinalik din sa akin ang tingin habang nakangiti.

"Matagal ko ng napapansin na kakaiba ka. Nong una ayokong paniwalaan si Ace sa mga kilos niya pero sa paraan ng pagtingin niya sayo-" Nagkibit siya ng balikat. "kakaiba."

"Si Alas?! Alam ko yon!" Sabat ni Josh.

"Haist! Tumigil ka nga Josh kanina ka pa. Doon ka nga kay Kai!" Pagpapalayas niya dito.

Natahimik bigla si Josh na tila may naalala. Sinimangutan niya si Thunder. Tinignan niya ako, nang nakitang wala akong reaksyon ay tumalim ang tingin niya dito.

"Hindi ko kilala yon!" Sigaw niya habang nakasimangot.

"Kulog! May naghahanap sayo!"

Tumingin kami sa likod at nakitang si Jun yon. Parang ang laki ng problema niya at halatang naiinis na.

"Sino?!" Sigaw naman niya pabalik.

"Pwede ba pumunta ka na lang wag na maraming tanong. Naiinis ako!" Kunot noong sigaw nito pabalik.

Ngumisi si Thunder at patakbong pumunta sa kaniya. Inakbayan niya ito pero busangot pa din ang mukha ni Jun. Tumawa si Thunder at sabay na silang umalis.

"Teka hintay!" Sigaw ni Josh at nagmamadaling tumakbo papunta sa kanila.

Naiwan na naman ako ditong mag isa kaya balik ulit sa pag iisip. Ilang minutong ganon hanggang sa may narinig na naman akong yapak. Kakaiba ang yapak na yon. Kung hindi ko lang alam na pumunta si Ace sa France ay baka pagkamalan kong siya ito.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now