Chapter 57

1.9K 69 3
                                    


Pansit

-❇Zen's POV❇-

Mas lalong hindi ako nakatulog dahil sa pag iisip sa kaniya. Umalis sila ng alas onse. Hindi ko alam kung naka uwi na ba sila dahil narinig ko si Josh na nagyayaya mag bar.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Kukunin ko pa yung padala ni mama. Kasalukuyan akong nag aabang ng masasakyan nang biglang tumigil ang kotse ni Thunder sa harap ko.

Dinilaan ko ang labi at sumakay sa loob. Unti unti na akong nasasanay na sinusundo niya. Siya palagi. Hindi ko na nga alam kung naaapektuhan ba siya dito. Baka naman sinasadya niyang magising ng maaga.

"May pinuntahan ba pa kayo kagabi?" Ilang minuto ang nakalipas ng pananahimik, binasag ko ito.

Bumaling siya sa side mirror at iniliko ang kotse, "Wala na. Diretso na kami pauwi. Bakit?"

Nagkibit balikat lang ako. Baka hindi nila pinaunlakan si Josh.

Nang nakarating sa university ay diretso na kaming dalawa sa classroom. Maraming studyante ang nasa corridor at nag uusap usap. Karamihan sa kanila ay sumusulyap pa sa amin at palihim na bumubulong sa mga kasama.

May grupo ng mga kababaihan ang biglang lumapit sa amin. Nakahalukipkip silang lahat at nakatingin kay Thunder. Itinagilid ng babaeng nasa mismong tapat ni Thunder ang kaniyang ulo at nagmamaliit na tiningnan niya ito.

Maputi at makinis ang kaniyang kutis. Halata na mayaman dahil sa mga nakasuot sa katawan niya. Mapupula din ang manipis niyang labi at kahit na walang make up ay napakaganda niya tingnan.

Itinagilid din ni Thunder ang ulo niya at inilibot ang tingin sa katawan ng babae. Nagtagal ang tingin niya sa dibdib nito. Kita ko ang unti unting paglaki ng mata ng babae. Kahit kailan talaga, Thunder.

"Bakit?" Tanong ni Thunder gamit ang malamig na boses.

Ibang iba kapag kami ang kausap niya.

"Totoo ba ang balita na isa sa mga babae mo ang pinsan ko!?" Malakas na tanong ng babae.

Hindi sumagot si Thunder at nanatili lang na nakatitig. Parang binabasa niyang maigi ang nasa isip ng kaharap niya.

"Ano, hindi ka makasagot? Alam mo bang umiiyak siya dahil sayo? Dahil ang dami mong babae!"

Kinagat ni Thunder ang labi niya at bahagyang lumingon sa mga studyanteng nanonood sa nangyayari. Ibinalik niya din kaagad sa babae ang tingin niya at mukhang sasagot na.

"Anong pangalan ng pinsan mo?"

Tumawa ang babae at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya, "Tingnan mo. Sa dami ng babae mo halos hindi mo na sila makilala!"

"Kung totoong umiyak siya, dapat siya mismo ang humarap sa akin at nakipag usap. Bakit kailangan ikaw pa?"

Tumataas baba ang dibdib ng babae at sa paraan ng pagtingin niya kay Thunder ay kitang kita ang inis at pagkainsulto.

"At bakit hindi ako? Pinsan ko yong pinaiyak mo. Sa tingin mo ba tatayo lang ako sa isang tabi at manonood!?"

"Look, may ihahatid pa ako sa classroom kaya kung pwede... umalis na kayo."

Tumingin sa akin ang babae. Galit ang nangingibabaw sa mga mata niya. Lumapit siya sa akin pero halatang nagtitimpi siya na saktan ako.

"At sino siya? Isa na naman siguro sa mga babae mo. Halata naman eh! Lahat siguro ng babaeng malandi dito sa school pinatulan mo na!"

Nanlaki ang mata ko nang biglang lumapit si Thunder sa babae. Malapit na malapit na kapag humakbang pa siya ay maghahalikan na sila.

"Huwag na huwag mo siyang pagsasabihan ng ganiyan." Mariin niyang sinabi sa babae.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now